Chapter 17

15 2 0
                                    

KIO

“TULONG! MAY TAO BA DYAN?”

Kanina pa ako sigaw nang sigaw at nagbabakasakali na may makakarinig sa akin. Bahala na mapaos basta makalabas kami rito ni Xantiel.

I looked at her na ngayon ay payapang natutulog sa gilid. Kinakabahan ako sa lagay niya. Ginawa kong unan niya ang plastic bag na puro tela para kahit papano ay maging komportable siya.

Kwinento niya na bawal siya sa mga ganito kasi may trauma siya because of what happened when she was just a kid. Dahil don ay pinagpahinga ko muna siya sa sulok pero nagulat na lang ako nang bigla itong nahimatay.

Desidido talaga ako na makalabas kami rito kaya todo sigaw ako. Hindi ako makatawag kasi nandoon ang cellphone ko kay Yvette. Iniwan ko sa kaniya kanina.

Sinubukan ko ulit na buksan ang pinto pero kahit anong pihit ko sa doorknob ay wala talaga. Paulit-ulit kong kinakalampag ang pinto nang sa gano'n ay makagawa ng malakas na ingay. Sana naman may makarinig.

“TULONG! PLEASE TULUNGAN NIYO KAMI!” sigaw ko ulit habang kinakalampag ang pinto.

Nararamdaman ko na rin ang pagod pero hindi ko ito inalintana. Ang importante ngayon, dapat makalabas kami rito.

Hindi ako tumigil sa pagkalampag ng pinto kahit namumula na ang kamay ko at nararamdaman ko na ang sakit. I will never give up.

Minutes passed at may narinig ako na tunog ng mga sapatos na papalapit kaya kinalampag ko ulit ang pinto saka sumigaw.

“KIO? IKAW BA ‘YAN?” rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.

Hindi na ako nag-inarte at inisip kung sino ‘yon dahil ang importante, matulungan kaming makalabas kami rito.

“YES! PLEASE, TULUNGAN NIYO KAMI!” pagmamakaawa ko rito at kinalampag ulit ang pinto.

Hindi na sumigaw ulit ‘yong tao sa labas pero rinig ko ang paglapit nito sa pinto. Siya naman ngayon ang kumalampag sa pinto.

Sinusubukan niya rin na buksan ang pinto pero bigo siya kagaya namin ni Xantiel kanina.

“Shit, sira yung doorknob!” rinig kong reklamo ng tao sa labas.

I can recognize that voice. Sila Thara!

***

YVETTE

“Shit, sira yung doorknob!” inis na reklamo ni Thara saka ito pinihit ulit.

“Hindi ba gumagana yung susi?” nag-aalalang tanong ni Kia kaya umiling ito.

“Mapuputol na lang ‘tong susi pero hindi pa natin nabubuksan yung pinto!” sagot nito saka sinipa ang pinto nang dahil sa inis.

Kinakabahan din ako habang nakamasid sa kanila. Kahit sila Gino na kasama ko ngayon ay problemado rin.

“Okay lang ba kayo dyan sa loob?” tanong ni Isabelle na agad din namang sinagot ni Kio.

“Nahimatay si Xantiel. Kanina pa. Kailangan na naming makalabas dito immediately!”

Nang dahil sa sagot ni Kio ay mas lalo akong kinabahan. Hindi sakitin si Xantiel kaya alam kong may mali!

Wala na akong ibang choice kun'di humingi ng tulong sa taong alam kong makakatulong talaga.

Dali-dali kong inilabas ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa contacts. Nang makita ko ito ay kaagad kong tinawagan ang number niya. Mabuti na lang talaga at hindi ko pa ‘to dinidelete. Sana lang ito pa yung ginagamit niya.

Wala pang isang minuto ay agad niyang sinagot ang tawag. Nag-aalangan naman akong nagsalita dahil hindi pa rin ako sanay na kausap siya. It‘s been 3 years na rin kasi..

“Kester..”

Ikinalma ko ang sarili ko saka nagsalita ulit.

“I need your help. Immediately. Na-trap sa storage room sila Kio at nahimatay daw si Xantiel. Please, tulungan mo kami. Malapit nang magdilim!” kinakabahan kong litanya rito kaya agad naman itong nag-panic sabay sabi na huwag daw mag-panic. Wow.

Hindi ko ito pinansin at pinatay na ang tawag.

“Wala tayong choice kun'di sirain ang lock.” umiiling na saad ni Mayo habang nakatingin sa doorknob. “Mukhang sinadya silang ikulong sa loob.” dagdag pa nito kaya uminit na naman ang dugo ko.

Hinarap ko si Gino saka nagsalita. “Hanapin mo si Trisha. May pag-uusapan lang kami.” seryosong sambit ko na agad niya rin namang sinunod.

Humanda ka sa‘king babae ka. Punong-puno na ako sayo!

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating si Kester na may kasamang guard at utility. Pinatabi nila kami dahil sila na raw ang bahala.

Nakahanda na raw ang Infirmary para kay Xantiel. Nandoon na rin daw ang nurse, naghihintay. Kung hindi naman daw malala ang nangyari, pwede na siyang i-discharge pero kung malala, doon talaga kami magpapalipas ng gabi para ma-monitor daw si Xantiel. ‘Yan ang sinabi sa amin ni Kester habang pinapakalma kami nila Thara.

Kung kinakailangan pa nga na dalhin sa ospital ay dadalhin talaga namin. Lagot talaga sa’kin si Trisha!

***

Binaklas ng utility at guard ang pinto para makalabas sila Kio. Kaagad namamg binuhat ni Rio si Xantiel kagaya ng utos ni Kio habang siya naman ay inalalayan namin papunta rin sa Infirmary.

Namamaga ang kamay niya dahil siguro sa pagkalampag ng pinto kanina. Bakas din sa mukha niya ang pagod.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Infirmary. Kaagad namang inasikaso ng dalawang nurse ang mga kasama namin pero umayaw si Kio. Nanghingi lang siya ng ice pack at sinabing si Xantiel ang asikasuhin dahil mas kailangan niya ‘yon.

Kinakabahan ako sa lagay ni Xantiel ngayon. Baka kung anong mangyari sa kaniya!

“Anong nangyari Kio? How did you ended up like that?” tanong sa kaniya ni Kester na kakarating lang.

“I followed Xantiel kanina kasi napansin ko na may nakasunod sa kaniya na lalaking naka-hoodie na itim noong umalis siya pagkatapos nilang mag-usap ni Trisha. Kahina-hinala kasi.” paliwanag nito habang dahan-dahang dinadampi ang ice pack sa kanang kamay niya.

“Sinundan ko siya hanggang sa loob ng storage room tapos inaya nang lumabas kaso biglang nag-lock yung pinto. Hinala ko nga ay ‘yong lalaking nakasunod sa kaniya ang gumawa no'n.” dagdag pa nito saka tiningnan si Xantiel na inaasikaso ngayon ng mga nurse.

“Bakit siya nahimatay?” nag-aalalang tanong ni Kia kaya bumuntong-hininga ang lalaki.

“She told me earlier na may trauma raw siya sa mga ganoong scenario tapos sabi ko, magpahinga na lang muna. Nagulat na lang ako nang bigla siyang nahimatay.” tugon nito.

Agad na nag-init ang dugo ko dahil sa sagot ni Kio. Hindi na talaga ako makapaghintay na makita si Trisha dahil alam kong may kinalaman siya sa nangyayari ngayon. Kating-kati na ang kamay ko na masampal siya.

I turned to see Kio at iniabot sa kaniya ang cellphone niya. Sila Kester at iba pa naming kasama ay hindi rin mapakali habang nag-aalalang nakatingin sa kay Xantiel na nakaratay ngayon sa kama.

Tumingin naman ako sa cellphone ko dahil bigla itong nag-vibrate. Text galing kay Gino.

‘kita ko na si Trisha. d2 sa may gate may kausap guy na naka black hoodie.’


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon