XANTIEL
“Huwag mo nga kasing paghaluin ang baking soda at suka! Para ka namang hindi nag-grade 2 niyan!” paninermon ni Kianna kay Rio.
Kaya naman pala may pa-groupings. May activity pala tapos dapat mataas yung ratings namin kasi mataas ang impact nito sa final grade.
“Grade 4 pa na Science ‘tinuturo ang ganito Kia..” pagsaway ni Yvette kaya napasimangot naman si Kia.
“Pareho na ‘yon!”
Si Kio naman, tahimik lang na nakamasid sa ginagawa nila. Ako? Heto, naghihintay kung may ipapagawa ba sila. Hindi naman ako ang leader eh. Wala pa kaming leader!
Ayaw naman kasing tanggapin ni Yvette at mas lalong ayaw ni Kia. Hindi na nila in-offer kay Rio dahil wala kaming mapapala doon. Puro kalokohan lang ang nasa isip niya e. In-offer sa‘kin kanina pero hindi ko rin tinanggap. Si Kio na lang ang hinihintay namin. Sana pumayag.
“Xantiel, pakiabot naman ng isang beaker.” utos ni Yvette na agad ko namang sinunod.
Maingat kong iniabot sa kaniya ang beaker na hinihingi niya.
“Kailan ulit yung deadline ng perfume?” tanong ko sa kanila pero mukhang hindi ako narinig nila Rio at si Yvette ulit ang sumagot. Nagbabangayan pa rin sila ni Kia eh.
“After ng exams daw. One week after. Final project ata natin yung perfume.”
Matagal pa naman pala. ‘Buti hindi nila naisipan na gawing requirement ‘tong activity na ‘to. Last sem kasi, no project, no exam. Ang daming nanganib no'n.
“Hindi naman ako marunong gumawa ng perfume! Paano natin gagawin ‘yon?” nakasimangot pa ring saad ni Kia na ngayo‘y nakaharap sa’ming tatlo nila Yvette.
“Bago mo ‘yan problemahin, problemahin muna natin kung sino ang leader ng grupong ‘to.” umiiling na sambit ni Yvette na sinang-ayunan ko naman.
Si Rio, ‘ayun, busy pa rin sa ginagawa niya. Parang bata. Sinasayang lang ang baking soda at suka.
I turned to see Kio at ganoon din ang ginawa nila Yvette.
“Ikaw na lang ang maging leader Kio...” desididong sabi ni Yvette na sinang-ayunan namin ni Kia.
Baka kapag siya ang maging leader, makuha namin yung mataas na marka.
“Hindi ako mahilig sa mga pabango.” pag-amin nito.
“E kung kayong tatlo na lang kaya nila Xantiel? Magaling naman kayo sa klase eh!” suhestiyon ni Kia habang nakatingin sa aming tatlo nila Yvette at Kio.
“Kahit nga ikaw Kio, nung inoobserbahan ka namin kaninang umaga, masasabi ko talagang magaling ka rin sa klase!” pagpuri pa nito kay Kio.
Totoo namang magaling sa klase si Yvette. Pasok siya sa listahan ng mga may award at noong first sem ay matataas din ang grades niya.
“Tatanggapin ko na lang... Ako na.” biglang sambit ni Kio kaya tuwang-tuwa naman kaming tatlo.
Si Rio? Wala talaga. Busy pa rin siya sa experiment niya.
“Xantiel, ikaw na lang ang maging secretary! Wala kayong maaasahan sa‘kin pagdating doon.” pamimilit ni Yvette kaya bumaling ako kay Kia.
“Si Kia na lang. Maganda ang penmanship niya..” pagrekomenda ko rito pero mabilis siyang umiling.
“Ayaw ko! Alam niyo namang tamad ako ‘di ba? Tapos sa akin niyo ibibigay ang posisyon na ‘yan? Wala kayong mapapala sa‘kin! Baka sabay-sabay lang tayong bumagsak!” pagtutol nito habang nakatingin sa akin.
“Si Xantiel na lang. Maayos naman ang penmanship niya saka organized siya sa gamit. Hindi mawawala ang mga notes kapag nasa kaniya.” litanya nito habang nakaturo pa sa‘kin.
Aangal pa sana ako nang maunahan ako ni Yvette.
“Huwag ka nang tumutol. Wala tayong mapapala nito kapag hindi tayo nagtulungan. Kung nahihiya kayo, huwag. Wala tayo niyan.”
Wala akong ibang nagawa kun‘di tanggapin ang posisyon na ‘yon. Wala nga lang sisihan kapag sabay-sabay kaming bumagsak.
Hindi muna kami gumawa ng perfume. Pinagplanuhan na lang muna namin ng maigi ang mga susunod naming gagawin.
Anim na bote ang kailangan naming gawin kaya dapat hindi palpak. Pwede naming ibenta kung sakali.
Sina Kia at Rio na lang ang mamimili ng gagamitin namin. Mag-aambagan na lang kaming lima para sa panggastos namin.
Si Yvette na raw ang bahala sa paghahanda ng mga lab materials. Kailangan pa kasi naming makipag-unahan dahil may ibang gamit na limited lang. Kumpleto naman ang basics pero iyong ibang gagamitin, hindi.
Kami ni Kio na lang daw ang bahala sa utak. Kami ang naka-assign sa paper works.
Natapos ang session namin at sabay-sabay nang lumabas sa lab. Hindi namin kasama si Thara; iyong isang kaibigan nila Yvette pero kasabay namin siya ngayong naglalakad papunta sa gate nitong university.
Humiwalay na ako sa kanila ng daan pero sinundan ako nila Yvette at ng mga kaibigan niya. Si Rio naman, ayun kasama ‘yong sidekick niya tapos si Kio, mag-isang naglalakad din. Mukha siyang introvert sa ginagawa niya.
“Uy Xantiel!” pagtawag sa‘kin ni Thara habang nakasunod sa kaniya sila Yvette.
Binagalan ko ang paglalakad ko para makasabay ko silang maglakad. Para hindi kami magmukhang tanga na nagsisigawan dito sa hallway.
“Ang swerte niyo naman! Kasama niyo si Kio sa grupo!” manghang saad nito nang makalapit sa‘kin.
Hindi ko kaaway sila Yvette at ang mga kaibigan niya. Mababait sila sa‘kin. Ang kaso lang, hindi kami madalas mag-usap dahil madalas akong nakatambay sa may football field.
Ewan ko ba. Doon ako sa ilalim ng puno ng mangga madalas na nakatambay tapos nakatunganga lang sa malawak na field. Nakakagaan kasi ng pakiramdam. Dati siguro akong football player sa past life ko kaya ganoon. Kidding. Pero noon ‘yon. Ngayon kasi ay nasa room lang ako tapos nagmamasid sa kanila.
“Gusto mo palit tayo?” pang-aalok nito kaya agad siyang pinigilan ni Kia.
“Tumigil ka nga Thara! Huwag mong kukunin ang secretary namin!” pagsaway nito kaya natawa si Thara.
“Biro lang naman Kia.”
“Saka anong palit kayo ni Xantiel? Sinasabi ko sayo. Mas gugustuhin mo pa dyan sa grupo mo kaysa makasama si Rio sa iisang grupo.” umiiling na saad ni Kia kaya tinawanan siya ni Thara.
Si Yvette ay tahimik lang na nakamasid sa dalawa niyang kaibigan. Mukhang stressed out na siya.
“Okay ka lang Yvette?” tanong ko rito nang mapansin ang paghilot nito sa kaniyang sintido.
Tinanguan naman ako nito. “No worries. Puyat kasi ako kaya medyo masakit ang ulo.” pag-amin nito kaya napa-‘ah’ na lang ako.
“Matulog ka ng mahimbing ngayong gabi. Marami pa tayong gagawin sa mga susunod na araw.” natatawang saad ko kaya napasimangot siya.
Wala kaming choice. Baka ibagsak kami kung hindi namin magawa ang activity!
Saka totoo naman talaga na maraming gagawin. Lalo na siya. Classroom president siya eh, maraming responsibilidad na naghihintay sa kaniya.
Kawawang Yvette.
“Xantiel!” rinig kong tawag sa‘kin nila Thara nang mauna na ako sa paglalakad.
“Hmm? Bakit?” tanong ko sa kanila kaya ngumiti silang dalawa ni Kia.
“Friends na tayo ah?” tanong nito pabalik sa‘kin. “Matagal ka na naming gustong kausapin pero kasi mukhang hindi ka naman namamansin..” nakangiwing dagdag nito kaya ilang beses akong napakurap.
Mukha ba talaga akong snob?
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...