Chapter 15

22 2 0
                                    

XANTIEL

Pagkatapos ng usapan namin kanina ay pumasok na kami sa room. Wala pa rito si Yvette at maging si Sir Kester.

“Grabe, ex-suitor pala ni Yvette si Sir!” hindi makapaniwalang kwento ni Kio sa akin.

“Boss Kio, ‘di naman ako na-inform na chismoso ka pala.” pang-aasar ko rito pero inirapan niya lang ako saka nagpatuloy sa pagkwento niya.

“Ano kayang nangyari? Bakit ‘di naging sila?” curious nitong tanong kaya hinampas ko siya ng notebook.

“Alam mo? Mapapahamak ka talaga niyang pagiging chismoso mo!” pagsuway ko rito kaya ngumuso naman siya.

“Curios lang naman ako! Saka in fairness, may taste si Yvette ha? Gwapo si Sir—pero syempre mas gwapo ako dun.” I rolled my eyes because of what he said. Parang babae pa siya kung magsalita no'n.

“Wow, nahiya ang aircon sa lakas ng hangin dito.” sarkastikong sambit ko saka ibinaling sa harap ang atensyon.

Ilang saglit pa ay pumasok si Yvette. Dire-diretso lang ang lakad nito papunta sa upuan niya habang seryoso ang mukha. Sakto pagkaupo niya ang pagpasok naman ni Sir Kester.

Hindi ko na lang ‘yon pinansin at naghintay na lang na magsimula ang klase. Hindi naman ako kagaya ni Kio na chismoso.

I laughed at that thought pero agad ding sumeryoso nang tumikhim si Sir Kester at hiningi ang buong atensyon namin.

“Good afternoon.” bati nito kaya binati rin namin siya pabalik.

“Before we start our discussion, I have an important announcement. Galing ‘to sa admin.” pagbibigay-alam nito kaya ayan na naman ang mga kaklase kong daig pa ang bubuyog sa pagbubulong-bulungan.

“Baka ipapatigil na ang summer class!” masayang pag-conclude ni Rio pero inilingan lang siya ng mga kaklase namin.

“Third day pa lang natin ngayon. Sino ang tangang magpapatigil ng summer classes kung nasimulan na?” masungit na tanong sa kaniya ng katabi niya.

Agad naman silang pinatahimik ni Sir saka kumuha ng isang notepad. Mukhang doon nakasulat ang sinasabi niyang announcement.

“Magkakaroon daw ng school fair next week. Three days lang naman ‘yon kaya huwag kayong mag-alala.” sambit nito saka inilipat ang page ng notepad. Nagsulat muna siya sa board bago itinuloy ang sasabihin.

“Bawat department ay required na may booth. Kahit ano raw basta mapapakinabangan. Allowed ang outsiders by that time para naman hindi kayo magsawa sa mukha ng mga schoolmate niyo.” litanya pa nito saka tiniklop ang hawak niyang notepad.

‘Yon lang?

Rinig ko naman ang pag-angal ni Rio. Disappointed na hindi ititigil ang summer class psh!

Bakit ba gustong-gusto nila ang summer? E ang boring naman! Mabubulok ka lang sa bahay niyo tapos wala pang pera kasi walang pasok!

Yung ibang kaklase naman namin ay tuwang-tuwa sa announcement ni Sir. Mamaya raw bago umuwi ay mag-plano na kami kung anong klaseng booth ang sa amin dahil kailangan nang mag-submit nila Sir sa admin.

Grabe naman, pinapa-rush!

Okay na rin ‘to. At least hindi ako mabubulok sa bahay!

***

We ended up agreeing sa suggestion ni Gino na snack house yung booth namin. Mas madali kasi ‘yon saka magkakapera pa kami!

“May natira pa naman sa class fund natin ‘di ba? ‘Yon na lang ang gamitin nating pangbili ng mga lulutuin saka gagamitin natin. If kulang, mag-aambagan na lang tayo.” litanya ni Yvette na sinang-ayunan naman ng lahat.

May silbi naman pala ang paniningil nila ng tag limang piso noon. Akala ko, ibubulsa lang e!

“So settled na tayo sa booth. Ang pagpapalanuhan naman natin ngayon is yung staffs.” 

Kasali rin daw si Sir sa staffs kaya siguradong walang mangyayaring kalokohan doon. Tamang desisyon!

“Yung may itsura naman sana ang piliin mo Yvette. Huwag naman ‘yong mga pangit. Baka langawin lang ang booth natin kung ganoon.” mataray na saad ni Mayo; bully sa lahat ng bully.

Nakakairita siya. Gusto ko talaga siyang hampasin ng upuan kaso huwag na. Baka madungisan pa ang malinis kong record sa guidance.

“Gwapo ka ba?” pangbabara sa kaniya ni Sam kaya natawa naman kami.

Wala si Sir, pinatawag kasi sila sa admin kaya malayang gumawa ng kalokohan ang mga kaklase ko ngayon.

Hindi maipinta ang mukha ni Mayo ngayon. Nanahimik na lang siya at hindi pinatulan si Sam. ‘Buti naman!

“I volunteer sa cooking staff.” saad ni Isabelle kaya tumango naman si Yvette.

Masarap magluto si Isabelle. Natikman ko na dati ang luto niya noong nagdala siya during Christmas party. Nabitin nga kami e kasi kaunti lang yung dinala niya.

“Rio, pwede ka ba sa cooking staff?” tanong ni Yvette sa lalaki pero ngumiwi ito.

“Sige basta walang sisihan kung sunog ang i-s-serve natin.”

“Ang arte mo! Ilagay mo ‘to sa waiters. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ‘yang katamaran mo.” sermon sa kaniya ni Thara.

Sinunod naman ni Yvette ang sinabi nito at agad na inilista si Rio sa servers. Walang nagawa ang lalaki kun'di sumimangot. Kawawang naman.

Nagpatuloy lang sila sa paghahanap ng mga staffs. Ang matitira raw, sila ang maghahanda ng booth.

Hindi na ako umangal nang ilagay ako sa server. Maging si Kio ay server din kagaya ko at si Kia. Dalawa na lang ang hinahanap nila para sa babae.

Trisha volunteered kaya todo irap naman si Kia. Mainit pa rin talaga ang dugo nila do'n. Kahit ako rin naman pero hindi ko lang pinapahalata. Dapat lowkey lang!

“Si Thara na lang kaya?” pagrekomenda ni Rio sa pinsan niya pero agad na kumontra si Mayo. Ayan na naman siya.

“Baka bugbugin niyan ang mga costumers natin ha?” sarkastikong sambit nito habang nakatingin kay Thara na masama ang titig sa kanya.

“E kung ikaw kaya ang bugbugin ko? Ano” panghahamon ng kaibigan namin kaya pasimple namang nag-cheer si Kia at Kio. Mga loko!

“Kung pipili ka ng server, huwag naman yung tomboy na warfreak.” panlalait ni Mayo kay Thara kaya sininghalan naman siya ng babae saka taas-kilay na tiningnan.

“Rampahan kaya kita para malaman mong hindi ako tomboy?” mataray nitong tanong saka tumingin kay Yvette.

“Payag ako na ilagay sa server para may ambag din ako. Pero sa isang kondisyon.” nakangising aniya kaya tinanong naman siya ni Yvette kung ano ‘yon.

Tumingin muna siya kay Mayo bago matamis na ngumiti.

“Go ako sa server basta si Mayo ang mascot.” nang-aasar na sambit nito kaya nagpipigil naman ng tawa ang iba naming mga kaklase.

Agad namang umangal si Mayo nang dahil do'n pero wala siyang nagawa nang sumang-ayon din ang buong klase.

“Matapos lang talaga ang fair, humanda ka sa‘kin!” pagbabanta nito pero tinawanan lang siya ni Thara saka umupo ulit.

Tiklop naman pala siya sa babae!

Ending, talagang si Mayo ang mascot. Kawawang Mayo, napagtripan na naman!


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon