Chapter 21

20 1 0
                                    

XANTIEL

Nakapangalumbaba lang ako rito sa sala habang nakatitig sa screen ng TV. Alas sais na pero wala pa rin si Sachi. Ang boring!

Sabado ngayon. Natapos na kahapon ang summer class namin kaya ang boring talaga. Pero I have plans naman para hindi ako mabulok dito sa bahay.

Bakit ba kasi yearly may summer?

Hindi na ako nakatiis at in-off ang TV. Ang tagal naman kasi ni Sachi kaya susunduin ko na lang siya. Para akong mababaliw kung mananatili akong mag-isa sa apartment. Baka mamaya kinakausap ko na ang mga gamit namin doon!

Agad akong nagbihis at kinuha ang sling bag ko. Isinilid ko doon ang pouch, earpods, wallet, at cellphone ko. Nang masigurado kong okay na ang lahat ay lumabas na ako ng apartment at ni-lock ‘yon.

Lalakarin ko na lang papunta sa café dahil nga malapit lang naman ‘yon dito.

Medyo madilim na ngayon sa labas pero maliwanag pa rin ang daan dahil sa street lights at mga ilaw galing sa street food stalls. Ang ganda pala dito kapag gabi.

Sumaglit ako sa isang stand at bumili ng fishball. Para naman hindi ako gutumin habang naglalakad papunta kay Sachi.

“Manong, bente na fishball po tapos isang samalamig.” nakangiting sambit ko sa nagbibenta at iniabot sa kaniya ang bayad.

Tumigil ito sa pag-prito at nginitian din ako nito pabalik saka tinanggap ang pera at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

“Mag-isa ka lang ba ija?” tanong nito habang nilalagay ang binili kong fishball sa cup. I nodded as a response.

“Wala kang nobyo ano?” tanong ulit nito kaya natigilan naman ako.

Grabe naman Manong, personalan ba?

Tumingin ako rito saka tumawa. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya umiling na lang siya.

“Mukhang wala nga.” natatawang aniya saka iniabot sa akin ang binili ko.

Nawili akong makipagkwentuhan kay Manong kaya doon ko na rin kinain ang binili ko saka nakipagdaldalan sa kaniya.

Bago ako umalis ay may sinabi pa ito pero binaliwala ko na lang. Imposible kasi.

“Huwag kang mag-alala. Bago matapos ang summer na ‘to, magkaka-nobyo ka na.”

I shoved that thought away saka naglakad na papunta sa café na pinagtatrabahuan ni Sachi. Bumati sa akin ang maraming tao pagpasok ko pa lang doon. Punong-puno ang mga table. Mabuti na lang at may bakante pa roon sa may gilid.

I immediately headed there at umupo. Baka maunahan pa. Kinuha ko ang wallet ko at iniwan muna ang bag sa mesa para mag-order.

Nang makarating ako sa counter ay si Dyreen ulit ang bumungad sa akin. Halata na ang pagod sa mukha niya. Mukhang busy talaga sila. Para na siyang lantang gulay pero pilit pa ring ngumiti. Ang haggard niya na ngang tingnan e.

“Hi! Isang large matcha and cream frappe with choco chips nga.” nakangiting saad ko kaya tumango naman ito at nilista ang order ko.

Bumalik na ako sa pwesto ko pagkatapos kong magbayad.

I opened my phone at pumunta sa Webtoon. May free wifi sila rito kaya hindi ma-b-bored ang mga costumer nila while waiting for their order. Ang galing!

May update na ‘yong binabasa kong series na kamukha ni Kio ang male lead. As in, kuhang-kuha talaga ni Kio ang porma at mata nung lalaki doon sa kwento. Kaunti na lang nga ay iisipin kong iisa lang sila. Na lumabas siya sa libro lol!

Hindi naman nagtagal ay sinerve na ang order ko. Nagulat si Sachi nang ako ang makita niya.

“Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong nito kaya nagkibit-balikat ako.

“Boring sa apartment e. Saka ang tagal mong umuwi.” reklamo ko rito kaya umiling na lang ito saka bumuntong-hininga.

“Busy kami! Grabe naman kapag araw talaga ng sweldo e ‘no! Ang daming costumer na pumupunta!” sumbong nito at parang bata na nagdadabog kaya tinawanan ko ito.

“Amina order ko. Bumalik ka na sa trabaho mo.” natatawang saad ko rito na sinunod niya naman.

Hayaan niyo, mag-a-apply ako dito kapag hiring pa. Ayaw ko namang mabulok sa apartment ‘no! Saka isa talaga ‘to sa mga plano ko. Ang maghanap ng summer job.

***

“Hiring pa ba ang café niyo?” tanong ko kay Sachi nang makauwi kami sa bahay.

Agad itong sumalampak sa sofa at binitawan ang hawak niyang plastic na may lamang groceries.

Hinintay ko kasing matapos ang shift niya para sabay kaming umuwi. Dumaan kami sa isang convenience store na malapit dito sa apartment kasi paubos na ang stocks namin dito.

“Hiring pa raw. Isang server pa ang hinahanap namin.” pagod na sagot nito saka tumingin sa akin.

“Mag-a-apply ka?” tanong nito so I shrugged.

“Kung naghahanap pa kayo ng staff, sure why not?” walang pag-aalinlangan kong sagot sa kaniya kaya ngumiti naman ito.

“Sakto, may pogi doon na server din. Actually kaibigan siya ng boss ko.” pag-k-kwento niya.

“Yung kaklase mong pogi? Yung nagbantay sayo sa infirmary? Siya ‘yon. Kaibigan pala siya ni Zach.” manghang saad nito saka tumingin sa akin.

“Mukhang mayaman naman ang isang ‘yon. May kotse nga e. Bakit ‘yon nag-t-trabaho sa café?” takang tanong nito kaya nagkibit-balikat ako.

Hindi ko rin alam. Si Kio kasi yung tipong seryoso sa buhay na maraming sikreto pero maloko at chismoso. Baka trip niya lang magtrabaho doon kasi nga café ng kaibigan niya.

Naalala ko na naman tuloy ang sinabi niya noong second meeting namin.

Huwag ko raw bigyan ng mababang rating ang café ni Zach kasi bago pa lang ‘yon. After three years na lang daw.

Loko talaga.

“Paano ka ba nag-apply doon Sachi?” tanong ko sa kaniya na ngayon ay sumisimsim sa tinake out naming kape.

Ibinaba niya naman ang hawak niyang cup bago saglit na nag-isip at tumingin sa akin.

“Message mo muna yung page nila tapos bibigyan ka niyan ng application form. Kapag na-approve, papapuntahin ka niyan sa café para sa interview tapos kapag pumasa ka, edi pwede ka nang mag-start.” litanya niya kaya tinanguan ko na lang siya.

Dapat matanggap ako. It‘s their loss naman kapag hindi. Makukulangan sila sa staff at mahihirapan sila kapag rush hour at marami ang costumer.

Ayaw ko talaga sa summer! Kailangan ko pang maghanap ng mga bagay na pwedeng gawin para hindi ma-bored.

Kainis!


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon