KIO
Busy ako sa paglalagay ng frosting sa donuts kanina nang bigla na lang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko kaya chineck ko agad ‘yon dahil baka importante. Nang makita ko ang text ni Yvette ay hindi na ako nag dalawang-isip na sabihin iyon kay Xantiel.
I know how much Kia means to her. Silang lahat kaya kaagad ko siyang sinamahan papuntang ospital. Kia is one of my friends after all.
Halos mahilo na ako habang nakatingin sa tatlo na kanina pa hindi mapakali habang pabalik-balik na naglalakad dito sa harapan ko malapit sa pinto ng ER. Baka ako ang susunod na ma-o-ospital dahil sa hilo e!
“Calm down guys... Let‘s just wait for the doctors.” pagpapakalma ko sa kanila kaya agad na umiling si Xantiel.
“Walang kakalma hangga't hindi nalalaman ang kalagayan ni Kia.” seryosong aniya saka tumingin sa pinto na biglang bumukas.
Agad naman kaming lumapit doon saka sunod-sunod na tinanong ang doktor na lumabas pero wala siyang sinagot ni-isa sa amin. Instead, he looked for the patient‘s relatives kaya tinuro naman namin si Thara.
“Pinsan ko ho ang pasyente Doc.” sabat ni Thara kaya tumango naman ang doktor saka nagsalita.
“Ligtas na siya. Hindi naman kritikal ang lagay ng patient. Mabuti nga at nadala niyo siya kaagad dito dahil kung hindi, maraming dugo ang mawawala sa kaniya. I‘ll discuss the other informations sa parents na lang pag bumalik sila rito. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo iha, para sila na lang ang mag-asikaso sa anak nila. Sa ngayon, ililipat na muna namin ng room ang biktima. Mauna na ako.” mahabang paliwanag nito kaya nagsitanguan naman kami.
Nagpaalam si Thara na tatawagan muna ang parents ni Kia. Nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.
Gabi na pero nandito pa rin kami sa ospital. Ilang oras din bago lumabas ang doktor sa ER kaya para kaming mga tanga na naghihintay dito sa labas kanina.
“Kumalma ka na ha? Narinig ko naman ang sinabi ni Doc.” pagpapakalma ko kay Xantiel so she nodded at nagpaalam na aalis muna. Tatawagan niya raw si Sachi, iyong roommate niya na katrabaho namin.
Umiling na lang ako saka tumingin kay Yvette na busy sa cellphone niya ngayon at may ka-chat. Pasimple akong sumilip sa phone niya pero hindi ko makita ang profile ng ka-chat niya. Wala ba siyang load?
Siguro si Sir Kester na naman ang kausap niya. Ex-suitor pa man din.
***
XANTIEL
“[Girl ano? Kumusta? Okay lang ba yung kaibigan mo?]” sunod-sunod na tanong ni Sachi nang sagutin niya ang tawag ko. I nodded kahit na hindi niya iyon makikita saka nag-'hmm'.
“Baka hindi muna ako umuwi ngayong dyan sa apartment Sach. Dito na ata muna kami magpapalipas ng gabi para bantayan si Kia...” marahang sambit ko habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa harap ko. This hospital is a very busy one.
Rinig ko ang ingay ng TV galing sa kabilang linya habang nagsasalita si Sachi. Himala, hindi siya sa laptop nanunuod ngayon.
“[Okay lang Xantiel. Kaibigan mo ‘yan ano ka ba? Saka ‘di ba ‘yan yung kasama kong magbantay sayo noong nasa infirmary ka?]” paninigurado nito kaya um-'oo' ako dahil iyon din ang sabi nila Yvette. Maliban kay Sachi at Kio, nagpaiwan din daw si Kia noon sa infirmary.
Nagpaalam na ako kay Sachi before I hang up the call at naglakad na papunta sa room ni Kia. I was about to enter nang may mapansin akong tao na nakatanaw din dito. Napansin ata niya na nakatingin ako kaya agad itong umiwas at naglakad paalis. I don‘t know if that person is a girl or boy dahil balot na balot ang itsura nito. Kahina-hinala nga e.
I shoved that thought away saka tuluyang nang pumasok sa kwarto. Nandoon sila sa sofa nakaupo habang may kausap naman sa phone ang Papa ni Kia. Ang Mama naman nito ay nandoon sa tabi niya habang nakaupo sa isang monoblock chair.
Kia is still in deep slumber. Hindi pa siya nagigising. Basta't huwag lang siyang matutulog habang-buhay, okay na ‘yon.
“Tini-trace na ngayon ang plate number ng sasakyang bumunggo kay Kia.” pag-imporma sa amin ng Tito Elroy; Kia's father.
“May pupuntang police rito mamaya. Kailangan daw nila ang statement mo Thara.” dagdag pa nito kaya tumango naman ang babae.
Nakatingin lang kami ngayon kay Kia na payapang natutulog. She looks so fragile sa kalagayan niya ngayon. Hindi niya ‘to deserve.
“Okay ka lang?” tanong sa‘kin ni Kio kaya tumawa ako ng mapakla.
“Okay lang siguro.” I answered habang nakatingin pa rin kay Kia. Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong pinaharap sa kaniya saka pinisil ang mga pisngi. Ang sakit oy!
Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon pero tinawanan lang ako nito.
“Huwag ka na kasing mag-alala. Mananagot ang dapat managot rito. Saka, palaban si Kia, hindi ‘yan mahina. Magiging okay rin ang lahat.” nakangiting aniya saka ginulo ang buhok ko.
Imbes na mainis ay tumango na lang ako. I know that nag-aalala rin siya para sa kaibigan namin. Lahat naman kami. Ang ginawa niya kanina, nakakainis iyon pero alam ko namang pinapagaan niya lang ang loob ko kaya hinayaan ko na lang.
Hindi nga nagbibiro si Tito Elroy nang sabihin niyang may pupuntang pulis dito ngayon.
Nandito sila sa harap namin nag-uusap. May kung anong sinusulat sila habang nagsasalita si Thara. Nang matapos ay pinasalamatan nila ang babae saka hinarap si Tito Elroy.
“Na-trace na po namin ang plate number ng sasakyan Sir. Pagmamay-ari po iyon ng anak ng isang business man pero lumalabas po ngayon na nawawala ito. Ang bumundol ho sa anak niyo, may posibilidad po na iyon ang nagnakaw ng sasakyan ni Mr. Guevarra.” paliwanag ng pulis kaya tumango naman si Tito.
“Nakapanayam na rin po namin si Mr. Guevarra at willing naman daw po silang makipagtulungan sa kaso.”
Yvette interrupted their conversation nang marinig ang surname ng may-ari raw ng sasakyan.
“Sinong Guevarra po?”
Tumingin naman sa kaniya ang pulis saka siya sinagot. “Si Mr. Oliver Guevarra, iyong anak ng may-ari ng GVS company.”
I was shocked nang sabihin iyon ng pulis. Si Oliver? Mas lalo lang lumakas ang kutob kong may kinalaman nga dito si Trisha.
Mapatunayan lang talaga na siya ang may gawa nito ay hindi ko talaga siya mapapatawad. Hindi ko talaga patatahimikin ang konsensya niyang gaga siya!
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Ficção AdolescenteXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...