XANTIEL
“KIOOO!” inis kong sigaw saka ito sinamaan ng tingin habang siya naman ay tawang-tawa lang na nakatitig sa akin.
“Mamaya ka sa‘kin.” pagbabanta ko rito saka tinanggal ang icing na pinahid niya kanina sa damit ko. Hindi niya kasi ako napahiran sa mukha kaya sa damit ko nilagay. Ang galing talaga!
“Nag-aasaran na naman kayo?” natatawang tanong ni Dyreen nang makita niya ang sitwasyon namin ni Kio.
“Wala namang bago sa dalawang ‘yan.” umiiling na sambit ng kapapasok lang na si Zach.
“Tingnan mo naman ang ginawa sa‘kin!” sumbong ko sa kanila pero inilingan lang ako nito saka sila tumawa. Edi wow!
Breaktime namin ngayon kaya ganito kami kagulo. Isinasara raw talaga ni Zach ang café kapag alas onse hanggang alas dose y media para makapagpahinga naman daw ang mga staff niya.
“Heto na ang pagkain!” masayang saad ni Sachi saka inilapag sa mesa ang tray na lan ang niluto niyang nilagang baboy at kanin para sa lunch naming lima. Si Zach na ang kumuha ng eating utensils at si Dyreen ang nag-asikaso ng inumin namin. Kami talaga ni Kio ang pinagsisilbihan dito. Joke!
Ang totoo niyan, kaya hindi kami tumulong sa pag-prepare ng lunch kasi kami ang maghuhugas ng pinagkainan at ng ginamit sa pagluto. Ang galing ‘di ba?
Close agad kaming lahat dahil lima lang naman kami. Ako, si Kio, si Zach, si Sachi, at si Dyreen. Hindi sila mahirap pakisamahan dahil may pagka-kalog din kahit si Zach. Pero kahit na ganoon si Zach, wala pa rin talagang tatalo sa ugali ni Kio.
“Ang sarap mong magluto Sachi.” pagpuri ni Dyreen kaya pa-humble na naman ang beshy ko.
“Hindi naman..” nahihiyang tugon nito kaya tinawanan ko siya.
“Pwede na nga ‘yang mag asawa e!” pang-aasar ko rito kaya sinamaan niya naman ako ng tingin habang tumatawa ang mga kasama namin.
“Kilala ko pa naman ang crush niyan.” dagdag ko pa kaya inambahan niya akong babatuhin ng kutsara. Tinawanan ko lang ito dahil paniguradong inis na inis na siya sa akin.
‘Chill, Sachi my labs. Hindi naman kita ilalaglag kay Zach e!’
I badly want to tell her that pero kapag ginawa ko iyon ay malalaman ni Zach na may gusto sa kaniya ang kaibigan ko kaya huwag na lang.
“Mamaya ka sa‘kin sa apartment! Hindi kita papahiramin ng remote sa TV!” mataray nitong saad pero binelatan ko lang siya saka sumubo ng pagkain.
Sayo na ang remote. May laptop naman e!
Patuloy lang kaming kumain at nag-uusap din minsan tungkol sa kung anu-ano hanggang sa si Zach naman ang nagsalita.
“Magkaklase pala kayo ni Kio ano Xantiel? Kumusta naman siyang kaklase?” pang-uusisa nito saka nang-aasar na tiningnan ang kaibigan niya.
“Mabait ako!” agad na sambit ni Kio kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
Mabait? Oo. Kaso lang chismoso!
“Huwag ka nang umangal. Mabait naman talaga ako.” pagpigil nito sa akin kaya nagkibit-balikat ako saka tumingin kay Zach at sinagot ang tanong niya.
“Mabait naman siya... Sabi niya.” matamlay kong tugon dito kaya umiling ito.
“Hindi ba nambabae? Nagpabaya sa pag-aaral? Sumali sa fraternity?” sunod-sunod nitong tanong kaya ngumiwi ako.
Grabe naman. Kung ito ang kaibigan ko, baka kanina ko pa siya nahambalos sa sobrang oa niya.
“Wala raw siyang interes sa babae. Hindi naman pabaya sa pag-aaral. Taga buhat pa nga namin ‘yan e! Saka hindi uso ang fraternity sa school namin. Takot lang nila sa guard pa lang namin na daig pa ang principal kung mansita.” mahabang paliwanag ko rito kaya tumango-tango naman ito saka tumingin ulit kay Kio.
“Ang bait mo pa rin talaga ano? Takot ka pa rin sa kay Tito!” pang-aasar nito kaya inirapan siya ng lalaki.
“Huwag ako Zacharias Nyx dahil takot ka rin naman sa ama mo.” mataray nitong tugon saka bumalik na sa pagkain.
Napuno kami ng asaran at kwentuhan habang kumakain. Asar-talo si Kio kaya mas ginanahan akong asarin siya. May pangganti na ako sa kaniya! Kawawang Kio.
***
“Isang iced caramel macchiato for Miss Y at isang iced americano for Sir K.” marahang sambit ko kay Kio kaya tumango naman ito at sinimulan nang gawin ang order.
I packed two brownies and one slice of strawberry shortcake for take out habang naghihintay kay Kio na matapos.
Kaming dalawa ang nandito ngayon sa counter at sila Zach ulit ang nasa kusina nag-b-bake at gumagawa ng desserts. Si Sachi, taga hugas siya ngayon.
Nang matapos ni Kio ang order ay inilapag ko ito sa tray kasama ng pinack kong brownies at strawberry shortcake.
Binasa ko ulit yung pangalan ng um-order bago ko ito sinigaw. Grabeng trip naman ‘to, Miss Y at Sir K? Wow ha, pa mysterious effect pa sila.
Lumapit naman sa pwesto namin ang isang pamilyar na tao kaya nagulat ako. He was also shocked nang makita niya ako sa harap niya.
Hindi naman ‘to ang nag-order kanina ah? O baka naman, pina-order niya lang sa iba yung order niya at siya ang mag-c-claim?
“Here‘s your order Sir.” magalang kong ani saka iniabot ang tray sa kaniya.
Ngumiti ito saka tinanggap ang tray. “Thank you Miss Xantiel.” pagpapasalamat nito kaya tumango naman ako.
“No worries Sir Kester.”
Yup! It‘s Sir Kester. I assume na yung Miss Y ay si Yvette. I mean, he‘s Yvette‘s ex-suitor nga raw so baka nililigawan niya ulit ngayon? Baka lang naman.
“Sakto, since nandito na rin lang naman kayo, tatawagin ko muna si Yvette. May pakay raw sa inyo e.” masayang aniya saka nagpaalam muna na ilalagay ang tray sa pwesto nila at tatawagin si Yvette.
Hindi nga siya nagsisinungaling dahil pagbalik nito ay kasama niya na si Yvette na nakangiti habang nakatingin sa amin ni Kio.
“Hi guys!” masayang bati nito kaya ngumiti rin ako saka ito binati pabalik.
Mabuti na lang at hindi gaano karami ang costumer ngayon kaya may time pa para makipagkwentuhan.
“Inuman tayo? Ano, g?” tanong nito kaya mabilis kaming umiling ni Kio na ikinatawa nila.
Never again! Hindi na ako iinom ulit! Saka, may trabaho ako kaya pass. Mahirap magtrabaho kapag may hangover.
“Biro lang!” natatawang aniya kaya ngumiti ako ng mapakla. Hindi magandang biro ‘yon a!
“What do you need from us pala? Sabi ni Sir Kester ay may pakay ka raw sa amin.” pagsingit ni Kio sa usapan na sinang-ayunan ko naman kaya tumango si Yvette.
“Ah, tungkol doon.”
“Outing tayo. Deserve naman natin mag beach break e.” excited na sagot nito kaya nagkatinginan naman kami ni Kio at animo'y pareho kami ng iniisip.
“Kailan ba?” sabay naming tanong ng lalaki pero binaliwala ko ‘yon at hinintay na lang ang sagot ni Yvette.
Sandali naman itong nag-isip bago nagsalita.
“Wala pang final date e. Pero I‘ll make sure na wala kayong trabaho sa araw na ‘yon. Deserve talaga natin ang beach break kaya dapat sumama kayo.”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...