XANTIEL
I woke up in an unfamiliar room. May mga kulay berdeng kurtinang nakapaligid sa akin. With that, I can tell na nasa ward siguro ako ng ospital o nasa pinakamalapit na clinic o health center.
Ang pagkakaalala ko, nakakaon ako ng may peanut kaya umatake na naman ang allergies ko. Hindi pa nga ako nakakadalawang subo e! Well, almost pangalawa na ‘yon kung hindi ko lang napansin na may peanuts. Sayang. Masarap na naman ‘yon.
Kung ano pa yung masarap, bawal naman.
“Pasensya na talaga. It‘s my fault in the first place.” I heard someone‘s voice at ang mga yapak na parang papunta rito.
If I‘m not mistaken ay si Zach ang nagsalita and I assume that he‘s with Kio and the others. Syempre, kami-kami lang naman ang magkakasama e.
May humawi sa kurtina at bumungad sa akin ang mukha ni Sachi na nag-aalala.
“OMG, gising ka na!” masayang aniya kaya tumango ako saka umupo rito sa kama.
“Saan tayo?” tanong ko sa kanila habang iniikot ang paningin dito. Si Dyreen na ang sumagot.
“Sa pinakamalapit na health center.”
Lumapit sa akin si Kio saka umupo sa tabi ko. “Palagi ka na lang napapahamak ha.” natatawang aniya kaya sumimangot ako.
So true. Noong nagpaulan yata ng kapahamakan, sinalo ko lahat e.
“Hindi ka naman nagsabi na allergic ka pala sa peanuts. Napakain pa tuloy kita ng caldereta. Sorry.” sinserong saad ni Zach kaya tumango ako.
“Kasalanan ko rin naman. I forgot to tell you guys about it.”
Natahimik kami pagkatapos kong sabihin ‘yon. Kung hindi pa nagsalita si Sachi ay para na kaming dinaanan ng multo sa sobrang tahimik.
“Alam niyo ba, ang kainan na ‘yon ay owned pala nung costumer natin na nakasagutan mo.” sambit nito habang nakahawak sa cellphone.
“Kaya pala familiar ‘yong babae doon sa may pinto. Siya pala ‘yon.” gatong pa ni Dyreen.
Sinubukan kong alalahanin kung sino ang tinutukoy nila. It was not long enough para maalala kong si Kim ‘yon. Iyong babaeng nakasagutan ko at sinabihang i-b-blender.
Siguro nagpapa-party na siya sa kaloob-looban niya nang malamang inatake ako ng allergy ko. Okay lang naman.
We stayed at the health center hanggang sa sumapit ang alas tres ng hapon. Gumala-gala muna kami saka nila ako hinatid sa bahay nila Tita Mommy dahil doon nga muna ako pansamantalang tumutuloy. Pabor din naman sa akin kasi I get to spend some time with my family.
Bago ako bumaba ay ipinaalala sa akin ni Kio ang tungkol sa family dinner bukas so I gave him a thumbs up bago tuluyang bumaba ay pumasok sa gate. Tinanaw ko ang pag-alis ng sasakyan nila saka pumasok na sa bahay.
Binati ako ni Ate Vixen na nandoon sa sofa habang nanunuod ng TV. Nandoon daw sa kusina sila mama, nagluluto raw. Nagpaalam akong aakyat muna para magpalit ng damit bago bumaba at tumabi kay Ate Vixen.
She‘s watching a movie habang kumakain. Pasimple akong kumuha doon sa popcorn habang tutok na tutok siya sa pinapanuod niya. Napansin niya naman ang ginagawa ko but she didn't mind. Ganito naman kami madalas e.
“Kumusta na kayo ni Kio?” biglang tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya. Tutok na tutok pa rin siya sa TV.
“Okay lang naman..”
Hinarap niya ako saka tinaasan ng kilay. “Kailan mo sasagutin?” tanong ulit nito kaya nagkibit-balikat ako saka siya takang tiningnan.
“Bakit ba curious ka ‘te?”
Nagtataka na ako sa sunod-sunod niyang tanong. Ano bang meron?
“Mag-d-date kasi kami. Triple date kasama sila Mira at Zion. Kung magkaka-jowa ka within this week, edi goods. Mas marami tayo. The more the merrier.” paliwanag nito kaya ngumiwi ako.
“Salamat na lang ‘te. May dinner kami bukas with the fam daw.”
After that discussion ay pumunta na kami sa kusina dahil kakain na daw. Nandoon na sila Papa at Mama nakapo sa mess at kaming dalawa na lang ang hinihintay kaya umupo na kami.
Kinuwento ko na kela Mama ang tungkol sa family dinner bukas. Sinabihan ko rin sila Tita na sumama pero tumanggi ito. May lakad din daw sila ni Ate Vixen kaya kami na lang daw ang pumunta.
***
Nandito kami ngayon sa sala ng bahay nila Kio. Nilakad lang namin papunta rito dahil malapit lang naman pala sa bahay nila Tita. Siguro, tatlong malalaking bahay lang ang pagitan.
“Akala ko tatanggi kayo sa dinner e.” natatawang saad ni Tita Neriza habang nakaupo sa harap namin.
Ngumiti lang ako rito saka inilibot ang paningin. I saw Nikki running towards us habang may dalang laruan.
“TITA!” masayang sigaw nito ng makita ako kaya I waved at her.
“Dahan-dahan lang.” pagsuway sa kaniya ni Tita Neriza pero hindi niya ito pinansin at agad na tumabi sa akin.
“Tita, you know po si Tito kanina pa nag-stare sa mirror tapos biglang nag-smile. Parang crazy po.”
Ang daldal talaga ng batang ‘to! Natawa naman sila Mama sa turan ni Nikki. Pinaupo ko siya sa lap ko habang naghihintay kay Kio na bumaba. Busy pa siguro siya sa pagkausap sa sarili niya.
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan sa sala bago dumiretso sa dinning hall nila. Medyo nagulat pa ako nang makitang may dalawang tao nang nakaupo doon.
“Hi Ma, Pa.” bati ni Tita Neriza doon saka umupo sa gilid nito kaya sumunod din ako saka nagmano sa dalawa.
I bet they‘re Kio‘s grandparents. Parents ni Tito I assume? Wala raw kasi rito ang parents ni Tita Neriza.
“Siya na ba yung girlfriend ni Kio, Norbert?” tanong noong babaeng may katandaan na. Tito immediately nodded kaya medyo kinakabahan ako. Medyo istrikto ang itsura niya e.
“I like her already. Saka teka,” the old woman paused saka tumingin nang maigi kay Mama. “Ikaw na ba ‘yan Xandra? It's been awhile ha.” gulat na saad nito kaya ngumiti naman ng hilaw si Mama.
“Hello Tita. It‘s been a while nga.”
Agad namang tumingin sa akin si mama saka ibinalik ulit sa matanda ang tingin. “She‘s my daughter po. Future girlfriend ng apo niyo. Sila na lang daw ang magpapatuloy sa Vergara-Romero.” natatawang sambit ni Mama saka sila nagtawanan. Sige lang.
It‘s great na wala silang samaan ng loob kahit na mag-ex sila. I‘m worried nga noong una kay Tita Neriza na baka hindi okay pero huwag ko na raw alalahanin ‘yon. Past na e. Hindi na pwedeng ibalik.
Tahimik lang ako dito sa gilid habang nakikinig sa usapan nila pero kaagad akong natigilan dahil sa tanong ng Lolo ni Kio. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
“Kailan ang kasal? Gusto ko na ng apo kay Kio. Mayroon na si Nichole, si Kio na lang. We‘re not getting any younger kaya gusto kong maabutan pa ang apo ko kay Kio.”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...