Chapter 07

21 2 0
                                    

XANTIEL

“Maraming salamat talaga Kio...”

Nandito kami ngayon nila Yvette pati na rin si Thara sa hallway habang nakatingin sa pwesto nila Trisha.

Nakataas ang kaliwang kilay ni Thara habang naka-cross arms naman si Kia. Si Yvette naman ay seryoso lang na nakamasid.

“Tara na, sa room na lang tayo.” pag-aya ni Yvette sa dalawa na halos patayin na si Trisha sa titig.

If looks can kill, kanina pa siya nakabulagta sa kinatatayuan niya. Siguradong naliligo na siya ngayon sa sarili niyang dugo dahil sa talim ng titig nitong tatlo.

Napailing na lang ako dahil sa inaasta nila. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon na lang ang galit nila kay Trisha. Siguro may nagawa siya sa tatlo.

Habang naglalakad kami pabalik sa room ay panay ang reklamo nitong magpinsan. Si Yvette naman ay kagaya lang ng dati na tahimik lang.

“Akala mo talaga kung sinong maganda!” gigil na sabi ni Thara habang salubong ang kilay.

“Noong una, si Kester. Ngayon naman, si Kio? Mahilig ba siya sa K?” inis na tanong ni Kia pero agad din naman siyang natigilan. Mukhang may na-realize sa sinabi niya.

“Hala, huwag niya akong isusunod.” nandidiring aniya. “Wala siyang mapapala sa‘kin! Ang tanging K lang na gusto ko ay 1k, 2k, ganoon. Yung mapapakinabangan ba.”  saad ulit nito kaya natawa ako. Loko.

Nag-loading pa ako saglit nang dahil sa joke niya pero I eventually got it. Kimberly Trisha kasi ang pangalan ng babae.

“Huwag niyong babanggitin ang pangalan ng lalaking ‘yon.” may pagbabantang sambit ni Yvette kaya taka ko siyang tiningnan.

Ang dalawa naman ay dahan-dahang tumango saka nagpatuloy na lang sa pag-r-rant.

Sino si Kester?

“Dapat hindi na lang siya tinulungan nila Prof! Deserve niya ‘yon!” nakasimangot na saad ni Kia.

“Katangahan niya naman eh. Siya iyong nakahulog ng test tube! Kung hindi kasi siya tingin nang tingin sa direksyon niyo, hindi naman ‘yon mangyayari.” mahabang litanya ni Thara kaya ngumiwi si Kia.

“Hala, baka crush niya talaga ako..” Kia concluded kaya inirapan siya nila Yvette.

“Huwag kang assuming Kianna.” umiiling na saad ni Yvette.

“Obvious naman na may gusto siya kay Kio. She's making her move now.” mataray na sambit ni Thara kaya kinomfort naman siya ni Kia.

“Si Liam na lang kasi.” pang-aasar nito kaya mahina siyang itinulak ni Thara.

“Lumayo-layo ka sa‘kin kung ang lalaking ‘yon ang bukambibig mo!”

Patuloy lang sila sa ginagawa nila habang naglalakad kami pero ang utak ko, naiwan doon sa Kester. Familiar ang pangalan na ‘yon.

Saka, bakit mukhang affected si Yvette? Anong koneksiyon nila?

Pagdating namin sa room ay dumiretso na kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Si Rio, hayun, naiwan sa lab. Ang lakas ng tama niya kay Trisha.

Bago nga kami lumabas sa lab ay rinig na rinig pa namin ang pag-rant niya kay Sam; iyong sidekick niya. Kung hindi lang daw siya naunahan ni Kio ay siya talaga ang tutulong kay Trisha.

Inilabas ko ang burger na binili nila Kia kanina saka tinanggal sa pagkakabalot. Hindi ko ‘to nakain kanina kasi pinadiretso na kami sa lab. E no foods and drinks allowed doon kaya no choice ako. Tamang tiis na lang ng gutom kanina habang gumagawa ng perfume.

***

”Get one and pass.” istriktong utos ng proctor sabay abot ng test papers doon sa unahan.

“Ipasa niyo hanggang sa makaabot sa likod. Walang tatayo. Ang mahuhuli kong nandaraya ay hindi na pag-e-examin. Diretso na bagsak. Maliwanag ba?” litanya nito kaya tumango naman ang mga kaklase ko.

Ang malas naman namin ngayon. Si Professor Dimaguiba ang naka-assign na magbantay sa‘min. Last sem kasi ay si Prof Lee lang e.

Nang makarating sa‘kin ang test papers ay kumuha ako ng isa at iniabot ang natira kay Kio.

Pagtingin ko pa lang sa unang item ay parang gusto ko na lang ‘yon ibalik. Parang wala naman dito yung mga ni-review ko!

Imbes na makipagtalo at magreklamo sa sarili ay sinimulan ko nang sagutan iyon. Dito ata ako babagsak.

The exams lasted for 4 hours kaninang umaga. Ngayong hapon, 4 hours ulit. Alas tres na kaya isang oras na lang, matatapos na ang problema namin.

Pang-siyam na subject na ‘to. Tatlo na lang. Kaya pa ‘to sa late game!

Lumipas ang ilang oras at natapos din namin ang exams. Sa wakas!

“Akala ko katapusan ko na kanina.” nakangiwing saad ni Sam.

Si Rio? ‘Ayun, nakatanaw na naman kay Trisha.  Wala nang bago.

“Ba't hindi naman lumabas yung mga ni-review ko dun?” reklamo ni Thara saka tumabi sa‘kin. Nandito kami sa isang bench sa labas ng room namin.

May ibang nasa loob pa pero hindi na kami nanatili doon. Wala na rin akong balak bumalik sa loob. Nandun pa si Prof Dimaguiba eh!

“May mga nag-cheat kanina...” nakangiwing sumbong ni Yvette habang tinitingnan iyong scratch paper niya.

Napailing na lang ako ng dahil doon. Hindi naman na bago ang ganoon dahil madalas iyong nangyayari.

Tumingin ako sa cellphone ko. Alas quatro na, pala. Kailangan ko nang umuwi.

Pwede naman nang umuwi kasi tapos na ang exam. ‘Yon ang sabi sa‘min. Saka, lalabas daw kami ni Sachi mamaya. Doon na lang kakain.

***

“The usual Miss?” tanong sa‘kin ni Dyreen. Yung cashier sa café ng kaibigan ni Kio.

“Yes please saka isang brownies at matcha frappe with cream.”

Pagkatapos kong banggitin ang order ni Sachi ay inilista niya ito saka inulit kagaya ng dati. Nang masigurado niyang tama ang ‘nilista niya ay bumalik na ako sa pwesto namin ni Sachi.

Tapos na kaming mag-dinner. Doon kami sa bagong bukas na paresan sa may park kumain. Pagmamay-ari raw ‘yon ng kaibigan ni Sachi.

“Wala ba ang owner nila ngayon?” tanong ni Sachi kaya umirap ako.

Iyan talaga ang totoong dahilan kung bakit kami nandito. Hindi para kumain ng dessert kun‘di para makita niya si Zach. Baka raw kasi hindi naman talaga pogi. Kung alam niya lang.

“Kumusta ang exam mo?” I averted the topic para tumigil siya sa kakasalita tungkol doon sa lalaki.

Napatigil naman siya saka sumimangot. Mukhang alam ko na ang resulta.

“Wala naman doon yung ni-review ko!” reklamo niya kaya inirapan ko siya.

“Hindi ka nag-review. Ipapaalala ko lang sayo.” pang-r-realtalk ko kaya mas lalo siyang sumimangot.

“Nag-review nga! Pero hindi naman kagaya ng pag-r-review mo. Batak ka naman masiyado eh!” tugon nito kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Sige, sabi mo eh.

Basta yung exam ko, bahala na si batman. Ngayon pa lang ay tanggap ko na ang kapalaran ko.


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon