XANTIEL
It‘s good to be back sa café na ang tanging problema lang ay ang mga masusungit na costumer.
Dalawang araw din kaming nasa ospital habang binabantayan si Kia. Tuwang-tuwa nga kami nung nagising na siya. Magagalit pa sana siya kela Thara kasi bakit daw pinapunta pa kami ni Kio pero in-explain ko naman ng maayos kaya kumalma siya.
Okay naman na siya noong umalis kami sa ospital kaya hindi na ako masiyadong nag-aalala. Hindi pa rin na-r-recover ang sasakyan ni Oliver hanggang ngayon. Kaya pala nakikisakay lang siya kay Liam; iyong manliligaw ni Thara. Magpinsan naman pala sila e kaya walang problema.
“Xantiel, pakilagay naman nito dyan.” utos ni Zach kaya sinunod ko ito. Wala pa namang gaanong costumer ngayon dahil maaga pa.
Inilagay ko ang mga straws sa lalagyan. Pagkatapos noon ay in-arrange ko ang flowers na nasa case rito sa counter. Freshly picked ang mga iyon. Hindi ko nga lang alam kung saan galing. Halata namang hindi ito galing sa tabi-tabi lang dahil mukhang pang mayaman ang mga bulaklak na ‘to.
Nang mag alas-otso na ay may mangilan-ngilang costumer na ang dumating kaya naging busy na kami. Kahit summer talaga, mabenta ang café na ‘to.
“Isang milkshake. Pakibilisan lang dahil hindi ko gustong pinaghihintay ako.”
I was stunned by the way she talks dahil ang bossy pero tumango na lang ako saka sinunod ito. Tinanaw ko ito hanggang sa makaupo siya. Hah! Mukha namang pato kung maglakad tapos ang taray! Ang sarap hambalusin ng tray. Akala mo kung sino.
Sinimulan ko nang gawin ang order nitong milkshake. I made sure na magugustuhan niya ito. Kahit naman mataray iyon ay costumer pa rin naman namin siya kaya we need to satisfy her. Nang matapos ko ang order nung babaeng mataray ay tinawag ko si Sachi para ibigay ‘yon. Ayaw kong papuntahin ulit yung babae rito sa counter dahil baka maihambalos ko talaga ang tray sa kaniya. Baka tarayan ako.
“Sach, pakibigay nga ‘to dun sa babaeng nakatalikod dito sa gawi natin.” pakikisuyo ko rito. Bago siya umalis ay sinabi kong mataray ang costumer pero tinawanan niya lang ako saka umalis na.
Napatingin naman ako sa cellphone ko nang may tumawag doon. Si Mama. Agad ko naman itong sinagot.
“Hi Ma..” pagbati ko rito habang nag-aayos dito sa counter.
“[Nasa café ka ba ngayon? Susunduin ka dyan mamaya ng Tita mo. May reunion kasi bukas.]” pag-imporma nito kaya matamlay akong tumango kahit hindi niya nakikita.
Reunion na naman. Ayaw kong makita ang mga plastik kong kamag-anak na mga mukhang pera.
I hung up the phone pagkatapos sabihin ni Mama ang mga detalye. Bumalik na ako sa trabaho nang makarinig ako ng sigawan kaya agad akong tumingin kela Sachi. Hala! Sabi namang mataray e!
Agad ko silang nilapitan and I was shocked nang makita ko ang lagay ni Sachi. There were milkshake all over her habang nanlilisik ang mata niya doon sa babaeng costumer. Even the costumer ay masama rin ang tingin. Pinagtitinginan na sila rito ng ibang costumer kaya inawat ko na sila.
“What happened?” tanong ni Zach na kararating lang galing sa kusina.
“Naabutan ko na lang ganiyan ang sitwasyon nila.” sumbong ko rito saka tumingin sa dalawa. “Anong nangyari sa inyo?”
Yung babaeng mataray ang sumagot at dinuro pa si Sachi. “Masiyado kasing nagmamagaling ang waiter niyo!” galit nitong anas kaya I turned to Sachi na nagpupunas ng milkshake. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya tumigil muna siya sa ginagawa niya.
“Ang sabi niya kasi, with dessert raw ang in-order niya saka chocolate raw ang milkshake. E sa drinks lang ang binigay ni Xantiel? Ibig sabihin no'n, iyon lang ang binili niya tapos ini-insist niya pa na mali raw tayo. Biglang nagwala noong nag-e-explain ako saka sinaboy sa akin ang order niya.” mahabang paliwanag nito saka masamang tinitigan ang costumer.
“The costumer is always right! Waitress ka lang dito. How dare you?” galit na sumbat ng babae saka tumingin sa akin. “Where is your manager? I want to talk to your manager!” Mamamo manager.
Tinaasan ko ito ng kilay saka tumingin sa katabi ko. “Nandito po oh.” pagturo ko kay Zach na kunot-noong nakatingin sa dalawa.
Sarkastikong tumawa naman ang babae saka tumingin kay Zach. “Kaya pala bulok ang sistema ng café na ‘to kasi bata ang may-ari. Walang alam sa business.”
Aba gaga ‘to ah?
Zach looks offended pero hindi ito nagsalita kaya napasinghal na lang ako.
“Mawalang galang na po pero kung ayaw niyo sa café namin, then feel free to leave. Hindi ‘yong manggugulo ka pa. Huwag niyo rin po akong lokohin dahil ako ang kumuha ng order niyo kanina. Ang sabi mo ay milkshake lang. Wala kang sinabi kung anong klase at wala ka rin namang sinabi na with dessert dahil bigla mo lang akong tinarayan at tinalikuran.” inis kong sabat sa usapan nila kaya sa akin naman napunta ang tingin niya. She was about to speak nang pigilan ko siya.
“I-blender po kaya kita?” sarkastikong ani ko rito kaya masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
“How dare you?” galit niyang tanong kaya ngumiwi ako.
“Dare me.” mapanghamon kong tugon habang seryosong nakatitig sa kaniya.
Marami nang nakatingin sa amin ngayon at ang iba naman ay nag-v-video pa. Pasensya na Zach, kailangang maturuan ng leksyon nito.
Walang nagawa yung mataray na costumer kun'di umalis pero bago ‘yon ay siningil ko muna siya. Hindi man lang siya nag-sorry sa perwisyong ginawa niya tapos parang labag pa sa loob ang pagbayad niya. Isaksak ko sa lalamunan niya yung sticky note kung nasaan ang order niya e! Lakas ng loob manggulo, mukha namang pato!
We apologized to the other costumers dahil sa nangyari bago bumalik sa trabaho. Marami na palang nakapila rito sa counter. Mabuti na lang at nandito si Kio. Savior talaga!
“Salamat.” sambit ko rito kaya nginitian niya ako saka tumango.
“Palaban ka pala Miss sungit ha.” natatawang aniya kaya umirap ako. Ang ayaw ko sa lahat ay yung mga laitera pero kalait-lait din naman ang itsura.
“Ang galing niyo dun kanina Miss! Binara mo si Kim.” manghang saad nitong costumer na nasa harap namin. Siya ang last na o-order.
I smiled awkwardly at her saka tinanong ang order niya. Nang makuha ko iyon ay hindi muna siya umalis at nakipagkwentuhan pa habang ginagawa ni Kio ang order niya.
“Kilala mo yung babae kanina?” I asked her kaya tumango siya.
“Schoolmate ko siya. Mataray iyon. Feeling reyna. Self-centered pa tapos manipulative.” panglalait nito kaya pinipigilan ko ang matawa. I like her vibe.
Nang matapos ni Kio ang order niya ay iniabot ko na ito sa kaniya. She thanked us for that saka pumunta na sa table niya.
Gosh! Grabeng araw naman ‘to. Nakaka-stress.
—
TBC
![](https://img.wattpad.com/cover/347267000-288-k975216.jpg)
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Fiksi RemajaXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...