XANTIEL
“Mabuti naman at gising ka na.” masayang usal ni Sachi habang nakatingin sa akin.
“Pinag-alala mo kami.” umiiling nitong ani saka lumapit sa akin. “Okay ka na ba?” tanong nito kaya dahan-dahan naman akong tumango.
“Nasaan ako?” takang tanong ko rito kaya nagkibit-balikat siya.
“Sa Infirmary niyo. In fairness ha, aesthetic! Parang gusto ko na lang na araw-araw magkasakit kung ganito lang naman ang infirmary.” natatawang biro niya kaya nginiwian ko siya. Gaga.
Taka naman akong tumingin sa lalaking mahimbing na natutulog habang nakasandal sa cabinet na lalagyan ng mga gamit dito. Mukhang hindi siya kumportable sa ganoong posisyon.
“Alalang-alala ‘yan sayo.” usal ni Sachi nang mapansing nakatitig ako kay Kio.
“Magdamag na bantay mo ‘yan. Ayaw umalis kasi na-g-guilty daw siya.” natatawang dagdag nito saka inabutan ako ng tubig.
Pinakisuyuan ko si Sachi na ibigay kay Kio ang isang unan ko rito. Kawawa naman kasi siya. Hindi pa ako nakatayo kaagad dahil baka mawalan ako ng balanse at matumba.
“Pwede ka namang lumabas anong oras mo man daw gusto kasi okay ka naman na. Na-trigger daw ata yung trauma mo saka over fatigue sabi nung pogi na nurse rito kanina.” paliwanag ni Sachi kaya tumango ako.
Mamaya na lang ako aalis. Magpapahinga muna ako.
“Nasaan sila Yvette? Pumunta ba sila rito?” sunod-sunod kong tanong kay Sachi na nag-aayos ng mga gamit.
“Umuwi sila. Kukuha raw ng pagkain.” sagot nito saka nagpatuloy sa ginagawa.
Ang huling naalala ko lang bago ako nahimatay, sumisigaw kami ni Kio doon sa storage room. Imposible naman na bigla lang sasara ang pinto doon e wala namang hangin. Siguradong sinadya ang pagkulong sa‘min do'n.
Umiling na lang ako saka kinapa ang bulsa ko. Kukuhanin ko sana ang cellphone ko kaso naalala ko na iniwan ko yun sa bag.
I roamed my eyes, nagbabakasakaling nandito rin ang gamit ko. Thank God at nandoon ‘yon nakapatong sa upuan na katabi ni Kio.
I asked Sachi to give it me na agad niya rin namang sinunod. Pag-open ko ng cellphone ko ay puro missed calls at texts galing kay Yvette ang nandoon.
Binasa ko ang mga texts at hindi ko maiwasang magalit dahil sa nabasa ko.
Si Trisha na naman? Ano ba ang problema niya sa‘kin?
Si Trisha raw ang nagkulong sa‘min sa storage room. Bwiset siya! Ginawan ko na nga siya ng pabor na ako na ang kukuha ng mga tela tapos ganito pa ang isusukli niya?
“Bakit ‘di maipinta ang mukha ng beshy ko?” natatawang tanong ni Sachi nang mapansin niya ang itsura ko.
“Si Trisha na naman?” kunot-noong ani ko kaya nagkibit-balikat siya.
“Ano pa nga ba. Malaki ata ang galit sayo ng babaeng ‘yan. Nagkwento sa‘kin yung friends mo kagabi.” tugon nito kaya napahilot na lang ako sa sintido.
Akala ko pa naman mabait siya! Tama talaga sila Yvette.
“Don‘t worry. Magkikita-kita naman daw kayo mamaya sa guidance office sabi nung teacher niyo. Doon mo na lang ilabas lahat ng galit mo.” natatawang aniya saka kumagat sa hawak niyang mansanas.
‘Di ba dapat ako ang kumakain no'n?
I shoved that thought off nang magsimulang mag-kwento si Sachi.
I laughed nang ikwento niya sa akin ang ginawa niya. She slapped someone raw na hindi naman pala si Trisha. Ang akala niya raw kasi ay ‘yon ang babae dahil iyon naman ang itinuro ng guard sa kaniya. Loko talaga siya.
Magkakaroon pa siya ng kaaway ng hindi oras e!
***
“Sir, baka nagkakamali po kayo. Mabait po ang anak namin.”
Pinapakalma ko ang sarili habang nakatingin sa harap namin. Nandoon ang pamilya ni Trisha at yung lalaki naman na kasama si Liam. Magpinsan daw sila sabi nila Yvette.
Sasampalin ko na talaga sana si Trisha kanina pero huwag na lang kasi baka ako pa ang lumabas na masama rito. Gusto kong isumbat lahat ng ginawa niya sa akin pero huwag na lang.
“Iyan din po ang akala namin Misis Aguilar. Pero pagkatapos ng nakita ko kagabi? I doubt that po.” dismayadong sagot ni Sir Kester habang may kinakalikot sa cellphone niya.
Sinabi sa akin nila Thara kanina ang nangyari noong wala akong malay at nasa Infirmary lang. Malalang confrontation daw ang ganap kagabi.
Tanging kaming apat lang nila Kio at Yvette ang nandito pati si Sir Kester. Hindi na pinasama sila Thara para may mag-a-asikaso doon sa booth namin.
After this discussion, pupunta na rin kami doon para makatulong. Si Sachi, umalis na kanina pag dating nila Yvette. Okay lang naman sa akin ‘yon kasi alam kong may trabaho pa siya sa café.
“Baka naman binabaliktad niyo lang ang kapatid ko at siya ang pinapalabas niyong mali?” mayabang na tanong nung Ate raw ni Trisha kaya tinaasan siya ng kilay ni Yvette.
“Hindi kami kagaya ng kapatid mo na manipulative two-faced bitch Miss.” mataray sagot kaya inawat ko siya.
Walang patutunguhan ‘to kung puro init lang ng ulo ang papairalin.
“Pwede niyo pong i-check Ma‘am Cecilia yung CCTV footage kagabi sa may guard house kung ayaw niyong maniwala sa recording na pinarinig namin kanina.” pag-suggest ni Sir Kester saka tumingin sa dalawang na-a-agrabyado ngayon na nasa harap namin.
“Kahit naman hindi niyo aminin ang ginawa niyo rito sa guidance, alam pa rin natin kung ano ang totoo. Dalawin sana kayo ng konsensya niyo.” marahang aniya kaya suminghal naman ulit ang Ate ni Trisha.
“Wow grabe! Guilt tripper!” sarkastikong saad nito pero walang pumansin sa kaniya.
Si Liam, kanina pa niya sinisermonan yung lalaking kasama niya. Aminado naman siya sa kasalanan niya pero si Trisha, walang imik.
Nagpaalam na kaming aalis kahit hindi pa tapos ang session dahil baka kailangan na kami sa booth. Pumayag naman ang guidance counselor pero pinaiwan nila si Trisha at ‘yong lalaki pati si Sir Kester. Sila na lang daw ang bahalang umayos ng gulong ‘yon.
Nagmamaktol pa rin si Yvette habang naglalakad kami papunta sa booth namin. Masiyado raw kasing kunsintidor ang pamilya ni Trisha.
Totoo naman ‘yon. Base sa inakto ng Ate niya kanina, mahahalata talagang kunsintidor siya.
“Uutang ako ng burger pagdating sa booth.” nakasimangot na saad ni Kio habang nakatingin kay Yvette.
“Pero kung mabait ka Yvette, libre mo na lang kami ni Xantiel.” nakangiting sambit ulit nito kaya inirapan siya ng babae.
“Alam mo? Kung hindi ka lang kasama ni Xantiel na na-trap doon sa storage room, baka kanina pa kita binangasan.” mataray niyang tugon kaya napahawak naman si Kio sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.
“Grabe ka sa‘kin Yvette. You‘re hurting my feelings.” maarteng usal ni Kio saka tumingin sa akin.
“Inaaway ako ng kaibigan mo oh! Awayin mo rin nga.” sumbong nito kaya inilingan ko siya.
“Kulit mo naman po boss.”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...