Chapter 26

13 1 0
                                    

XANTIEL

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang pag-uusap namin nila Oliver at masasabi kong okay pa naman kami dahil walang bakas ni Trisha sa paligid. But still, doble-ingat pa rin para hindi magaya kay Oliver. Naaawa nga ako sa lalaki kahit na ginawan niya ako ng masama. Alam ko naman kasi na hindi niya ‘yon intensyon at napag-utusan lang siya kaya naaawa talaga ako.

“Xantiel, ikaw na muna ang bahala rito ha?” usal ni Dyreen sa harap ko kaya agad naman akong tumango. Pagkatapos no'n ay naglakad na ito paalis ng café.

Ako ulit ang nandito sa counter dahil hindi makakaasikaso si Dyreen ngayon. She needs to buy some ingredients and materials dahil malapit na kaming maubusan kagaya na lang ng straws, spoons na parang sa halo-halo ng Chowking ang itsura, at iba pang materials na kailangan namin dito sa café
Si Kio at Zach ang nasa kusina tapos si Sachi naman ang server at taga linis ng mesa. Yup, nagpalitan sila ni Kio.

Patuloy lang kami sa pag-trabaho hanggang sa nag-uwian na. Nagkayayaan silang gumala kaya wala akong nagawa kun'di ang sumama dahil nandoon din naman si Sachi.

Pumunta muna kami sa park kung saan nakapwesto yung mga street food vendors. Akala ko nga ay hindi kakain sila Kio at Zach dahil mga rich kid nga at baka hindi sanay sa mga ganitong pagkain. But, I was amazed noong sila pa ang nauna sa aming lima na bumili at may pinakamaraming binili. Nagtutulakan pa nga sila kanina para lang mauna sa kay Manong.

Nakita ko ‘yong binilhan ko ng nakaraan kaya agad akong lumapit sa kaniya at doon bumili.

“Manong, sampung fishball po.” nakangiting ani ko saka iniabot ang bayad sa kaniya.

Mukhang namukhaan niya ako kaya ngumiti rin ito pabalik saka nagsalita.

“Mag-isa ka na naman ulit?” natatawang tanong nito kaya umiling ako. Grabe naman Manong!

“Kasama ko po yung mga katrabaho ko hehehe.” kamot-batok kong tugon kaya tumango naman ito saka iniabot ang order ko.

“Natatandaan mo pa yung sinabi ko sayo noong nakaraan?” tanong ulit nito kaya ngumiti naman ako ng hilaw saka nagsalita.

“Ay Manong, pass po sa mga ganoon. Tapos na akong umasa!” natatawang sagot ko rito kaya inilingan niya ako saka nag-prito ulit.

“Maghintay ka lang nga iha. Worth it naman siguro ‘tong pag-asa mo ngayon.” pamimilit nito kaya nagkibit-balikat na lang ako saka nilingon ang mga kasama ko kung nandoon pa ba o wala na.

Si Kio ang una kong nakita na nakatitig dito sa pwesto namin ni Manong saka sila Sachi na kumakain ng isaw. Favorite ko ‘yon pero pass muna. Nagtitipid ako kaya bente-bente lang muna igagastos ko.

“Sila yung mga kasama mo?” pang-iintriga ni Manong na kanina pa rin pala nakatingin sa kela Sachi kaya tumango ako bilang tugon.

“Malay mo, isa sa mga ‘yan ang future mo.” kibit-balikat na aniya kaya umiling na lang ako saka natawa bago nagpaalam na aalis na. Mababaliw lang ako kapag nanatili pa ako doon na kasama si Manong. Sinusuportahan ba naman ang pagiging assuming ko? Delikado!

“Close kayo ni Manong?” pang-uusisa ni Kio habang kunot-noong nakatingin sa pinanggalingan ko.

“Ngiti-ngiti ka pa habang nakikipagkwentuhan ha.” dagdag pa nito saka sumubo ng siomai kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“O tapos boss? Nugagawen?” pabalang kong tanong dito kaya sinamaan niya ako ng tingin.

“Hindi ba pwedeng curious lang ako kaya kita tinanong? Ang sungit mo ha? Baka hindi ka na magka-jowa niyan.” pananakot nito kaya inirapan ko siya. As if!

“I smell something fishy..” nang-iintrigang sambit ni Sachi kaya tumingin naman ako sa kaniya.

“Siguro yung fishball ‘yon Sach.” tugon ko pero sinamaan niya ako ng tingin. Bakit ba?

“Humanap ka ng kausap mo.” mataray na usal niya saka naunang maglakad kaya naiwan kaming apat dito nila Kio. Ang galing talaga ng babaeng ‘yon.

Tumigil kami sa isang bench sa loob ng park. Doon kami naupo saka nagkwentuhan.

“Angas ng café. Akala ko hindi na ‘yon lalago e.” umiiling na saad ni Zach saka sumimsim sa samalamig na binili niya.

“Akala mo lang ‘yon.” nakangiwing kontra ni Dyreen habang kumakagat sa barbeque.

“Lalo pa ngayon na ang gaganda't gwapo ng part-timers natin sa café? Ayan, madalas tayong busy dahil madalas puno ang café mo. Dapat nga magpasalamat ka pa kela Kio.” umiiling pa na dagdag nito habang nakatingin kay Zach kaya sinimangutan siya ng lalaki.

“Sesantihin ko kaya muna kayo para makapagpahinga yung café tas hire ko lang ulit kayo kapag okay na?” parang tangang sambit ni Zach kaya binatukan na siya ni Kio. Oh, masakit ‘yon.

“E kung mag-resign na lang kami tapos hindi na babalik kaya bahala kang mag-manage ng café mo nang mag-isa?” pabalang na usal ni Kio kaya nag-peace sign naman ang kaibigan niya.

“Ang seryoso mo naman sa buhay Zaccheus. Para namang hindi ka kumain ng fishball na sinawsaw sa babaran ng sandok.” pang-aasar nito sa lalaki kaya inambahan ulit siya ng batok pero nailagan na ito ni Zach.

“Anong connect?”

“Wala ka talagang mabuting dulot sa buhay ko ano Zacharias Nyx?” masungit niya pang tanong saka padabog na tinapon ang stick ng barbeque.

“Kasalanan ‘yon nung nagtitinda ng fishball. Walang label ang sauce nila kaya nakakalito. Huli na niya sinabi na sa babaran pala ng sandok nasawsaw yung fishball ko. Kaya naman pala matabang.” nakasimangot niyang dagdag saka tumingin sa pwesto ni Manong na binilhan ko kanina.

Tanaw pa rin namin ang mga vendors kahit nandito kami sa loob ng park kasi hindi naman ganoon kalayo saka tanging cyclone wire lang ang ginawang pansamantalang bakod nitong lugar dahil inaayos pa nila.

Mukhang alam ko na kung bakit masungit siya na nakatingin kanina sa pwesto ko noong nakita niya akong bumili. May experience pala siya doon. Cool.

“Ang tagal pa bago matapos ang summer break.” nakangiwing saad ni Dyreen kaya umismid ako.

True. Matagal-tagal pa akong magtitiis na libangin at i-gas light ang sarili na masaya ang summer.

“Ibig sabihin noon, marami pang time para mag-enjoy!” nakangiting usal ni Zach saka tumingin sa amin isa-isa.

“Kaya mag-iinom tayo ngayon.”


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon