XANTIEL
Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang tungkol sa pag-transfer ni Kio. Nakaabot na ang balitang ‘yon sa ibang department.
Marami ang nagtataka kung bakit pumayag ang admin na may mag-transfer pa gayong malapit na rin namang matapos ang semester.
Mag-s-summer na nga eh!
Pero kahit ganoon, marami pa rin naman ang natuwa sa pagpasok ni Kio. Mainly girls syempre. Wala pa ngang isang araw ay marami na agad ang nagkaka-crush sa kaniya. Ang lakas ng kamandag!
Pogi naman kasi talaga. Mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Pang-sosyal nga ang pangalan eh!
Lunch break ngayon at nasa cafeteria ako. Mag-isa lang dahil hindi naman dito nag-aaral si Sachi. Magkaiba kasi kami ng university pero malapit lang din naman dito.
Yung mga kaklase ko? Ayaw ko dun. Hindi naman masasama ang ugali nila, sadyang hindi ko lang talaga ka-vibe. Ma-o-OP lang naman ako kapag sumama ako sa kanila.
Tamang scroll lang ako sa Twitter habang kumakain. Kung nasa bahay lang ako ngayon, paniguradong kanina pa ako pinagalitan dahil bawal ang cellphone sa hapag-kainan.
Ulam lang ang binili ko dahil may baon akong kanin. Nagluto kasi si Sachi kaninang umaga.
“Pwedeng makiupo?”
Napatigil ako sa ginagawa ko nang may nagsalita. I glanced to see Kio standing in front of me habang dala ang isang tray ng pagkain. Nakasukbit sa kaliwang braso ang bag niya habang naghihintay sa sagot ko.
Inikot ko muna ang mga mata ko sa cafeteria bago sumagot. Puno na nga, wala na siyang ibang mesa na mauupuan.
Tumingin ulit ako sa kaniya saka tumango. “Maupo ka.”
Iniusog ko ang ibang gamit ko para mailapag niya ang tray na dala niya.
Nakakailang sa totoo lang. Ramdam ko ang titig ng ibang estudyante rito sa direksyon namin. Hindi ako sanay.
Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Tanging tunog lang ng kutsara‘t tinidor ang maririnig mo.
Sabagay, bakit naman kami mag-uusap? Hindi naman kami close para gawin ‘yon.
‘Sinubo ko ang natitirang pagkain sa lunchbox ko bago ito iniligpit. Itinabi ko lang ang mangkok na pinaglagyan ng binili kong ulam. Dahan-dahan din akong uminom sa tumbler ko dahil baka mabulunan ako ng hindi oras.
Ang kasama ko naman ay tahimik lang na kumakain. Kaunti lang ang pagkaing sa tray niya. Diet ba siya?
“Ikaw si Xantiel, hindi ba?” biglang tanong nito kaya nataranta akong tumango.
Napansin niya naman siguro ’yon kaya natawa siya ng mahina. Shete, ang pogi!
“Ikaw yung babae sa café ng kaibigan ko kahapon?” tanong ulit nito kaya tumango ulit ako. Saglit naman siyang natahimik dahil dun.
“I have a favor.” sambit nito at mukhang nag-aalangan pang sabihin.
“Ano ‘yon?” tanong ko sa kaniya na mukhang nag-iisip pa.
“Huwag mo sanang bigyan ng bad review ang café ng kaibigan ko.. That shop means a lot to him. Saka, nagsisimula pa lang ‘yon kaya huwag muna ngayon. Mga after 2 or 3 years na lang.” litanya nito kaya tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala.
Masama ba akong tao? Luh!
Saka, ang galing ha. After 3 years ko na lang daw bigyan ng bad review. Kung ako ang kaibigan nito, baka binatukan ko na siya.
“Hindi ko naman ugaling magbigay ng review Kio.” pag-amin ko rito. “I just eat and pay. Sayang lang sa oras ko ang pagbibigay ng review. Bahala na ang ibang tao na maka-discover ng isang lugar o bagay. Bahala silang mag-risk.”
I may sound rude and maldita pero iyon ang totoo. Nagbibigay naman ako ng review pero kung necessary lang.
Siya naman ngayon ang mukhang hindi makapaniwala nang dahil sa sinabi ko.
“Ibang klase ka..” manghang tugon niya so I shrugged.
Ganoon talaga kapag maganda!
Kapag nalaman ni Sachi na kaklase ko si Kio at kasama ko pa ngayon mag-lunch, paniguradong hindi na naman iyon mapapakali. Magdadaldal na naman ‘yon ng kung anu-ano.
Pinagpatuloy niya ang pagkain niya habang ako naman ay nagbabasa sa Webtoon. Isa pa ‘to sa ginagawa ko kapag may free time. Kaysa naman tumunganga lang ako sa kawalan ‘di ba?
Ang pogi ng male lead. Kaso iyong pormahan, buhok, at mata niya... Kahawig no'n ang kay Kio!
Pabalik-balik akong tumingin sa cellphone ko at sa harap ko para makumpirma. Confirmed! Ang pinagkaiba lang nila ay walang hikaw si Kio.
Luh! Living Webtoon character ‘yan?
Nang magsawa ako ay nauna na akong magpaalam sa kay Kio na aalis. It may look rude pero mas hindi magandang tingnan ‘yong nasa harap niya ako tapos nakatitig sa kaniya habang kumakain siya. Baka hindi siya maging komportable kung gano'n.
Habang palabas ako ng cafeteria ay may mga estudyanteng napapatingin sa direksyon ko. Iyong iba ay pinagbubulong-bulungan pa ako.
I just ignored them at naglakad na pabalik ng room namin. Mamaya ay magsisimula na ulit ang class.
***
“Pupunta tayo sa Science Laboratory ngayon.” pagbibigay-alam ni Prof.
“Nandito na ba ang lahat?” tanong nito kaya sumang-ayon naman kami.
Nang masigurado ni Prof na kumpleto na kami ay pinauna niya na kami sa labas. Doon daw maghintay dahil sabay-sabay kaming pupunta sa lab.
May sariling mundo ang ibang kaklase namin habang iyong iba naman ay kasama ang mga friends nila. Kahit nga si Yvette at kasama iyong dalawang kaibigan niya eh. Sina Thara at Kia.
Pinagmasdan ko lang sila habang naghihintay kami Kay Prof. Si Kio, mukhang nakahanap kaagad siya ng kaibigan. I mean, who wouldn't be friends with him?
Nang lumabas si Prof ay umalis na kami patungong Science Lab. Pinadala niya lang sa‘min ang bag at iba pa naming gamit dahil baka doon na raw kami mag-session ngayong hapon. Mas maganda na rin ‘yon dahil aircon dun!
Pinagtitinginan kami rito sa hallway dahil mukha kaming may reresbakan. Idagdag mo pa ang mga seryosong mukha ng mga kaklase ko at si Prof na nasa unahan namin.
Iyong ibang nadaraanan namin ay naririnig ko pang bumubulong tungkol sa kung gaano raw kapogi o kaganda ang mga estudyante sa department namin. Syempre, baka Chemistry ‘to!
Hindi rin mawawala ang mga fans ni Kio syempre. Rinig ko pa nga ang mahihinang tili ng ibang estudyante kanina eh!
Pagdating namin sa lab ay hindi muna kami pinaupo ni Prof. I-g-grupo niya raw kami sa apat. Iyon na raw ang magiging permanent groups namin.
Ang taray. Kung kailan patapos na ang sem, saka pa lang magbigay ng permanent groups!
“Oreta, Beltran, Wilson, Alcazar...” pagbanggit ni Prof sa mga apelyido namin.
Yehey! Kasama ko sila Yvette!
“...and Vergara.” pagpapatuloy ni Prof.
Pati rin si Kio..
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Подростковая литератураXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...