XANTIEL
“Kumusta ang pag-apply?” tanong ni Sachi sa‘kin habang kumakain kami ng agahan.
“Sinend ko na yung application form thru email. Wala pang reply kaya tamang hintay lang muna.” sagot ko rito saka sinubo ang isang kutsarang kanin.
Ang sarap ng ulam ngayon, chop suey ulit!
Kumain na lang kami ni Sachi at nang matapos siya ay agad na itong nagpaalam na aalis na. Naiwan naman ako rito sa apartment para magligpit at tumulala habang naghihintay ng reply galing sa pinag-applyan ko.
Sana naman mag-reply ‘yon kaagad dahil ayaw kong tumambay at tumunganga lang dito. Baka mabaliw ako ng hindi oras!
Dahil wala nga akong magawa ay naisipan ko na lang na manood ng movie pagkatapos kong maglinis. Hindi ko lang sinilent ang cellphone ko para marinig ko kaagad kung may nag-notify na.
Habang namimili ng panunoorin ay biglang lumitaw ang Aquaman sa screen kaya agad akong naghanap ng iba. Yes, maganda ang Aquaman pero pass. Auto pass na talaga. Na-trauma lang ako. No offense for those na fan ng Aquaman. May na-experience kasi ako dahil sa movie na ‘to at ayaw ko na talagang maulit ‘yon.
Noon kasing may sakit ako ay panay nood kami ng Aquaman ni Sachi hanggang sa dinalaw na ako noon sa panaginip at pinatay daw ako doon. Sinong hindi matatakot no'n? Feel na feel ko pa naman kasi may sakit ako that time!
Nang makita ko ang hinahanap ko ay kaagad ko itong plinay. Matagal ko nang gustong i-rewatch ang The Parent Trap pero walang time kasi nga busy sa klase. I guess I should thank summer dahil mapapanuod ko na ‘to ulit?
I love how the actors and actresses played their parts. Pulidong-pulido. Hindi talaga ‘to nakakasawang panuorin. Nakakasatisfy rin yung pan-t-trip ng kambal sa fiance ng Dad nila. Gusto ko rin sanang gawin kaso wala namang other woman si Papa HAHAHA!
I finished the movie in just a snap. Hindi ko napansin ang oras. Pero okay lang, alas onse pa lang naman. May oras pa para manuod ulit ng ilan pang movies. I‘ll spent my day watching movies at clips from TikTok para hindi ma-bored sa buhay.
Mukhang wala nang balak na mag-reply iyong in-applyan ko o baka naman sadyang busy lang talaga sila. I mean, I already saw their situation kahapon and I must say na sikat at successful na talaga kaagad ang café ni Zach. Bilis niyang yayaman no'n. Sana all.
Napagpasyahan ko munang umidlip dahil biglang nawalan ng kuryente. Walang TV. Mapresko naman dito sa apartment kaya hindi mainit at kumportable pa rin namang matulog.
***
“Here‘s your order Miss.” nakangiting sambit ni Dyreen pagkatapos ilapag ang order ko.
Nagmamadali akong pumunta rito sa café nang mabasa ko ang email nila. Hindi ko na nga naayos ang kama ko kanina dahil sa pagmamadaling makarating dito. Nung nagising kasi ako ay yung phone ko ang una kong binuksan at saktong email naman nila ang bumungad. Pumunta raw ako rito for an interview.
Lakas ko talaga kay Lord!
“Wait lang Miss ah? Lumabas pa kasi si Boss Zach kasama yung kaibigan niya pero pabalik na rin naman ‘yon. Pasensya na talaga.” paghingi nito ng paumanhin kaya agad naman akong umiling.
“Okay lang. Kasalanan ko naman kasi pumunta ako rito without prior notice. Ayaw ko lang kasi talagang mabulok doon sa apartment namin.” natatawang tugon ko rito kaya tumawa rin ito bago nagpaalam na babalik na siya sa trabaho.
Nagkita na kami ni Sachi kanina nang dumating ako rito. Mabuti naman at kakaunti lang ang costumer nila ngayong hapon. Hindi kagaya kahapon na halos mapuno na ‘tong café na ‘to tapos yung mga staff nila mukhang mga lantang gulay na. Mukhang hindi uso ang pahinga rito.
Grabeng grind naman ‘yan para yumaman!
Sumimsim na lang ako sa order kong iced coffee para naman magising kahit papaano ang diwa ko. Medyo inaantok pa rin kasi ako kahit na umidlip ako kanina.
I browsed through my TikTok feed and enjoyed watching some of the videos na lumilitaw doon. Hindi ko naman ma-enjoy ang ibang clips dahil mga mag-jowa lang naman ‘yon na naglalandian o ‘di kaya‘y vids ng mga jejemon na feeling victim e manipulative naman. Obvious na obvious sa mga galawan nila!
Hindi nagtagal ay dumating naman si Kio kasama ang kaibigan niya na magiging boss ko na rin— kapag natanggap ako rito. Pero dapat lang na tanggapin ako ‘no! It‘s their loss kapag hindi talaga nila ako hinire. Eme!
Pinasunod ako nito papunta sa opisina niya kung saan hahanapin ang interview. Kio also went inside with his friend. Kasama ba siya sa magtatanong?
“Take a seat Miss.” pag-anyaya nito na hindi ko naman tinanggihan. Ayaw kong mangawit ang para ko sa katatayo.
Nasa harap ko si Kio na nagbabasa ng libro. I can‘t help my self but to laugh dahil sa ginagawa niya. Mukhang napansin naman ito ng lalaki kaya taka itong tumingin sa akin.
“What?” masungit nitong tanong kaya napasinghal ako.
Wow! Grabe manungit, parang hindi chismoso a?
“Ang galing mo namang magbasa boss Kio. Pabaliktad.” puna ko rito habang nagpipigil ng tawa kaya agad naman siyang tumingin sa hawak niya saka ito inayos.
I can see how embarrassed he was pero hindi ko na lang iyon inalintana at tumingin sa kaibigan niya.
“So, pwede na ba tayong magsimula sa interview?” tanong nito habang natatawang nakatingin sa kay Kio na sinamaan naman siya ng tingin.
I nodded as a response at huminga ng malalim nang magsimula na itong magtanong.
“Why did you applied here in my café?”
“Dahil ayaw kong mabulok sa apartment namin ngayong summer. I hate summers.” I answered honestly kaya rinig ko ang tawa nitong kaharap ko. I just secretly rolled my eyes because of that.
Tumango-tango naman si Zach saka nag-isip ng itatanong pa.
“Why should I hire you?” tanong nito kaya nagkibit-balikat ako.
“Because you‘re hiring so you should hire me.” tugon ko rito kaya tumawa ito.
“I like your personality ha. Wait lang, may ilang question pa ako rito.” sambit nito kaya tumango naman ako.
“Bakit kilala mo si Kio?” he curiously asked kaya tumingin naman ako sa kaharap ko na nakasimangot na ngayon.
“He‘s my chismosong classmate.” tugon ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Kio. Binelatan ko lang ito nang marinig ko ang tawa ni Zach.
“Single ka?”
Taka akong tumingin sa kaniya nang itanong niya ‘yon. Kasama ba yun sa interview? Parang hindi naman.
Pero para sa ikakapanatag ng loob niya, I answered it.
“Single. Walang balak mag-boyfriend dahil walang pag-asa sa crush.” I answered honestly saka tumingin kay Kio na nakataas ang kilay.
Ano na naman ang problema niya?
Kita ko naman ang pagtawa ng kaibigan niya saka umiling-iling. He also stared at his friend at tila‘y nagkakaintindihan sila. Ibinalik naman agad ni Zach ang tingin sa akin at nagsalita.
“You‘re hired.”
“Huwag ka rin palang mag-alala kung wala kang pag-asa sa crush mo. May i-r-reto ako.”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Fiksi RemajaXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...