Chapter 37

12 1 0
                                    

KIO

It‘s been three days after we both formally introduced ourselves sa pamilya ng bawat isa. Tatlong araw na rin nang magsimula akong iwasan at manlamig ni Xantiel. Did I do something wrong? Tatlong araw na rin akong nag-o-overthink kung may problema ba kami.

Sa tuwing tinatanong ko siya kung may problema ba ay sasagutin niya lang ako na wala naman daw. Everytime na inaaya ko siyang lumabas ay tumatanggi siya at sinasabing busy daw. Kapag ihahatid ko na sila tuwing uwian, tumatanggi siya kasi malapit lang naman daw ang apartment nila. At sa tuwing binibigyan ko siya ng regalo ay hindi niya na tinatanggap unlike noon na tinatanggap niya pa rin kahit na labag sa kalooban dahil ayaw niyang gumastos ako para sa kaniya.

Mababaliw yata ako sa kakaisip kung bakit hindi niya na ako pinapansin!

Uwian na namin at nauna akong lumabas. Nandito ako sa bench malapit sa entrance when I saw her walking out of the café. Hindi nito kasabay si Sachi kaya dali-dali ko siyang pinuntahan para kausapin.

Marahan ko siyang hinila at pinasok sa kotse ko. Ni-lock ko kaagad ang pinto ng sasakyan para hindi siya makalabas dahil alam kong tatakasan niya na naman ako.

“A-Ano ba?” naguguluhang tanong niya but I only stared at her intently.

“Bakit mo ako dinala rito? Sinabi ko na ‘di ba? Tigilan mo na ang paghatid-sundo sa amin ni Sachi!” bulyaw nito sa akin pero hindi ko iyon inalintana.

“May problema ba tayo?” I pleadingly asked  her habang iniisip pa rin kung may nagawa ba akong mali. Okay pa naman kami noon a?

“Sagutin ko naman ako please? Mababaliw na ako sa kakaisip kung may ginawa ba akong mali Xantiel. Huwag namang ganito.”

Sandali niya akong tinitigan bago sumagot.

“Wala... Wala tayong problema Kio.”

“Wala pala e. Why are you avoiding me?” seryosong tanong ko sa kaniya.

Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko. She keeps on avoiding my gaze. Ang sakit naman.

“Pasensya na. Busy lang ako Kio.” mahinang tugon nito pero wala akong reaksyon doon.

“Palagi naman tayong busy simula pa noong una pero may oras tayo para sa isa't isa..” I retorted habang pinipigilan ang sariling maluha. “Ano ba talaga ang problema natin Xantiel?” tanong ko pa.

This time ay tumingin na siya sa akin. Pain is visible in her eyes at parang anumang oras ay iiyak na rin siya kagaya ko.

“Gusto mo ba talagang malaman Kio?” tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango.

“Hindi kasi natin maayos ang problema kapag hindi ka nag—”

“Hindi naman kasi talaga maayos ‘tong problema na ‘to Kio.” she cut me off while looking at me sadly. “Hindi tayo pwede Kio. Hinding-hindi.”

Dahil sa sinabi niya ay taka ko siyang tiningnan. “W-What do you mean? Okay naman tayo a? Tanggap naman ako ng family mo at ganoon ka rin sa pamilya ko. Ano bang sinasabi mo dyan Xantiel?” naguguluhang tanong ko sa kaniya kaya malungkot itong ngumiti.

“Hindi tayo pwede dahil sa parents natin. Ang papa mo... Ang papa mo ay ex ni Mama.” diretsong sagot nito. “Siya ang dahilan kung bakit nagkanda letse-letse ang buhay ng nanay ko at muntik pang itakwil ng angkan namin noon!”

She left me dumbfounded inside my car after she answered my questions. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Papa?

I tried to stop her na lumabas pero tanging sigaw niya lang ang narinig ko.

“Hindi nga tayo pwede Kio! Tigilan mo na ako!”

XANTIEL

Pagkatapos ng eksena namin kanina ni Kio ay marahas kong pinunasan ang mga luha ko saka hinila si Sachi paalis doon. Kanina niya pa ako hinihintay sa labas ng kotse ni Kio.

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi sa apartment. Alam kong nag-aalala na sa akin si Sachi at gusto na niyang magtanong but she kept her mouth shut hanggang sa makarating kami sa apartment.

Dumiretso ako sa kwarto namin at doon ibinuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan kumawala.

Nasasaktan ako. I can‘t believe na masasaktan ako nang dahil lang sa lalaki. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang ma-inlove, sana noon pa lang ay pinigilan ko na. Hindi ko na sana pinatagal. Wala pa ngang kami ay ganito na kaagad ang problemang binigay.

“Tangina naman oh. Kung kailan balak ko na siyang sagutin, saka naman may umepal na problema.” inis kong reklamo saka pinagsusuntok ang unan na hawak ko.

“Tama na ‘yan. Let‘s eat first.”

I stared at Sachi na nakatayo sa may pinto nitong kwarto. Nag-aalala itong nakatingin sa akin kaya malungkot akong ngumiti noong lumapit siya sa akin.

“Ano bang problema niyo Xantiel? Wala pa ngang kayo pero iniiyakan mo na.” natatawang biro nito kaya masama ko siyang tiningnan saka nagpunas ng luha.

I ended up telling her the whole story. Pareho kami ng reaksyon. Shocked. I was very shocked nang ikwento sa akin ni Mama ang story nila ng papa ni Kio. Ang unang pumasok sa isip ko noong mga oras na ‘yon ay layuan si Kio. I told her about my decision pero ang sabi, okay lang naman daw kung sagutin ko si Kio dahil matagal naman na daw yung sa kanila ng papa nito but still. Parang mali kasi.

Now I‘m paying the price of my actions. Masakit mang iwasan si Kio pero kailangan kong tanggapin. I can‘t deny the fact that I already fell for him pero iiwas na lang muna siguro ako. Para naman sa ikabubuti namin ‘to. Kailangan ko ng space. Napakaraming space para makapag-isip.

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog dahil sa kakaiyak pero nagising na lang akong nasa tabi ko pa rin si Sachi. She comforted me and never left my side. I‘m so luck to have her.

Palaging pumupunta si Kio rito sa apartment pero hindi ko siya hinaharap. Si Sachi lang ang umaasikaso sa kaniya. Everytime na pumupunta siya rito ay nagkukulong ako sa kwarto dahil hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi pa ako handa. Walang mintis ang pagbisita niya rito sa apartment at palagi niya akong hinihintay hanggang sa tawagan na lang siya ng parents niya na umuwi.

SACHI

“Pasensya na talaga Kio pero hindi pa ready si Xantiel na makita ka.”

Kanina pa kami rito sa sala habang si Xantiel ay nandoon pa rin naman sa kwarto. Nagkukulong siya as usual. Ganito palagi ang setup. Kapag nandito si Kio, nasa kwarto lang siya.

“Okay lang. I understand.” matamlay nitong sagot habang nakatitig sa pinto ng kwarto namin ni Xantiel. “Aalis na muna ako. Baka nakakaabala na e. Please tell her to eat on time. Huwag kako siyang magpapalipas ng gutom.” bilin pa nito akay tumango ako.

Hinatid ko siya sa pinto pero bago pa siya makaalis ay may sinabi pa ito bago niya ako iwanang nakatulala.

“I left our house. Naglayas ako. Kung sakali mang hanapin ako ni Xantiel, please tell her na I‘m living with Zach. Alam kong hindi niya ako hahanapin pero umaasa pa rin ako..”

Shala naman ang lovelife ng mga beshy ko!


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon