XANTIEL
Pagkatapos ng insedente kaninang umaga ay si Kio na lang ang ginawang server habang ako pa rin ang nasa counter with Dyreen. Nilipat muna si Sachi sa kusina kaya kasama niya doon si Zach.
“Tapang mo raw kanina. Pa-seminar po.” biro sa akin ni Dyreen kaya umismid ako.
“Dapat lang ‘yon sa kaniya. Pangit na nga ng mukha tapos pangit pa ng ugali.” nakangiwing tugon ko kaya tumawa ito.
Alas tres na ngayon, malapit na kaming magsara. Early out daw kaming lahat ngayon. If I know, gusto lang nilang matulog dahil nag-inuman na naman sila kagabi. Mga loko talaga.
Tumingin ako sa labas ng café nang may tumigil na sasakyan doon. I can clearly see it from her dahil sa glass wall. May isang pamilyar na babae ang bumaba saka naglakad papasok dito.
I tilted my head nang mamukhaan ko ito. What is she doing here?
“Tita Mommy?” I curiously asked kaya ngumiti naman ito saka ibinaba ang suot niyang shades. Wala pa ring pinagbago. She‘s still the sophisticated and elegant lady that I know.
“Kilala mo?” tanong sa akin ni Dyreen so I nodded.
“Tita ko. Kapatid ni Papa.” Siya ang mommy ni Ate Vixen.
“Hi baby. I missed you.” nakangiting aniya saka pilit na nakipagbeso sa akin kahit nandito ako sa loob ng counter.
I awkwardly smiled at her saka ito tinanong. “What brings you here po Tita Mommy?”
Magalang dapat ako ngayon. Act fool muna. Kunyare walang ginawa kanina. Baka madali ako tapos masumbong kela Mama, baka bawasan ang allowance ko.
“Nag-t-trabaho ka pala here baby? Why didn't you tell me? Kung kulang yung allowance mo, pwede mo naman akong tawagan ‘di ba?” tanong nito kaya umiling ako. Heto na naman siya sa pang-i-spoil sa akin.
“Summer job lang po para hindi mabulok sa apartment. Boring dun e.” tugon ko kaya tumango naman siya.
“Okay ka lang ba rito? Baka your uncomfortable here ha. Baka inaaway ka rito. Just tell me.” sunod-sunod na aniya kaya mabilis naman akong umiling saka nagpaliwanag.
“Ay hindi po! Alam naman nila Mama na nag-t-trabaho ako rito. Friend ko po yung owner nito. He‘s very nice po sa amin. Magkakaibigan po kaming lahat dito.”
Pinaalis ako ni Dyreen at pinaasikaso muna sa akin si Tita Mommy. I guided her papunta sa bakanteng mesa saka ito pinaupo.
We talked about the reunion. Susunduin nga pala niya ako ngayon. Inagahan niya raw talaga ang punta rito kasi she wants to try our foods.
“Huwag ka nang umuwi sa apartment niyo to pack your stuffs. May gamit ka na for our reunion. Si Ate Vixen mo ang nag-pack noon.” pag-imporma nito kaya tinanguan ko ito bago nagpaalam na aasikasuhin muna ang order niya. After ng shift ko ay didiretso na raw kami sa kanila. Hihintayin niya na lang daw ako na matapos.
Nang makabalik ako sa counter ay manghang mukha ni Dyreen ang sumalubong sa akin.
“Grabe naman Xantiel, ‘di ka nagsasabi, galing ka pala sa Korean family.” gulat nitong ani kaya umiling ako.
“Ay ‘te, pure Filipino ako. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ako kagaya nila. Ampon yata ako e!” nakangiwing tugon ko rito saka sabay kaming natawa at inasikaso ang order ni Tita.
Out of the blue ay biglang pumasok sa isip ko si Kio. Hindi ko maiwasang hindi isipin siya ngayon. Nagtataka ako sa ikinikilos niya ngayong araw. Napaka-weird.
Kaninang lunch time, nung kinuwento namin ang nangyari ay bigla naman siyang nagalit. Hahanapin niya raw yung babae. Gosh! Sa ginagawa niyang ‘yon ay mas lalo lang akong nagiging delulu. Alam na alam kung paano ako kukunin ha!
Napailing na lang ako saka inalala ang nangyari kaninang lunch time.
“Ang tapang ni Xantiel kanina!” pagpuri sa akin ni Zach habang umiinom ng soda.
Lunchtime na ngayon at sabay-sabay kaming kakain as usual.
“Anong nangyari sa labas kanina?” takang tanong ni Kio so Zach shrugged saka ako itinuro.
“Ayan si Xantiel ang tanungin mo.”
Nagkibit-balikat din ako nang tumingin ito sa akin.
“May walang galang na costumer kanina. Nag-bonding lang kami.” mapaklang tugon ko dahil naiinis pa rin ako sa babaeng ‘yon.
The costumer is always right daw luh! Ginamit pa yung sikat na quote para lang sa kalokohan niya.
“Ang astig palang makipag-bonding sayo. Nangtutusta!” natatawang singit ni Zach kaya umiling ako. Normal lang ‘yon sa akin.
“I-b-blender ba naman daw yung babae kanina!” hindi makapaniwalang gatong pa ni Sachi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siya na nga tinulungan e!
“Mali ang ginawa nung costumer. Hanapin natin? Turuan ng lesson?” suhestiyon ni Kio kaya mabilis akong umiling. Okay na ‘yong ginawa ko kanina.
“Sure ka?” paninigurado nito kaya I gave him a thumbs up.
Walang dapat ipag-alala dahil kontrolado naman ang sitwasyon. Hindi naman na nanggulo e kaya okay na.
“Huy ‘te!”
I snapped out of my thoughts nang tawagin ako ni Dyreen. Agad naman akong tumingin sa kaniya saka ito tinanong. “Huh? Bakit?”
Nginuso niya naman ang pwesto ni Tita saka tumingin sa tray na nasa harap ko na pala. “I-serve mo ‘yan sa Tita mo! Be a nice niece naman ‘te!”
Ngumiwi ako nang dahil doon. Ready na pala ang order ni Tita, hindi ko man lang namalayan.
Naku Xantiel, nananaginip ka na naman ng gising!
Sinerve ko ang order ni Tita saka bumalik na sa trabaho. As usual, kuha ng order, bigay kela Sachi, at i-serve. Ganoon lang ang ginawa namin hanggang sa magsara kami.
Sabay-sabay kaming lima na lumabas ng café. Si Tita, kanina pa siya lumabas pagkatapos niyang maubos ang order niya. Doon na lang daw siya sa sasakyan maghihintay.
“So kita-kits bukas?” tanong ni Zach saka ikinandado ang café.
Umiling naman ako dahil doon saka kami nagsimulang maglakad. “Absent ako bukas. Family reunion namin e. Babalik ako right after the reunion.” pagbibigay-alam ko sa kanila kaya tumango si Zach.
Okay lang naman daw kasi sigurado siyang kaunti lang ang costumer bukas. Panigurado kasing ubos na raw ang sweldo ng mga tao kaya tamang hintay na naman kung kailan ang sahuran. Loko talaga!
Bago kami maghiwa-hiwalay ay hinila ako ni Kio sa gilid ng sidewalk ng parking lot kung saan may fairy lights. Gusto niya raw akong makausap kaya sumenyas ako kay Tita Mommy na ‘wait lang’.
“Xantiel..” pagtawag nito sa pangalan ko so I curiously looked at him. Ano na naman ang trip niya ngayon? “Alam kong nagmamadali ka na kaya sasabihin ko na kaagad ‘to.” dagdag pa nito.
I tilted my head dahil naguguluhan na taga ako sa kaniya. Kaninang lunch pa siya ha!
“I like you... Gustong-gusto kita.”
“Xantiel Alcazar na anak ni Xandra at Leo... Can I be your boyfriend? No rush. I‘ll court you first of course..”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...