Chapter 41

15 1 0
                                    

XANTIEL

Kanina pa kami nakababad sa pool habang nagkakasiyahan. We played games at maraming nabunyag na sikreto. Someone confessed pa nga e. Edi wow.

Nang maramdaman kong giniginaw na ako ay nagpaalam ako sa kanilang kukuha lang ng bathrobe sa cottage namin. Libre lang daw ‘yon e. Sasamahan pa sana ako ni Kio but I refused.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang humila sa akin.

I stiffened and just found my self slowly sweating nang maramdaman kong may matulis na bagay na nakatutok sa tagiliran ko. It‘s sharp. I can feel it. Sa hula ko ay kutsilyo iyon at mas lalo niya itong dinidiin sa akin kaya kinakabahan na talaga ako.

“Surprise Xantiel...”

Trisha.

Pinipigilan ko ang sarili kong gumawa nang kahit anong galaw. I can‘t even shout. Natatakot ako na baka isang maling kilos ko lang ay matapos na Ang buhay ko.

“Bakit speechless ka? Na-surprise ba kita?” tanong nito saka inbinaba ang hawak niya.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Kaagad akong umatras para makalayo sa kaniya pero mabilis niya namang nahuli ang kaliwang braso ko saka mahigpit itong hinawakan.

“Saan ka pupunta? Hindi mo ba nagustuhan yung surprise ko?” tanong ulit nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Ikaw ba yung nag-send sa akin ng message na napakahirap intindihin? Umamin ka nga! Jejemon ka ba talaga dati?” Napasigaw naman ako nang mas higpitan niya pa ang hawak sa braso ko

“Oo, ako yung nag-send no'n! May angal ka? Dapat nga magpasalamat ka pa kasi nag-effort pa ako sa pag-type no'n e!” mataray nitong sagot habang masama ang tingin sa akin.

“A sige. Salamat sa pag-effort mo ha? Para lang malaman mo, nag-effort din akong intindihin kung ano yun!” sarkastikong tugon ko sa kaniya kaya mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin.

I saw Yvette and the rest of our classmates na umahon ng pool at nagmamadaling makalapit sa amin. Mukhang hindi ‘yon alam ni Trisha dahil nakatalikod siya doon.

“What on earth are you doing here Trisha?” galit na tanong ni Yvette kaya dahan-dahan naman silang nilingon ng babae saka ako hinila papunta sa gilid niya. Hindi niya pa rin ako binibitawan.

Ngumiti ito pero halatang peke ‘yon bago nagsalita. “May class outing pala? Bakit hindi niyo man lang ako inimbitahan? I‘m so offended tuloy.” madrama niyang sambit kaya sinamaan siya ng tingin ng mga kaklase namin.

“Hindi ka naman belong kaya bakit ka pa iimbitahan?” pangbabara sa kaniya ni Mayo kaya umaktong nasasaktan si Trisha.

“Grabe ka naman Mayo, you hurted my feelings naman.” animo'y malungkot na tugon ng babae kaya tinaasan siya ng kilay ni Thara.

“Anong ‘hurted’ ba ‘yang pinagsasabi mo? Walang ganiyan sa dictionary huy!”

Inirapan lang siya ni Trisha saka sumagot. “Sorry. May kasi sarili akong dictionary.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nangyayari ngayon o matatakot. Knowing na may dalang kutsilyo si Trisha? Oh God.

“Let go of her Trisha.” madiing utos ni Kio pero hindi siya nito pinakinggan. Instead, she tightened the grip sa braso ko na mas lalo kong ikinadaing. Bumabaon kasi ang kuko niya sa balat ko.

“Pano kung sabihin kong ‘ayaw’ honeybunchsugarplum Kio ko?” tanong nito kaya sumama ang timpla ni Kio.

Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa tinawag sa kaniya o dahil sa naaasar siya sa mukha ni Trisha. Naka-puppy eyes kasi ang gaga pero hindi naman bagay. Mas cute pa sa kaniya yung aso ng kapitbahay namin sa probinsya e.

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon