XANTIEL
“One caramel frappé for Ma‘am Nichole!”
I can‘t believe na magagawa ko ‘yon. Parang kailan lang nung pangalan ko pa ang tinatawag sa café na ‘to tapos ngayon, ako na ang nagtatawag. Do you get deja vu? HAHAHA!
Lumapit naman dito sa counter ang isang magandang babae na may kasamang bata. It‘s her daughter siguro.
Iniabot niya naman sa akin ang bayad kaya malugodnko itong tinanggap saka ibinigay ang order nila. I was confused dahil tinititigan nila ako ng maigi kaya napangiti ako ng hilaw.
“May problema po ba?” I asked kaya ngumiti naman ito saka mabilis na umiling.
“Ah wala. You‘re beautiful kasi.” nakangiting aniya so I smiled back. Nagpaalam na ito na aalis pagkatapos magpasalamat.
“No wonder why he likes you so much.”
Bago pa sila tuluyang tumalikod ay narinig ko pa itong bumulong pero hindi ko naman naintindihan kung ano ang sanabi nito. Binaliwala ko na lang ‘yon at bumalik sa trabaho.
Medyo awkward ang atmosphere kanina nang magsama-sama kami nila Kio. Halos tahimik lang ako sa buong pag-uusap nila dahil iniisip ko pa rin yung sabi ni Kio na liligawan niya ako. But I‘m trying my best naman para hindi maging awkward. Act normal lang.
“Huy ‘te! Patulong naman dalhin ‘to sa pantry.” nagmamakaawang saad ni Dyreen habang buhat-buhat ang pinamili niyang stocks dito sa café.
Agad ko naman kinuha ang isang paper bag na hawak niya para mabawasan ang dala nito. Daig pa niya ang bumili ng groceries para sa buong baranggay e. Nauna na akong maglakad saka binuksan ang pinto ng kusina. Napatingin naman sa akin si Kio at nang mapansin nito ang dala ko ay kaagad siyang lumapit para tumulong.
“Ako na.” pag-agaw nito saka hinablot ang hawak ko kaya wala akong nagawa kun'di ang ipaubaya ‘yon. Aangal pa sana ako kaso hinablot niya na e kaya huwag na lang. Lumapit na lang ako ulit kay Dyreen para kuhanin ang isa pa niyang dala.
She gave it to me naman pero inusisa pa ako. “Nag-away ba kayo ni Kio?” tanong nito kaya mabilis akong umiling saka bahagyang natawa.
“Hindi naman. Bakit?” tanong ko pabalik habang naglalakad kami papunta sa pantry kaya nagkibit-balikat ito.
“Ang tahimik niyong dalawa simula pa kanina.” nakangiwing tugon nito saka binuksan ang pinto ng pantry.
“Tapos kaninang umaga pa kayo madalang ang interactions? O baka naman normal lang talaga ‘yon at hindi lang siguro kami sanay? Madalas kasi kayong magkulitan dati tapos pagbalik mo, wala na. Mukha ngang iniiwasan mo siya e.” dagdag pa nito kaya sandali akong natigilan bago inilapag ang hawak ko sa mesa doon sa loob. Ganoon din ang ginawa ni Dyreen saka ako pinalabas na. Siya na raw ang bahala doon at baka kailangan na ako sa counter.
Nang palabas na ako ng kusina ay nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ni Kio so I tried to smile at him. Pogi niya pa rin.
Grabe. Mukha bang iniiwasan ko si Kio? Baka magmukhang masama na ako sa susunod nito. Close pala talaga kami noon kaya I‘ll try my best na huwag maging awkward.
***
“Hoy ‘te? Ano ‘tong sabi sa akin ni Dyreen kanina na parang iniiwasan mo raw si Kio?” taas-kilay na tanong ni Sachi habang naghihintay kami kay Zach na nasa loob pa. Naiwan kasi ang cellphone niya kaya ‘ayun, binalikan. Uwian na at nauna na kaming lumabas nila Sachi kaya naiwan yung dalawa sa loob.
“True nga. Mukha talagang iniiwasan mo si Kio.” gatong pa ni Dyreen kaya umiling ako.
“Wala ‘yon. Okay naman kami.”
Halata sa mukha ni Sachi na hindi siya naniniwala pero tumahimik na lang ito. Sakto namang lumabas na si Zach kaya linock na namin ang café.
