Epilogue

33 3 1
                                    

KIO

“Congrats bro!” masayang bati ni Zach saka nakipag-fist bump sa akin.

Nandito kaming lahat ngayon sa café niya. Dito kasi nila napagdesisyunang mag-celebrate ng graduation namin ni Xantiel. Kasama namin dito ang parents niya at ang parents ko pati si Ate at Nikki.

“Pwede nang mag-asawa kasi graduate na.” pang-aasar sa akin ni Dyreen kaya umismid ako.

“Wala pang stable na trabaho. Ayaw kong umasa sa mga magulang ko.” pagtanggi ko.

“Saka hindi pa ready si Xantiel. Marami pa namang oras para sa ganiyan. Makakapaghintay naman ang kasal.” dagdag ko pa saka tumingin kung nasaan ang kaisa-isang babae na nakapagpabaliw sa akin. The girl who made me feel special, contented, and completed.

She was happily talking with her bestfriend, Sachi. They‘re with Ate Vixen, Xantiel‘s older cousin.

Naalala ko na naman ang nangyari noong kasal ng pinsan nila. I was so nervous back then dahil mukhang ayaw sa akin ng Lolo at ibang kamag-anak niya. Even some of her cousins were questioning me.

Pero hindi ako sumuko dahil doon. I did my best para makuha ang loob nila. Ginawa ko ang lahat para mapatunayan na karapat-dapat ako para kay Xantiel.

Napabalik ako sa huwisyo nang mahina akong tinulak ni Zach saka sila tumawa ni Dyreen.

“Lapitan mo na, tama na ang kakatitig. Baka matunaw pa e.” malokong aniya saka ako sinenyasan na puntahan sila Xantiel.

“Ayan na pala ang boyfriend mo e!” I heard Sachi teasing my girl kaya pati ako ay mahina ring natawa bago tuluyang lumalapit sa kanila.

They greeted me with a smile. Lumapit ako kay Xantiel saka ito hinalikan sa noo bago nagsalita.

“Congrats, love.” I said saka ibinigay ang isang parihabang kahon na kulay pula. I just hope na magustuhan niya ito.

“E-exit na muna kami ha? Baka kami ang langgamin e.” natatawang saad ni Ate Vixen saka sila umalis ni Sachi.

I sat at the chair in front of Xantiel saka siya tinitigan ng maigi. She‘s still holding the gift that I gave her and still looking at it cluelessly. She‘s so cute kapag parang wala siyang alam sa mga bagay.

“Open it.” marahang sambit ko kaya taka niya akong tiningnan.

“Para saan naman ‘to?” naguguluhang tanong niya so I shrugged.

“A graduation gift? You deserve it naman e.” baliwalang sagot ko dahil alam kong sesermonan niya na naman ako sa pag gastos ko para sa kaniya.

E ano naman? Deserve niya naman lahat ng ginagawa ko. I want to spoil her. Saka ang perang pinambili ko ng mga regalo para sa kaniya ay galing mismo sa akin—not from my parents. Sweldo ko ‘yon na iniipon ko para makabili ako ng regalo para sa kaniya.

Mukhang nag-aalangan pa siya pero wala siyang nagawa kun'di buksan ang ibinigay ko sa kaniya. She was amused nang makita niya kung ano ‘yon.

It‘s a necklace. I bought it kasi alam kong bagay ‘yon sa kaniya.

“Kio...” mahinang tawag niya sa pangalan ko.

“You don‘t have to do this.” marahang sambit niya pa kaya umiling ako.

No. I have to. My love language is giving gifts e. I‘m sorry pero wala kang magagawa, love.

“Turn around.” I commanded saka kinuha ang kwintas na hawak niya.

I gently put it around her neck saka siya pinaharap sa akin.

“You‘re so gorgeous as always, my love.” nakangiting sambit ko saka siya hinalikan sa noo at niyakap.

I can feel her heartbeat going faster. Kinikilig ang Xantiel ko.

Noong sinabi kong wala akong interes sa mga babae, I mean it. Not until I met her. She is the only exception that I‘m wholeheartedly willing to accept. My binibini, paraluman, tahanan, at habang buhay. My Xantiel.

XANTIEL

Gusto kong magwala dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. I never expected na mangyayari ang ganito sa buhay ko.

“Alcazar, Xantiel. Cum Laude.”

“Vergara, Nicholo Zaccheus. Cum Laude.”

Ang sarap pakinggan na pareho naming inabot ang mga pangarap namin nang magkasama. Ito ang relationship goals na gusto ko.

Magna Cum Laude si Yvette while the rest of our friends were Cum Laude like us. Who would‘ve thought na yung magkakaibigang puro kalokohan, panglalait, at madalas masangkot sa kapahamakan ay achievers din? Salamat sa Panginoon.

“Malapit na tayong mag-first anniversary... Parang kailan lang.” Halata ang galak sa boses ni Kio nang sabihin niya ‘yon.

He‘s staring at me while smiling. Maya-maya pa ay inilabas niya ang cellphone niya at ihinarap iyon sa akin. May kung anong kinalikot siya doon saka ngumiti na parang ewan kaya hindi ko na napigilang magtanong.

“What did you do?” I asked curiously kaya ipinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya.

It‘s a picture of me na sigurado akong kanina niya lang kinuha. Ang inosente ng mukha ko doon, animo'y walang mga kalokohan na ginagawa sa buhay!

“Tinanggalan ko ng sound para hindi mo ako mahuli.” malokong sagot niya kaya sabay kaming natawa.

I remember what I told him last year noong nandoon kami sa boulevard. Noong nahuli ko siyang kinukuhanan ako ng picture.

Sa susunod, tanggalan mo ng sound para hindi mahuli.’

It‘s been a year na pala. Parang kahapon lang nang nangyari ‘yon.

Indeed, time flies so fast. Parang kailan lang, ayaw na ayaw ko pa sa summer dahil nga boring, walang pera, at mabubulok lang ako sa bahay sa pag-aakalang wala namang gagawin na nakakalibang pero I was wrong. He proved me wrong.

Kahit na parang roller coaster ride ang buhay ko noon, I enjoyed it somehow. Kahit na madalas akong mapahamak, he‘s always there for me. Isa siya sa mga naging kasangga ko sa kahirapan at kalungkutan.

I met a lot of people along the way. Some of them stayed and some of them left. Typical life things. Ganoon naman talaga palagi.

Ang summer last year, it opened a lot of doors for me. I got to hangout with my classmates, meet new friends, experience a lot of new things, nakapag-ipon ng pera dahil sa summer job, at nagkaroon pa ng boyfriend.

I can say that summer is not that bad after all. It may be cruel sometimes but like what they always say, there‘s a rainbow after the rain. No matter how hard life is, do not give up because your success is always waiting for you to achieve it.

Last year‘s summer was indeed My Summer Breakthrough.


END

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon