Chapter 31

15 1 0
                                    

XANTIEL

“Ang tagal ha!”

I was shocked to see Ate Vixen sa loob ng kotse ni Tita Mommy. Kaya ba umalis kaagad si Tita sa café dahil kasama niya si Ate? Bakit hindi niya man lang sinama sa loob?

“Be patient Vixenoria, may kinauusap pa yung pinsan mo!” pagsuway ni Tita rito kaya sumimangot naman si Ate Vixen.

“It‘s Vixen, Mom! Sino ba kasi ‘yang Vixenoria na ‘yan?” nakasimangot nitong tugon kaya natatawa akong umupo sa tabi nito.

Hindi na bago sa akin ang pag-iinarte niya dahil sanay na ako roon. We‘re so so close to the point na alam ko kung ilang ang exes niya, what was the most embarrassing thing na ginawa niya, at halos lahat ng kalokohan niya. Yup, ganiyan kaming magpipinsan.

“Basta manahimik ka na lang! Pogi pa man din yung kinausap ni Xantiel.” natatawang balik ni Tita saka pinaandar na ang sasakyan. Inuusisa tuloy ako ni Ate Vixen ngayon. Dapat hindi na nagsalita si Tita e! Bukod sa inuusisa ako ngayon ay naalala ko na naman. Overthink malala tuloy ulit.

“Uy uy uy, sinong pogi ‘yan?”

“Yung naghatid ba sayo sa bahay? Yung naka Porsche Panamera na lalaki?” tanong pa ulit nito kaya tumango ako.

Kahit hindi ko naintindihan yung sinabi niyang Porsche keneme (I know that Porsche is a car brand but I honestly don't know a lot about cars) ay alam kong si Kio naman ang tinutukoy niya e. Si Kio ang naghatid sa akin nung may family dinner e.

“Akala ko ba hindi mo boyfriend iyon?” takang tanong ulit nito kaya tumango na naman ako.

“Hindi naman talaga. He‘s my kaibigan...”

Yeah, kaibigan ko lang talaga si Kio. Siguro..

Hay! Umamin ba kasi talaga siya kanina? Like nag-confess? Baka panaginip lang naman or baka namali lang ako ng dinig. Sobra na yata ang pagka-delusional ko.

“Sure ka baby? Pogi yung isang ‘yon.” pagsingit ni Tita sa usapan namin kaya tumawa naman ako.

“Ay Tita, wala pa sa isip ko na mag-boyfriend. Saka walang interes sa babae si Kio!” panlalaglag ko sa lalaki. Sorry boss Kio pero totoo naman ang sinabi ko.

“Kio? What a nice name.”

“Sige po, sabi mo e.” nang-aasar na saad ni Ate Vixen kaya siniko ko naman ito.

Nagpatuloy na lang sa pag-drive si Tita hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Kukuhanin daw muna ang mga gamit namin saka kami didiretso na sa resort. Nandoon na raw sila Mama at ang iba pa naming mga kamag-anak. Sana wala yung mga matapobreng relatives!

Natigilan ako nang makita ko ang bitbit ni Ate Vixen na bag. Isang duffle bag lang iyon pero halatang punong-puno at mabigat. Anong nilagay niya doon? Akala ko ba, isang araw lang?

“Sinabay ko na yung gamit mo doon sa bag para hindi hassle. Make sure na gagamitin mo lahat ng nilagay ko ha? Nag-effort pa naman akong mag-pack no'n!” marahang sambit niya pagkatapos ilagay sa trunk ang bag at pumasok na ulit dito sa sasakyan. Naiwan pa sa labas si Tita dahil may kinuha pa siya sa loob ng bahay nila.

Mukhang duda ako sa mga nilagay ni Ate Vixen. Sa tono pa lang ng pananalita niya, mukhang alam ko na ang gagawin niya sa akin e.

Basta't huwag niya lang akong pagsusuotin ng revealing clothes ay okay kami. Saka, anong purpose kapag pinasuot niya ako ng bikini? E hindi naman ako marunong lumangoy!

***

Ang daming tao. Ayan agad ang unang pumasok sa isip ko nang makarating kami sa resort. Ilang oras din ang itinagal ng byahe namin bago kami nakarating dito. It‘s already six in the evening pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa ilaw na galing sa buwan at sa mga decorations na umiilaw sa paligid. Maganda ang resort. This is a private one at mukhang kami lang talaga ang nandito. Mukhang nirentahan nila ang buong lugar.

Agad na hinanap ng mga mata ko sila Mama. Hindi naman ako nabigo nang makita ko itong nakikipagkwentuhan sa parents nila Mira at Zion.

Speaking of Mira and Zion, nasaan ang dalawa? Wala sila doon sa kumpulan ng ibang pinsan namin e.

“Tara na muna sa cabin. Ilalagay na muna natin ang mga bags.” pag-aaya ni Ate Vixen saka binuhat ang duffle bag kanina. Kinuha ko naman ang isang tote bag at backpack na sa amin pa raw saka sumunod sa kaniya.

On our way there ay nag-k-kwento si Ate Vixen tungkol sa plano para sa reunion na ‘to. Hindi raw nirentahan ang buong lugar. This resort is owned by our grandmother pala. Cool. Magkakasama raw ang mga bata sa cabin para naman mabigyan daw ng alone time ang parents. Sus! Style nila bulok! Kasama namin sila Zion at Mira sa cabin kaya I know that this will be fun. Sa bawat cabin ay may isang kwarto na kayang mag-accomodate ng apat na tao. Sakto lang para sa aming apat.

“Gutom ka na ba?” tanong ni Ate Vixen pagkatapos naming ayusin ang mga gamit at magpalit ng damit.

“No. Gusto ko na lang munang matulog. Busog pa naman ako.” I answered her honestly kaya nagkibit-balikat ito saka nagpaalam na lalabas muna. Pupuntahan niya raw sila Mira.

Umiling ako saka nagtungo sa kwarto nitong cabin at sumalampak sa kama. Nakikipagtitigan ako ngayon sa kisame nang bigla na namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Kio kanina. The fudge? Bakit ko ba naiisip ‘yon?

I shoved that thought away saka kumuha ng isang unan at niyakap ito. Mababaliw yata ako kung kada matutulala ako ay ang nangyari kanina ang sasagi sa utak ko.

Kinapa ko ang bulsa ng shorts ko saka kinuha ang cellphone ko doon. I opened my messenger at nakitang nag-chat si Sachi kaya nireplyan ko naman kaagad siya.

[Mikhaela Sachi Lim]]
weirdo naman ni Kio earlier!
muntik nang masagasaan sa
sobrang lutang kanina nung pauwi
kami!

Seen. 1 minute ago.

Agad na kumunot ang noo ko dahil doon. May balak yata siyang sumunod kay Kia e!

[Xantiel Alcazar]
Buhay pa ba?

Delivered.

Wow. Delivered lang? Busy yata ang babaeng ‘yon. Huwag lang sanang sa inuman. Ilang araw na silang umiinom e. Baka magkasakit na sila sa atay niyan!

While waiting for her reply ay may nag-pop up pa na isang message. It was from Kio so I immediately opened it. But I think it wasn't a good idea. Sana ay hindi ko na lang talaga ginawa. Mapapa-overthink lang ako lalo no'n e!

[Nicholo Zaccheus Vergara]
Good night Xantiel. Sleep
well and please, dream
of me. ❤️❤️❤️

Seen. 1 minute ago.

TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon