Chapter 38

11 1 0
                                    

XANTIEL

“Xantiel anak?” pagkatok ni Tita Mommy sa pinto ng kwarto ko. “May naghahanap sayo sa sala. Gusto ka raw makausap.”

It‘s been two weeks simula nang iwasan ko si Kio. Dito muna ako sa bahay nila Ate Vixen tumutuloy. Alam ni Ate ang nangyari kaya todo comfort din siya sa akin.

Tamad akong bumangon sa kama saka naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ‘yon saka dire-diretsong bumaba sa hagdan papunta sa sala.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay kita kong may mga bisita sa sala. Nandoon sila Mama at Papa at may babae‘t lalaking nakatalikod sa pwesto ko. Mukhang nakita ako ni Mama kaya tinawag niya ako para lapit sa kanila.

I was shocked to see Kio‘s parents sitting in front of my parents while having a snack? Ha? Anong ginagawa nila rito? At paanong nalaman nila na nandito ako?

“Xantiel, iha.” pagtawag sa akin ng nanay ni Kio pero hindi ko ito pinansin at tumingin kela Mama.

“What are they doing here?” tanong ko sa kanila kaya nginitian nila ako.

“Gusto ka nilang makausap.” marahang sagot ni Mama.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Papa nang mapansing aatras na sana ako.

“Huwag mo kaming takasan dito. Harapin mo ang mga magulang ni Kio dahil may sasabihin sila sayo.” kalmadong pagsuway sa akin ni Papa kaya wala akong nagawa kun'di umupo sa harapan ng mga magulang ni Kio.

Hindi naman sila mukhang galit pero ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Mukhang may seryosong usapan na magaganap e.

Hindi umalis sila Mama sa tabi ko at nanatili lang sila habang nag-uusap kami.

“Nalaman ko na iniiwasan mo raw si Kio.” marahang saad ni Tita Neriza; ang nanay ni Kio. Dahan-dahan naman akong tumango bilang tugon.

“Dahil ‘yon sa nalaman mong may past ang Papa niya at Mama mo ano?” tanong niya kaya tumango ulit ako.

As much as possible ay ayaw kong magsalita. Gusto ko lang makinig.

Umiling si Tita saka masamang tumingin sa kay Tito Norbert na pasimpleng kumukuha ng brownies kaya patago naman akong natawa. Para silang bata.

“Kain ka dyan nang kain, tumulong ka ngang magpaliwanag dito!” masungit nitong saad sa asawa saka tumingin ulit sa akin at ngumiti. Sila Mama naman ay tahimik lang na nagmamasid sa amin.

“Sa totoo lang iha, you don‘t need to avoid him. You can continue your relationship hangga't sa gusto niyo. Gusto niyo, magpakasal na kaagad kayo e.” natatawang aniya kaya ngumiwi ako.

“Parang hindi ho kasi magandang tingnan na dating magkarelasyon sila Mama at Tito Norbert tapos jojowain ko si Kio.” nag-aalangan kong sagot kaya inirapan ako nito saka umiling at tumingin sa asawa niya.

“O Norbert, ikaw naman ang magpaliwanag dito sa future in-law natin tutal kasalanan mo rin naman!” singhal nito sa asawa na tamang kain lang.

Pasimple namang natawa sila Mama pero sumeryoso rin kalaunan.

“Alam mo Xantiel, napag-usapan na namin ang bagay na ‘yan pagkatapos pa nung family dinner. Settled na ‘yan noon pa! Tanggap namin kayo ni Kio ano!”

Parang teenager lang silang mag-awa kung magsalita. Cool. Akmang kukuha pa ulit ng brownies si Tito Norbert nang tampalin ni Tita ang kamay niya kaya sumimangot ito.

“Kukuha lang nga e.” mahinang bulong niya pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ng asawa niya kaya hinampas siya nito sa balikat.

Nakikita ko na sa kanila ang future namin ni Kio kung sakali man.

“Balikan mo na si Kio, anak. Kawawa naman.” sambit ni Papa saka inabutan si Tito Norbert ng brownies kaya walang nagawa ang asawa nito.

“Kapag nakapag isip-isip na po ako..” awkward kong sagot kaya umiling si Tita Neriza.

“Balikan mo na si Kio. Balikan mo na ang anak ko, like now na! Lumayas ba naman sa bahay kasi raw kontrabida kami sa relasyon niyo.” nakasimangot na saad ni Tita kaya natigilan ako saka siya takang tiningnan.

“Po?” naniniguradong tanong ko kaya huminga ito ng malalim bago nagsalita.

“Simula kasi nung nalaman niya kung bakit mo siya iniiwasan, puro tantrums na ang ginagawa sa bahay. Sinisisi niya ang Tito Norbert mo kasi bakit daw niya jinowa ang Mama mo noon. Dapat daw hindi niya iyon ginawa para masaya pa rin kayo ngayon.” litanya ni Tita saka ngumiwi.

“Parang bata lang. Daig pa si Nikki kung mag-tantrums!”

“Hindi ko alam kung saan siya tumutuloy ngayon pero ang sabi ay nagtatrabaho pa rin naman siya doon sa café ng kaibigan niya.” singit ni Tito Norbert saka isinubo ang huling brownies. Wala nang natira para sa'kin!

“Alam mo Xantiel? Ngayon lang umakto ng ganoon si Kio. Ngayon lang siya nag-tantrums tapos dahil pa sa isang babae. Growing up ay kalmadong bata lang ‘yon pero nagulat talaga ako nang mag-tantrums siya.” marahang sambit ni Tita saka tumingin sa akin.

“Balikan mo na ‘yon para bumalik na rin siya sa bahay. Ang boring na simula nung lumayas siya. Wala na akong nauutusan.” nakasimangot pang dagdag nito kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko. Siguro matatawa na lang.

“Mahal ka ng anak namin iha. Kitang-kita naman ‘yon sa inaakto niya. Kaya ano pang hinihintay mo? Balikan mo na.” pamimilit sa akin ni Tito Norbert kaya ngumiti na lang ako ng hilaw bago tumingin kela Mama na natatawa lang habang pinagmamasdan ang kalagayan ko. Wow a, parang hindi ako anak?

Nang mapansin nilang nakatitig ako sa kanila ay nagkibit-balikat sila ni Papa at nagsalita.

“Balikan mo na si Kio. Sigurado akong siya ang tamang tao para sayo ‘nak!” nang-aasar na saad ni Papa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

“Anak niyo ba talaga ako?” nakasimangot kong tanong kaya pare-pareho silang tumawa. Geh po.

Nagpaalam akong pupuntahan muna si Ate Vixen sa kwarto niya. Nang marating ko ‘yon ay kaagad akong kumatok. Pinagbuksan naman ako nito saka pinapasok kaya sumalampak agad ako sa couch dito.

“Narinig ko yung usapan niyo kanina.” biglang saad niya at umupo sa kama. “Huwag ka nang magtaka kung paano. You know, chismosa things.”

Umiling na lang ako saka sinandal ang ulo sa head rest ng couch.

“Balikan mo na yung Kio! Hindi yung nagmumukmok ka dyan.” mataray niyang sambit saka in-open ang laptop niya.

“Hindi ko nga alam kung tama bang iniwasan ko siya.”

Para akong tanga ngayon na nakatitig lang sa kawalan.

“Obvious naman na mali. Hindi ka naman manhid ‘di ba? Nasasaktan ka at nasasaktan din si Kio sa ginagawa mo.” pangbabara nito sa akin kaya bumuntong-hininga ako.

She then faced me with her serious face saka ito nagsalita.

“Kung ako sayo, babalikan ko na kaagad si Kio. Sige ka, baka maagaw pa ‘yan ng iba. Kawawa ka kapag ganoon.”


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon