XANTIEL
Nagising ako sa isang marahang tapik sa pisngi ko. I looked at Ate Nichole na nakatayo ngayon sa harapan ko kaya agad akong napabalikwas dito sa sofa.
Oo nga pala. Nandito ako natulog sa bahay nila Kio. Yes, sa bahay nila. Hinatid kasi namin ni Ate Vixen kagabi galing doon sa bar. Ang usapan kasi namin ni Tita Neriza ay kukumbinsihin kong umuwi na si Kio rito sa kanila. Dahil nga lasing siya kagabi ay madali ko lang siyang nauto.
“I‘m so sorry for waking you up so early pero pwedeng ikaw muna ang tumulong kay Mama na mag-asikaso kay Kio ngayon? May pupuntahan kasi kami ni Nikki e.” pakikisuyo sa akin ni Ate Nichole kaya pahikab-hikab akong tumango. She thanked me before leaving Kio‘s room.
Tumingin naman ako sa kama ni Kio kung nasaan siya mahimbing na natutulog. Pahirapan pa kami sa pagpapapasok sa kaniya sa kotse ni Ate Vixen dahil nga sa kulit nito. Ang kotse niya ay si Zach na raw ang bahala.
Inayos ko muna ang buhok ko saka dumiretso sa kusina nila Kio kung nasaan si Tita Neriza. Naabutan ko siyang nakatalikod sa stove habang nagluluto. Si Manang Melba naman; iyong katulong nila rito ay nadatnan ko kanina sa sala na nagwawalis.
Mukhang naramdaman naman ni Tita ang presensya ko kaya hinarap ako nito. “Good morning iha.” bati nito kaya ngumiti ako saka binati rin siya pabalik.
“Salamat ulit sa ginawa mo ha? We owe you... A lot.” saad pa nito kaya tumawa ako saka umiling.
“Okay lang po ‘yon Tita. No worries po.”
Hindi niya na ako pinabalik sa kwarto ni Kio. Inutusan niya na lang si Manang Melba na gisingin ang alaga niya at papuntahin na rito sa kusina para mag-agahan. Kaming dalawa ang naiwan dito sa kusina habang hinihintay na bumaba si Kio. Maaga raw umalis si Tito Norbert at sila Ate Nichole na kanina lang umalis.
Nakaupo kami rito sa dining table nang marinig namin ang mga yapak na papalapit kaya tumingin kami sa harap. It‘s obviously Yaya Melba with Kio.
Magulo pa ang buhok ni Kio habang nakasuot ng gray na t-shirt at pajamas. Halatang bagong gising ang boss!
Nanlaki naman ang mata niya nang makita niya ako rito sa dining table nila. Naguguluhan siyang umupo sa harap ko at saka ako tinitigan.
“Xantiel?” gulat na tanong nito so I smiled and waved at him.
“You mean, Xantiel mo?” natatawang tugon ko sa kaniya kaya napaawang ang bibig niya.
“What are you doing here?” naguguluhan pa ring sambit nito kaya umirap ako.
“Bakit? Ayaw mo ba?” sunod-sunod kong tanong kaya mabilis siyang umiling.
“No! I mean, gusto ko.” marahang sagot nito kaya nagkibit-balikat na lang ako.
“Ang pangit mong umiyak kagabi. Daig mo pa ang batang inagawan ng lollipop.” pang-aasar ko rito kaya sumimangot siya.
“At least pogi pa rin.”
***
Nandito kami ngayon sa resort na sinasabi ni Yvette. Ngayon kasi yung schedule ng outing na hindi natuloy noon dahil sa nangyari kay Kia. Magaling na rin naman siya ngayon.
This is a private resort kaya kakaunti lang ang taong nandito. Obviously their rich. Mahal daw ang booking dito e.
“There they are.” turog ni Kio sa isang cottage. Tumingin din ako doon saka ko nakita sila Thara na kumakaway sa amin. It‘s been a while since we last saw each other.
Hinila ko na agad si Kio at nagtungo sa cottage. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Sir Kester dito. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandito si Liam.
“Ngi, by partner pala ang outing na ‘to. Hindi naman ako na-inform.” nakangiwing saad ni Kia nang makalapit kami sa kanila.
Tinawanan lang naman siya ng pinsan niya saka nagsalita. “Bata ka pa raw kasi, bawal pa mag-boyfriend.” pang-aasar nito kaya sumimangot si Kia.
Inilapag ni Kio ang gamit namin sa ilalim ng ng mesa kung nasaan din ang mga gamit nila Thara saka siya umupo.
“Tayo-tayo lang ba?” tanong ko sa kanila nang mapansing pito lang kaming nandito.
Umiling si Yvette saka nagsalita. “Ma-l-late raw sila Rio dahil nasiraan sila ng sasakyan pero makakapunta naman daw sila.”
Tumango na lang ako saka in-open ang cellphone. May isang text doon galing sa isang unknown number kaya binuksan ko ‘yon.
‘st4y s4f3 hihi my s0rpris3 4ku l4t3r sau... w3yt mu lng... h0p3 u l4yk 3t😏🔪’
Threat ba ‘to? O sadyang jejemon lang yung sender? Ang hirap maintindihan ng message! Ilang segundo ko pang inisip kung anong ibig sabihin!
Binaliwala ko na lang ‘yon saka nakinig sa kwentuhan nila. Kio is drinking soda habang pasimpleng kumukuha ng squid ball. Mag-ama nga sila ni Tito Norbert.
“Liam? Sigurado ka ba talaga kay Thara? E uhugin naman ‘yan dati! Tapos selosa to the max, hindi pa marunong magluto.” walang prenong tanong ni Kia kay Liam kaya sinamaan siya ng tingin ng pinsan niya.
“Dati ka bang gagi ha? Porket wala kang boyfriend?” mataray na tanong ni Thara kaya taka ko silang tiningnan.
“Kayo na ni Liam?” singit ko sa usapan nila kaya tumango naman ito. “Akala ko ba, ayaw mo sa kaniya?”
Ngumiti naman ito saka tumingin sa boyfriend niya. “Kahit na madalas bangko ‘to sa laro, mahal ko pa rin siya.”
Dahil sa sinabi niya ay inirapan siya ni Liam. “Babawiin ko na yung jersey ko.”
Nagtawanan kami ng dahil doon. Sila Yvette naman at Sir Kester ang sunod na inusisa ni Kio.
Okay na pala sila. Nililigawan ulit niya si Yvette.
“Ang sabi mo, boyfriend ang hanap mo. Bakit naman nag-uwi ka ng sugar daddy ‘te?” tanong ni Kia kaya inirapan siya ni Yvette.
“At least may naiuwi.”
Sabay-sabay naman silang tumingin sa amin ni Kio kaya nagtataka ko silang tiningnan.
“E kayo? Anong meron?” biglang tanong ni Yvette so I shrugged.
“Nanliligaw siya.” parang wala lang na sagot ko kaya agad akong hinampas ni Thara.
“Akala ko ba hindi mo gusto ‘yan? Nilait mo pa ‘yan sa amin noon kesyo chismoso tapos soon to be boyfriend mo na pala?” hindi makapaniwalang litanya nito kaya tumingin ako kay Kio na nakasimangot na ngayon.
“Chismoso pala ha?” tanong nito kaya umirap ako saka siya hinarap.
“Totoo naman ‘yon! ‘Di ba nga hinila mo pa ako noon palapit kela Sir Kester at Yvette tapos doon pa tayo sa likod ng puno ng mangga nagtago kasi sabi mo para mas marinig natin yung usapan nila?” taas-kilay kong tugon dito kaya natawa naman sila Sir Kester.
“Sabi na e, may tao talaga doon.” nginitian ko lang ito saka taas-kilay na tumingin ulit kay Kio.
“O ano? Nabuking ka pa tuloy.”
Sinungitan naman ako nito. “Curios lang naman ako noon.”
Napuno kami ng tawanan habang hinihintay ang iba pang kasama namin. Si Sachi, hahabol na lang daw siya. Ang totoo niyan ay class outing ‘to pero hindi yata lahat ay makakapunta.
“Walang magdadala ng bebe rito ha? Kung magdadala kayo, dalhan niyo na rin ako.” mataray na saad ni Kia habang kausap ang mga kaklase namin thru video call.
“[Si Roli, yung tambay sa kanto malapit sa amin, gusto mo?]” tanong ni Gino kaya pinakyuhan siya ng babae. Loko talaga.
“Boyfriend ang hanap ko. Hindi aso.”
Langya talaga siya. Ang lakas pang manglait.
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Ficção AdolescenteXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...