YVETTE
Kahit medyo nahirapan akong intindihin ang message ni Gino ay kaagad ko naman itong na-gets. Sinabihan ko ito na huwag papaalisin ang dalawa dahil pupunta kami doon.
Inaya ko sila Kester. Sasama rin daw sila Kio at Rio kaya sila Isabelle, Mayo, at Kia ang maiiwan para magbantay kay Xantiel.
Tumawag din ulit kanina yung roommate ni Xantiel kaya sinabi ko sa kaniya ang kalagayan ng kaibigan niya. Hintayin daw siya kasi pupunta siya mamaya pagkatapos ng shift niya sa trabaho.
Nagmamadali naman ang mga kasama ko sa paglalakad. Ang hahaba pa ng bias nila kaya talaga nauna na sila sa‘kin pero wala akong pakialam doon. Ang importante ay maabutan namin sila Trisha dahil nangangati na talaga ang palad ko na manampal ng tao!
Naabutan namin sila na nagpupumiglas habang hawak no'ng Guard at ni Gino. Iyong lalaki, nakayuko habang nakasuot yung hoodie niya kaya hindi ko maaninag ang mukha habang yung bruha naman, kitang-kita ko kung paano siya kabahan.
Tama ‘yan. Kabahan na siya sa pinaggagawa niyang kalokohan. Dalawin sana ng konsensya niya.
“Why are you doing this?” animo'y maamong tupa na tanong ni Trisha kaya suminghal ako saka lumapit sa kaniya.
Sinenyasan ko naman si Gino na bitawan ang babae na agad niya rin naman sinunod.
“Masiyado kang plastic Trisha. Kaya lumalala ang pollution sa mundo e. Kasi dumadami yung mga katulad mo.” pabalang kong sambit at saka siya binigyan ng isang malutong na sampal.
Suminghap naman ang mga kasama ko dahil sa ginawa ko. Kahit si Manong guard, nagulat din e!
Pero I have no regrets on what I have done dahil deserve niya ‘yon. Kulang pa nga kung tutuusin e.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” galit nitong tanong habang iniinda pa rin ang sakit na dulot ng pagkakampal ko.
I shrugged bilang tugon sa tanong niya. “Siguro dahil bored ako?” pabalang kong tanong kaya nanlilisik na ang mata nito habang nakatingin sa akin.
“You‘re crazy!” singhal nito kaya pagak akong tumawa.
“Kung ako baliw, ikaw? Anong tawag mo sa sarili mo?” pang-aasar ko rito saka siya inirapan at nag-seryoso.
“Bakit mo ginawa ‘yon kay Xantiel?” tanong ko rito kaya natigilan siya.
“W-What do you mean?” naguguluhang tanong nito kaya umirap ako.
Acting innocent pa, e huli na nga sa akto!
“Maang-maangan ang peg sis? Sinong inuuto mo? Wala kang mauuto rito uy!” singit ni Thara sa usapan namin.
Sinenyasan ko naman siya na huwag munang makisali dahil moment ko ‘to. Ako muna ang maglalabas ng hinanakit. Mamaya na sila.
“Huling ulit ko na ‘to sa tanong ko Trisha. I will not repeat this again. Bakit mo kinulong si Xantiel sa storage room?” madiing tanong ko rito habang nakasalubong ang kilay.
Hindi niya ako madadala sa paawa effect niya. Hindi ako tanga para maniwala sa kaniya.
“You‘re accusing me! Hindi ko naman ‘yon ginawa pero bakit sa akin niyo binibintang?” malapit na siyang umiyak habang sinasabi ‘yon pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Sino ba ang may galit sa kaniya? Kami?” sarkastikong tanong ko kaya natigilan naman siya.
“Oh, bakit hindi ka makasagot? Kasi guilty ka?” tanong ko ulit nang mapansin kong natutulos siya sa kinatatayuan niya.
Tahimik lang na nanunuod sa amin pati ang kasama niyang lalaki. No one dared to interrupt our little scenario.
“Hindi ka pa ba nakuntento kay Kester at si Kio naman ang target mo ngayon?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...