XANTIEL
Mabuti na lang talaga at Sunday kahapon kaya nakatulog pa ako ng mahimbing. Kung hindi, bangag at lutang talaga ako ngayon.
Hindi na talaga ako iinom ulit. Kung anu-ano ang na-e-experience ko ng ‘di oras!
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ‘yon. I opened it to see na nag-text si Sachi.
[Mikhaela Sachi Lim]
Hi bebe! ingat ka dyan
at ipapaalala ko lang na
summer break na kami🤭Okay. Wala rin naman akong pakialam.
Sarap ng buhay ng mga taga ibang university ngayon. Wala na silang pasok e! How about us naman?
“Xantiel, nakita mo ba yung cellphone ni Kio noong nasa condo tayo?” tanong ni Yvette na kararating lang. “Nawawala raw e.”
Speaking of phone ni Kio.
Dala ko ngayon ang phone niya pero deadbat na. Hindi naman kami magkapareho ng charger kaya hindi ko na-charge ang cellphone niya. Pang- RK yung cellphone niya e!
“Nasa akin. May naglagay sa sling bag ko..” pag-amin ko rito saka inilabas ang cellphone ni Kio.
“Sa sobrang kalasingan, akala yata sa kaniya ang bag ko kaya doon inilagay.” umiiling kong ani at iniabot sa kay Yvette kaya natawa naman siya.
“Sign na ‘to na huwag na tayong uminom ulit.” biro niya kaya pareho kaming natawa.
Hindi niya tinanggap ang cellphone ni Kio dahil baka maiwala niya raw. Ako na lang daw ang magbigay mamaya.
Wala pa sila Kio hanggang ngayon. Maaga pa naman kasi, alas otso y media pa lang. Okay lang naman daw na ma-late kasi wala ng formal classes.
Nabulabog ang lahat nang tumunog ang speaker ng university. Rinig ‘yon sa buong campus dahil sobrang lakas no'n.
“Calling all the attention of every students in this campus. Please proceed to the gymnasium. I repeat, please proceed to the gymnasium. Thank you.”
Nagkatinginan kami ni Yvette saka napaisip. Anong meron?
Pagkatapos ng announcement na ‘yon ay naging maingay sa loob ng room namin. They‘re also wondering kung anong mayroon.
“Now na ba?” rinig kong tanong ng isang kaklase namin kaya tumayo naman si Yvette at naglakad papunta sa gitna.
“Listen up everyone.” pagtawag nito sa atensyon ng lahat.
“May mauna nang pumunta sa gym. Mag-r-reserve ng upuan para sa buong section. Maliwanag ba?”
Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Yvette. May nag-volunteer naman kaya hindi siya nahirapang mag-identify kung sino ang pupunta.
Bagay talaga sa kaniya na maging president ng room. Responsible citizen.
Bumalik na siya sa upuan niya at kasabay no'n ang paglabas nung limang kaklase namin. May kinalikot ito sa cellphone niya bago ibinaling ang atensyon sa akin.
“Nasa gate na raw si Kia at Thara. Hintayin na lang natin bago umalis.”
“Guys! Pwede na rin kayong pumunta sa gym basta make sure na doon talaga kayo pupunta. Mag-c-check ako ng attendance mamaya ha.” usal nito sa mga kaklase namin.
Nasa'n na kaya si Kio? Ibibigay ko pa ‘tong phone niya. Tumawag ulit yung babae kahapon bago tuluyang nawalan ng charge ‘yong cellphone niya.
Sayang naman, hindi niya nakausap ang girlfriend niya.
***
“Good day students.” bati ng Dean ng university.
“Alam ko kung gaano kayo napagod sa academic year na ‘to. This year was indeed a roller coaster ride.” panimula nito saka inilibot ang tingin dito sa gym.
“Kaya naman, I am happy to announce that this academic year has officially come to an end.”
Nang dahil sa sunod niyang sinabi ay tuwang-tuwa ang mga estudyante.
Well, not me. Ano naman ang gagawin ko sa summer? Magkukulong sa bahay? Makikipagplastikan sa ibang kamag-anak? Mainis sa ingay ng mga kapitbahay?
Nagpalakpakan naman sila habang malawak ang ngiti sa labi kaya kahit labag sa kalooban ay nakisabay na rin ako.
Hindi naman nagtagal ang ngiting ‘yon ng mga estudyante dahil agad din itong napawi nang may idagdag si Dean.
“Pero magkakaroon tayo ng summer class.”
Ako naman ngayon ang nakangiti ng dahil doon.
“Huwag kayong malungkot.” natatawang saad nito nang mapansin ang biglang pagbago ng mood sa loob ng gym.
“Two weeks lang naman ‘yon. Mabilis lang.”
Pansin ko naman ang pasimpleng pag-irap ni Thara.
“Nyenye, mabilis lang daw. Saan doon ang mabilis sa two weeks?” reklamo niya saka ipinagkrus ang dalawang kamay.
Karamihan sa mga estudyante ay ganoon din ang naging reaksyon. Kung kagaya nila ako ay ganoon din siguro ang reaksyon ko pero sorry, I‘m not one of them.
Two weeks na summer class? Hmm, not bad. Mababawasan no'n ang boredom ko sa upcoming summer.
Nagsibalikan na sa kaniya-kaniyang room ang mga estudyante pagkatapos ng ‘special announcement’ na ‘yon.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Kio. Wala rin siya doon sa gym kanina. Hindi ko alam kung late lang talaga siya o hindi talaga papasok.
Pagdating namin sa room ay doon ko nadatnan si Kio saka ang iba pa naming mga kaklase na late ring dumating. Hindi ko rin sila nakita kanina sa gym.
Nakadukdok sa mesa ang mukha niya habang may suot na earphones. Wow, may cellphone kaagad siya? RK nga!
Agad naman akong pumunta sa upuan ko saka hinalungkat sa bag ang cellphone niya. Ibabalik ko na kasi baka maiwala ko pa.
Nang makita ko ang hinahanap ko ay kaagad ko itong iniabot kay Kio. Mukha naman siyang nanalo sa lotto nang makita ang cellphone niya.
“Nasa‘yo pala ‘to.” masayang aniya saka natigilan. Bigla naman siyang natawa kaya taka ko siyang tiningnan. Nababaliw na ata ang isang ‘to.
“Ikaw ha, ‘di ka naman nagsasabi na may girlfriend ka na pala.” pang-aasar ko sa kaniya kaya tumigil naman siya sa ginagawa niya.
“Wala ako nun uy!” depensa niya sa sarili pero hindi ako naniwala.
“Sus! Huwag mo nang itanggi.” pagpupumilit ko kaya tinawanan niya ako saka ginulo ang buhok ko.
Huy! Pinaghirapan ko pa ang pag-ayos niyan!
“Wala nga.”
“Baka si Ate ‘yong nakausap mo.” he concluded saka sinubukang buksan ang cellphone niya. Itinabi niya ‘yon nang hindi niya nabuksan.
“Pinasuyo ko kasi na tawagan ang phone ko kasi hindi ko mahanap.” pag-e-explain niya kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.
“May Ate ka?”
Tumango naman siya bilang sagot doon.
“Oo, nakwento niya sa‘kin na tumawag siya noong madaling araw. Magpapasundo raw kasi sa airport kasi galing Korea.” litanya nito kaya naliwanagan naman ako.
Okay, confirmed. Yung babae na tumawag, hindi niya girlfriend. Pero sino naman ‘yong babae sa post?
Sasabog ata ang utak ko sa kaka-overthink tungkol sa buhay ng lalaking ‘to! For Pete's sake!
Pero teka nga. Bakit ko ba iniisip yung buhay niya?
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Genç KurguXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...