Chapter 24

14 1 0
                                    

XANTIEL

“Huwag na, malapit lang naman dito ang apartment namin. Walking distance lang naman Kio.”

Kanina pa kami nagtatalo kung ihahatid niya ba kami ni Sachi o hindi. There‘s no need naman talaga kasi nga ang lapit lang ng apartment namin.

“No. Sabihin na nating walking distance lang ‘yon pero gabi na Xantiel. Pano kung may mga halang ang bituka dyan na pagtripan kayo? Edi kargo de konsensya ko pa kasi hindi ko kayo hinatid kahit na pwede naman?” litanya nito kaya napahilot na lang ako sa sintido.

“Sakay na. Ihahatid ko kayo.” pinal na saad nito saka ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Nasa backseat naman si Sachi nakaupo. Nang makapasok na ako ay umikot si Kio papuntang driver‘s seat saka pinaandar ang sasakyan.

Wala na akong nagawa kun'di ang maghintay na makarating kami sa apartment. Akala ko pa naman, i-d-diretso niya na kami hatid pero we ended up here sa 7/11. Ang galing talaga ng lalaking ‘to.

“Ginagawa natin here?” tanong ni Sachi saka dumungaw sa bintana.

“Ay ‘te, wala akong dala na pera.” nakangiwing dagdag nito kaya nagkibit-balikat ako at tumingin kay Kio.

“Siya ang tanungin mo dahil hindi ko rin alam kung bakit tayo nandito.” umiiling kong tugon pero hindi ako pinansin ng lalaki. Bagkus ay bumaba ito at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

Wow, gentleman si Boss.

Halos sabay lang kaming bumaba ni Sachi sa kotse. Agad itong lumapit sa akin saka umangkla sa braso ko.

“Iuwi mo na lang kami Kio. Gabi na.” pamimilit ko rito pero umiling ang lalaki saka kami hinila papasok sa convenience store.

“Kuha kayo ng foods. Libre ko.” saad nito saka kami marahang itinulak papunta sa food section.

Weh? Libre niya?

“Grabe naman yung kaklase mo Xantiel.” hindi makapaniwalang usal ni Sachi kaya umiling na lang ako.

I told her na kumuha na lang ng makakain dahil knowing Kio, hindi ‘yon papayag na wala kaming dala ni Sachi bago umalis.

Isang dutch mill at maliit na salted flavor na piattos lang ang kinuha ko para mura. Ganoon din ang ginawa ni Sachi. We gave it to Kio para mabayaran na at nang makaalis na kami. Gusto ko na talagang matulog.

Bumalik na kami sa kotse niya. Nasa backseat kasama ni Sachi ang pinamili namin. Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa ako ni Kio ng pinto dahil inunahan ko na siya.

Isinandal ko sa bintana ang ulo ko dahil anumang oras ay pipikit na talaga ang mga mata ko. I‘m sleepy!

***

“Good night.” marahang aniya bago siya umalis kaya pumasok na kami ni Sachi sa apartment.

Nang-aasar pa akong tiningnan nitong kasama ko pero matamlay ko lang siyang inilingan saka dumiretso sa kwarto at sumalampak sa kama.

Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin pero binaliwala ko iyon at binuksan ang cellphone ko. Bumungad sa akin ang dalawang magkasunod na chat ni Kio.

Usap tayo bukas tungkol dun sa invitation ni Yvette.’

‘Good night Miss Sungit.’

Napangiti na lang ako ng mapakla ng mabasa ko ang chat niya. Hindi naman ako masungit. Dami niyang arte.

Nagulat na lang ako nang biglang may unan na tumama sa akin. Agad ko naman sinamaan si Sachi ng tingin dahil obviously, siya ang gumawa no'n.

“Grabe, may taga good night ka na ha! Nag-level up ‘yan?” pang-aasar nito saka ako inalog-alog kaya pilit ko naman siyang pinipigilan dahil nakakahilo.

“Walang malisya ‘yon Sachi kaya kumalma ka nga!” pagpapakalma ko rito kaya binitawan niya naman ako pero hindi nakatakas sa paningin ko ang nang-aasar niyang ekspresyon.

“Sus! Ano? Crush mo ‘yan ano?” tanong nito kaya mabilis akong umiling.

“No. Wala ngang interes sa babae ‘yon kaya bakit ko siya magugustuhan?” agarang pagtanggi ko kaya pinaningkitan niya ako ng mata.

“Sus, baka bukas-makalawa, malaman ko na lang na kayo na ha.” pang-iintriga nito kaya inirapan ko siya.

“Huwag kang ma-issue! KKK ko lang si Kio.” tugon ko kaya tinaasan ako nito ng kilay.

“Anong ‘KKK’?”

I shrugged before answering her question.

“Edi katrabaho, kaklase, at kaibigan!” malokong sagot ko kaya sinamaan ako nito ng tingin saka hinampas ulit ng unan. Nakakadalawa ka na ha!

“E ikaw? ‘Di ba crush mo si Zach? Anyare?” pag-iiba ko ng usapan kaya sumimangot naman siya.

“Ih! Hanapan mo ako ng iba!” reklamo nito kaya umirap ako.

“Sa akin ka pa talaga magpapahanap ha?” sarkastikong tugon ko sa kaniya kaya ngumuso ito.

Mukhang pato, hindi bagay!

“Tutulog na lang nga ako. Baka may makita akong pogi sa panaginip ko.” nakasimangot na aniya saka bumalik na sa kama niya.

As if naman may poging bibisita sa panaginip niya. Baka bigla na naman siyang magreklamo bukas na mangkukulam ang napanagipan niya.

Hindi ko na lang siya pinansin saka tumayo at kinuha ang nilibre ni Kio sa amin kanina. Kinuha ko ang dutch mill at isang piattos saka dumiretso sa veranda nitong apartment. Tatambay ako doon, makikipag-staring contest sa buwan.

Agad akong umupo a sulok saka binuksan ang piattos at dutch mill.

Minsan talaga, napapaisip ako kung bakit kami naging close ni Kio. Hindi naman siya mahirap pakisamahan e. Sa una, akala mo seryoso talaga siya sa buhay niya pero may malokong side rin pala siya.

A lot of people are shipping us nitong mga nakaraang araw pero hindi ko na lang pinapansin. Nakakairita na nga minsan e. Alam naman nilang walang interes sa babae si Kio tapos pinipilit pa nila. Ako na mismo ang nahihiya sa ginagawa nila.

Hindi mahirap gustuhin si Kio sa totoo lang. Siguro kung kagaya lang ako ng ibang babae ngayon, baka nagkakandarapa na rin ako sa kaniya. Ang kaso lang, hindi e. Nakatali pa rin ako sa nakaraan ko. Ayaw pa rin akong pakawalan... Or much better to say na ayaw ko pa ring pakawalan ang nakaraan ko. Gagi lang.

I don‘t like guys. Karamihan sa kanila ay walang magandang maidudulot sayo kun'di sakit at trauma lang. But I can sense na iba si Kio. Iba siya sa mga lalaking nakapaligid sa akin. Kaya ko siyang magustuhan kung gusto ko. Pero may pumipigil talaga. Bukod sa nakaraan ko, iniisip ko pa rin yung babae sa post. Yung sa phone call, Ate niya nga iyon. Pero yung sa post, baka iyon talaga ang girlfriend niya tapos dini-deny niya lang. Private matter siguro. Maganda pa naman yung babae.

“Hay naku, ano ba talaga tayo Kio.”


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon