XANTIEL
Simula nang mag-transfer si Kio sa amin ay dumami rin ang mga taong lumalapit sa akin. If I know, gusto lang nilang mapalapit kay Kio.
Akala kasi nila, close kami ni Kio. Nagpapatulong sa'kin na ireto ko raw sila. E hindi naman kami close nung tao!
Noong Friday nga, may lumapit sa'kin na babae. Taga kabilang department. Ang sabi, ireto ko raw siya kay Kio. Handa raw siyang gawin ang lahat basta ilakad ko siya sa lalaki. Grabe.
Simula rin ng araw na 'yon ay kinukulit na ako nung dalawang kaibigan ni Yvette. Kahit si Yvette rin!
Ngayon, magkakasama kaming apat dito sa cafeteria. Hinila ako nung tatlo.
Ang balak ko lang talaga ay magbabasa ng Webtoon series sa room e kaso wala, nahila ako. Vacant kasi namin ngayon kaya sinusulit na. Minsan lang 'to mangyari e.
"Order na kayo ng snacks! Libre ko." nakangiting saad ni Kia kaya inirapan siya ni Thara.
"Tinatamad ka lang na mag-order kaya ka manlilibre. Kami ang papipilahin mo para sa pagkain mo!" mataray na sambit ni Thara kaya nag-cross arms naman si Kia.
"Ako naman ang magbabayad eh! Kaya nga libre!" reklamo nito kaya pumagitna na si Yvette.
"Ang gulo niyo. Ako na lang nga ang mag-o-order." nauubusan ng pasensyang saad nito.
Inilahad niya naman ang kamay kay Kia. "Akin na pera."
Kumuha si Kia ng isang libo saka ibinigay kay Yvette. Hinila niya si Thara saka naglakad papunta sa counter.
"Ang gulo talaga ng babaeng 'yon!" nakasimangot na reklamo ni Kia. She's pertaining to Thara obviously.
Nakapila ang dalawa ngayon doon sa counter. May mangilan-ngilang estudyante rin naman dito ngayon. Vacant din nila siguro.
"Magpinsan kayo, hindi ba?" paninigurado ko rito kaya tumango siya.
Nalaman ko 'yon nung nagpa-parents meeting. Pinsan din nilang dalawa si Rio.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa bumalik sila Yvette dala ang pagkain. Sabay nilang inilapag ang dalawang tray sa mesa saka umupo.
"Hindi namin alam kung anong gusto niyo kaya 'yan na lang." paliwanag ni Yvette na sinang-ayunan ni Thara.
Nagsimula na naman ang chismisan nilang tatlo. Iniisa-isa nila ang mga tao sa room. Hindi naman nga kasi nila bina-backstab. Dini-describe lang daw.
Napailing na lang ako sa naisip kong 'yon bago kumuha ng isang brownies. Masarap ang brownies nila rito kaso minsan, tinipid naman.
"Saka alam mo, si Rio, naiinis din ako minsan sa pinsan nating 'yon." pag-amin ni Kia.
"Para siyang tangang kahahabol dun sa Trisha na 'yon. Hindi naman kagandahan! Saka obvious namang pinaglalaruan lang siya nung bruha!" gigil nitong dugtong bago kumagat sa cookies na hawak niya.
Bumaling naman sila sa'kin ng tingin.
"'Di ba kaibigan mo si Trisha, Xantiel?" tanong sa'kin ni Yvette kaya nag-aalangan naman akong tumango.
"Desisyon mo na kung sasabihin mo ba o hindi ang mga narinig mo mula sa'min. Totoo naman lahat ng 'yon e." mataray na saad ni Thara kaya tumawa ako ng mahina.
"Wala naman akong balak na sabihin sa kahit kanino ang mga pinag-uusapan niyo ngayon. Sa atin lang 'to." I assured them kaya nagkibit-balikat sila.
Hinayaan ko na lang sila at bumalik na sa pagkain.
Hindi ko naman talaga gaanong close si Trisha. Kamakailan lang niya ako in-approach. Noong lumipat lang si Kio. She seems nice naman. Isa siya sa mga tahimik lang na kaklase namin. Maganda siya, inosente ang mukha.
"Mukha naman siyang mabait." biglang saad ko kaya agad naman nila akong tiningnan.
"Sino?" tanong ni Kia.
"Si Trisha." walang pag-aalinlangan kong sagot kaya hindi napigilang tumawa ni Thara. Si Kia naman ay pinipigilan ang tawa niya habang si Yvette ay napangiwi.
"Nasa loob ang kulo no'n!" tumatawang saad ni Thara na tinanguan naman ni Kia.
"True! Mukha lang ang inosente sa kaniya pero yung ugali, 'di na lang ako mag-t-talk." umiiling na saad ni Kia.
Nagpangalumbaba naman si Yvette habang nakatingin sa'kin. " "Ako'y tahimik lang sa umpisa" ang motto nun kaya mag-ingat ka. She's a two-faced bitch, Xantiel."
Napangiwi na lang ako ng dahil sa mga sinabi nila. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko ngayon. Mukha kasi talaga siyang mabait!
Pero sabi nga nila, "Looks can be deceiving." kaya mag-i-ingat na lang ako sa mga galaw ko. It's better to be safe than sorry.
"Alam kong mahirap paniwalaan Xantiel pero huwag kang magpapauto sa babaeng 'yon. Hindi naman kami nagkulang sa pagpapaalala sa'yo." payo sa'kin ni Yvette kaya tumango na lang ako.
Bahala na si batman!
Nagkwentuhan na lang kaming apat tungkol sa kung anu-ano. Hindi naman pala talaga sila mahirap pakisamahan. Akala ko nung una, ma-o-OP ako kapag kasama ko sila pero akala ko lang pala 'yon.
Napag-usapan namin ang tungkol dun sa perfume hanggang sa dumako ang usapan kay Kio. Crush pala siya ni Thara!
"Ikaw ha, kaya naman pala ayaw mo kay Liam." panunukso ng pinsan niya kaya kinurot siya nito.
"Manahimik ka nga! Baka may makarinig." pagsuway nito pero patuloy lang sa pang-aasar si Kia.
Si Liam, if I'm not mistaken ay member ng basketball team dito sa university. Sikat din ang isang 'yon dahil bukod sa magaling mag-basketball, pogi rin.
"Eh ikaw Xantiel? Wala ka bang gusto kay Kio?" biglang tanong nila kaya agad naman akong umiling.
"What are you even thinking?" gulat kong tanong dito kaya umiling naman sila.
Inubos muna ni Kia ang kinakain niya bago nagsalita. "Wala naman. Kasi noong first day dito ni Kio ay sayo agad lumapit."
Napaisip ako ng dahil doon. Yung sa cafeteria ba?
"Naki-share lang siya ng mesa no'n kasi puno na sa cafeteria." paliwanag ko kaya napatango naman sila.
"Sure ka? Hindi mo gusto si Kio?" tanong ulit ni Thara kaya tumawa ako.
"Wala akong balak mag-boyfriend, Thara. Saka, kay Kio na mismo nanggaling hindi ba? Wala siyang interes sa mga babae."
Napasimangot naman siya ng dahil doon. "Oo nga pala! Wala siyang interes sa mga babae." Tinawanan tuloy siya ng pinsan niya ng dahil doon.
"Kawawa ka naman. Kay Liam ka na lang kasi! Willing to wait naman daw siya 'di ba?"
"Wala siyang interes sa babae? What if sa lalaki?" out of the blue na sabi ni Yvette kaya taka naman namin siyang tiningnan.
"Nakakatakot ka Yvette. Bigla ka na lang nagsasalita." nakangiwing ani Kia kaya inirapan siya nito.
"Anong ibig mong sabihin Yvette?" naguguluhang tanong ni Thara habang ako naman ay nakangiwi.
"Straight si Kio, Yvette. Huwag kayong mag-overthink." paninigurado ko kaya nagkibit-balikat na lang sila.
Napagkamalan pa tuloy siyang bakla. Kawawang Kio.
-
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...