XANTIEL
I woke up with the familiar sound from my phone. I turned to look at the side table kung saan ito nakapatong saka pahikab-hikab na in-off ang alarm no'n. Mukhang nakalimutan ko itong i-set kagabi kaya mas maaga ang alarm nito kaysa dati.
Hindi muna ako umalis sa kama ko at nanatiling nakaupo doon. Tulog pa si Sachi. Mukhang nagpuyat na naman siya.
Ilang segundo rin akong nakatitig sa kawalan bago ko napagpasyahang gumayak na. Ngayon kasi kami gagawa ng perfume dahil next week ang deadline no'n. Exam na sa Friday at Lunes ang submission date. Mas napaaga.
Itinali ko ang shoulder-length kong buhok saka dumiretso sa CR para maghilamos. Pagkatapos noon ay nagmumog ako. Nang makuntento ay saka pa lang ako bumalik sa kuwarto para kumuha ng damit na isusuot ko mamaya.
Hindi naman kasi uso sa‘min ang uniform. Pagpasok mo sa university, aakalain mong may fashion show palagi dahil sa suot ng ibang estudyante.
Inilapag ko lang sa kama ang napili kong damit saka humilata ulit doon.
Ilang saglit pa ay taka akong napatingin sa cellphone ko nang sunod-sunod itong tumunog.
‘Nicholo Zaccheus Vergara wants to send you a message.’
Agad akong napabalikwas sa kama nang mabasa ko ang notification na iyon.
Alas sais pa lang ng umaga, alas otso pa ang klase namin. Ba't naman siya mag-m-message ng ganito kaaga? Tulog pa nga hanggang ngayon si Sachi eh!
Ang ibang notification naman ay chats galing sa group chat namin saka galing sa ShopNow.
Inuna kong buksan ang message ni Kio. Akala ko naman kung ano. Mag-seen daw ako sa GC.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nang makita ko ang group chat namin ay agad ko itong binuksan. Ang angas ng pangalan, sino ba nag-set nito.
[perfume ni bohxsz kio]
Yvette Wilson:
Kailan natin gagawin
yung perfume?Kianna Ramos:
Oo nga, para makabili
na kami ng gagamitin
natin.Xantiel Raine Alcazar:
Akala ko ngayon?Nicholo Zaccheus Vergara:
Yes. Ngayon tayo gagawa.
Wala sanang ma-late
ngayon.Nicholo Zaccheus Vergara:
Who named this group chat
pala? Palitan niyo ulit.Tumawa naman ako nang mabasa ko ang reply ni Kio.
Here‘s the deal; madalas akong ma-late sa klase.
Ang unang message niya, alam ko na ako ang pinapatamaan niya no'n. Yung pangalawa naman, huwag sanang palitan ang group name. Maangas naman e. ‘Bohxsz Kio’ ba naman!
Tumingin ulit ako sa oras. Alas syete na. Oras na para maligo. Doon na lang ako kakain sa university mamaya.
Huwag daw magpa-late eh.
***
Kagaya ng inaasahan, maaga ako ngayon. Wala pang alas otso pero nandito na ako sa room. Kakaunti pa lang ang nandito. Wala pa nga sila Kio e.
Si Kia at Rio, sila ang mahuhuli ng dating dahil mamimili pa ng ibang gamit namin. Nagpasabay na lang din ako ng makakain ko, dito ko na lang babayaran mamaya ‘pag dumating na sila.
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Fiksi RemajaXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...