XANTIEL
“Sinungitan ako kanina ni Yvette!” pagmamaktol ni Kio habang nasa canteen kaming dalawa.
Hindi muna sumama sila Thara dahil aasikasuhin daw muna nila si Yvette. Mukhang may alam sila sa nangyayari ngayon.
“Hindi naman siya gano'n.” nagtatakang saad ko saka kumagat sa burger na binili ko.
Nakasimangot naman si Kio habang nakatingin sa akin. “Ikaw kasi e!” paninisi niya sa‘kin kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
“Anong ako?” taas kilay kong tanong sa kaniya saka inambahan siyang batok kaya agad itong umiwas.
“Ba't kaya bigla siyang nainis? Hindi naman siya kasali sa bardagulan natin kanina.” nagtatakang saad ko kaya parang tanga namang ngumiti itong kasama ko.
“Maybe that's it! Baka kaya siya nainis kasi hindi natin siya sinali sa bardagulan natin!”
Halos mapatampal ako sa noo dahil sa sinabi niya. Anong akala niya kay Yvette? Bata na nagtatampo kapag hindi sinali sa laro?
“Pano ba kita naging kaibigan?” I acted as if I was disappointed kaya tinarayan niya naman ako.
“Siguro kasi na-gwapuhan ka sa‘kin tapos in-approach mo ako tas ‘ayun, naging close tayo.”
Binato ko siya ng tissue dahil do'n.
“Alam mo ba na creating fake scenarios in your head is a sign of mental illness? Kung ako sayo, I will seek for medical assistance as soon as possible.” sarkastikong sambit ko.
Parang tanga kami rito na nag-aasaran bago napagdesisyonan na bumalik na sa room. Nakakahiya na rin kasi na pinagtitinginan kami ng mga tao rito sa pwesto namin. Masama pa ang tingin ng iba sa‘kin!
“Kio pogi dapat ang tawag niyo sa‘kin.” out of the blue na saad niya habang naglalakad kami. Nag-sign if the pogi pa siya nang sabihin niya ‘yon. Ang galing!
I looked at him with disbelief saka umiling. Pano ko ba talaga ‘to naging kaibigan?
“Akala ko pa naman, matino ka.” nakangiwing usal ko habang ginagala ang mga mata ko rito sa may field.
Ngayon na lang ulit ako napadaan dito simula nung gumawa kami ng perfume. Nasa kabila kasi ang room namin at ang main gate kaya doon ako dumadaan.
“Dito muna tayo Kio.” pag-aaya ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinila na siya papunta sa tambayan ko.
Pinagtitinginan na kami ngayon dahil sa ginagawa ko. Pano ba naman, mukhang bubugbugin ko si Kio sa paraan ng paghila ko sa kaniya.
“Parang aabangan ako sa gate mamaya ng mga fan girls mo.” nakangiwing sumbong ko rito saka siya binitawan kahit hindi pa kami nakakarating sa tambayan ko.
Tinawanan niya lang ako ng dahil do'n. “Gano'n talaga kapag pogi, maraming protective fans.” mahanging sagot nito kaya kinurot ko siya braso. God, ang tigas. Mukhang nag-g-gym siya!
Hindi pa man kami nakakalapit sa tambayan ko ay may nakita na kaming dalawang tao na nakaupo doon. Mukhang naunahan kami!
“Teka, bakit parang familiar?” takang tanong ko habang nakatitig ng maigi sa dalawang tao na nakatalikod sa‘min ngayon.
“Syempre. Si Yvette ‘yan eh!” mataray na sagot ni Kio saka itinuro ang ribbon na nasa buhok nito. Oo nga.
Pero sino yung lalaki?
Hinila ako ni Kio para mas lumapit pa ng kaunti. Nang sa gano'n, marinig daw namin ang pinag-uusapan nila. Chismoso talaga!
Mukhang seryoso naman ang usapan nila dahil maging kami ay ramdam ang bigat ng atmosphere. Grabe ang tension.
Parang tanga kami rito ni Kio na nakasilip sa malaking puno ng mangga na nasa likod nila Yvette.
“Yvette...”
Ang boses na ‘yon. Familiar siya! Kaboses niya yung student teacher namin!
“I‘m sorry.” saad ulit nito kaya pagak na natawa si Yvette.
“Bakit ka pa bumalik?” tanong ni Yvette sa lalaki. “Bakit ka pa bumalik Kester? Ha?” Bakas sa boses nito ang galit at hinanakit.
Sabay kaming nagkatinginan ni Kio nang banggitin ni Yvette ang pangalan ng lalaki.
Confirmed! Si student teacher ‘yon!
Si student teacher din yung Kester na tinutukoy nila Kia!
“Gagi.” gulat na usal nito pero agad kong tinakpan ang bunganga niya nang mapansin kong luminga-linga si Sir Kester.
“Akala ko may tao.” rinig kong sambit nito kaya dahan-dahan naman kaming naglakad paalis doon ni Kio.
Daig pa namin ang magnanakaw sa sobrang ingat ng galaw para lang hindi makagawa ng ingay.
Nang makalayo kami sa lugar na ‘yon ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag habang ang kasama ko naman ay gulat pa rin na nakatanaw doon sa pinanggalingan namin. Napaka-chismoso!
“Anong mayroon sa kanila?” naguguluhang tanong nito sa sarili kaya hindi ko maiwasang tawanan siya.
“Kalalaking tao, chismoso!” pagpaparinig ko kaya sinamaan niya naman ako ng tingin.
“Hindi ba pwedeng curious lang?” mataray niyang tanong pero binelatan ko lang siya.
Grabe pa magtaray! Daig pa ako ha.
“Muntik na tayo do'n kanina.” umiiling kong saad habang naglalakad kami papunta sa room.
“Kung hindi mo naman kasi ako inaya na pumunta do'n, hindi sana yun mangyayari.” paninisi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Heh! Akala mo naman hindi naki-chismis do'n kanina. Todo silip pa talaga ha! Sino kaya ang nag-aya na lumapit pa talaga para marinig daw ang usapan?” singhal ko rito kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Nanahimik na lang ito at ganoon din ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa room. Puro bardagulan lang ang mangyayari kung magsasalita pa kami. Para kaming tanga do'n sa hallway.
Nang makarating kami sa room ay bumungad sa‘min sila Thara na nakatambay sa may pinto. May pinag-uusapan sila ni Kia. Mukhang seryoso.
“Grabe naman ang pagkaseryoso ng mukha niyong dalawa.” puna ko sa kanila saka inaya na maupo doon sa bench.
Sumunod din pati si Kio sa amin. Hindi pa ba ‘to nakuntento sa chismis kanina?
“Bad mood si Yvette.” nakasimangot na sabi ni Thara habang naka-cross arms.
“Sinungitan nga ako kanina e!” pagsusumbong naman ni Kio kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Loko talaga! Nakisingit pa sa usapan!
Bumuntong-hininga naman si Kia at mukhang problemado.
“Dapat kasi hindi na bumalik si Kester e!” inis nitong ani.
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanilang tatlo. Oo, tatlo sila dahil maging si Kio ay nakisali na talaga sa usapan. Certified chismoso talaga siya.
“Sino ba ‘yang Kester sa buhay ni Yvette? Nakita namin siya ni Xantiel kasama si Sir Kester sa may field kanina tas mukhang seryoso ang usapan!” pagsusumbong ni Kio kaya sabay na tumingin ang dalawa sa kaniya.
“Nag-usap sila?” gulat na tanong ni Kia kaya tumango naman ang lalaki.
“Oo! Tapos alam niyo ba, nag-s-sorry si Sir sa kaniya!”
Napailing na lang ako habang nakikinig sa kanila. Palong-palo talaga siya kapag chismis na ang usapan! Akala ko pa naman, seryoso siya sa buhay niya. May tinatago rin naman palang kakulitan!
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...