“Xantiel? Pwede kang kausapin?” tawag sa akin ni Zach kaya tumango naman ako. Pinauna niya na sila Sachi sa parking lot kung nasaan si Kio kaya kaming dalawa na lang ang nandito.
“Bakit?” I asked him kaya tumikhim ito bago magsalita.
“Alam kong nililigawan ka ni Kio..” panimula nito.
“Huwag mong masiyadong pahirapan ah? Ngayon lang ‘yan na-inlove. Nagpapatulong pa nga sa‘kin ‘yan kung paano raw manligaw.” natatawang saad niya saka tumingin sa akin.
“Don‘t doubt his love for you dahil hindi uso sa kaniya ang mag loko. Kung may balak Kang bastedin, patagalin mo muna, like one year?” dagdag pa nito kaya pilit akong tumango saka patagong ngumiwi.
Yikes! Magkaibigan nga sila. Kung si Kio, ang sabi sa akin noon ay after three years na ako magbigay ng bad review dahil bago pa lang ang café ni Zach, si Zach naman, after one year ko na raw bastedin si Kio. Ang galing!
Umiling na lang ako saka pumasok sa kotse ni Kio na kakaparada lang rito sa harap namin. Hatid-sundo niya raw kami e. Doon ako sa passenger seat umupo dahil hindi ako passenger princess ngayon. Si Zach ang naupo sa katabi ni Kio. Nang masigurado niyang nandito na kaming lahat ay nag-drive na siya.
Ilang minuto rin ang itinagal ng byahe bago kami nakarating sa apartment kasi nilibot pa kami ni Kio. We thanked him at hinintay muna na makaalis ang sasakyan nila bago pumasok na sa loob.
“Sinong niloloko mo na hindi mo iniiwasan si Kio?” mataray na tanong sa akin ni Sachi habang nakapameywang na nakatayo sa harap ko. I sat down sa sofa saka bumuntong-hininga at kinuha ang throw pillow.
“Kasi naman... Ang awkward kaya!” nakasimangot kong tugon kaya taka niya naman akong tiningnan.
“Bakit naman magiging awkward? E before ka nga umalis, ang saya niyo pa. Grabe pa kayo magkulitan no'n!”
Inalala niya pa ang nangyari bago ako umalis kaya ngumuso ako.
“Eh kasi..”
Inirapan ako nito saka nagsalita. “Kasi ano?”
Wala akong nagawa kun'di ikwento sa kaniya ang nangyari bago ako umalis. I told her about the ligaw thing. Saka yung sa reunion na gustong makilala nila Mama si Kio.
Nanlaki ang mga mata niya pagkatapos kong ikwento ang lahat.
“Hindi ko alam kung pano hindi magiging awkward kasi nga siya yung unang nanligaw talaga sa‘kin! Yung iba kasi noon na gusto raw akong maging girlfriend ay mga atat at wala nang ligaw-ligaw pa. Puro tanong ng ‘will you be my girlfriend?’ tapos kapag humindi, edi hahanap sila ng iba. Like hindi ba nila pinu-pursue. Give up agad.” mahabang saad ko pa saka sumimangot kaya tinawanan naman ako nito.
“Hala ka ‘te! Anong nangyari sa sinabi mong hindi mo gusto si Kio? Tapos hindi mo kailanman p-problemahin ang sinumang lalaki?” nang-aasar na tanong nito kaya mas lalo akong sumimangot. Okay, scam na nga.
“Saka hoy! Nililigawan ka na pala? Kaya pala hatid-sundo na tayo palagi!” natatawang dagdag pa nito saka ako hinampas ng throw pillow.
“Iba ka talaga ‘te, ang haba ng hair mo! Samantalang ako, wala talagang chance kay Zach!” nakasimangot na aniya kaya ako naman ang tumawa. Kawawa naman ang beshy ko!
“Basta, act normal lang Xantiel. Huwag kang ma-pressure sa panliligaw ni Kio. Follow your heart, not their opinions dahil hindi naman sila ang magiging girlfriend ni Kio.” advice nito kaya tumango ako saka tumingala.
E paano ‘yan? Gusto ko si Kio. Follow your heart? Edi sagutin ko na agad ngayon? Joke!
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...