XANTIEL
“Xantiel, sama ka bukas..” pag-aaya ni Trisha. “Mag-h-hangout daw ang section natin.” dagdag pa nito kaya taka ko siyang tiningnan.
“Wala namang nakapagsabi sa‘kin na may hangout pala bukas. Sino ang nagsabi niyan sa inyo?” takang tanong ni Yvette kaya itinuro niya naman si Gino; ang vice president namin.
Mabilis namang umiling ang lalaki.
“Hindi pa ‘yon final Trisha! Suggestion pa lang ‘yon ng mga kaklase natin!” todo tangging saad nito kaya taas-kilay silang tiningnan ni Yvette.
“Are you making some decisions behind my back?” prangkang tanong nito kaya todo iling si Gino.
“Hindi ko magagawa ‘yon Yvette! Alam mo namang hindi ko ginusto ang posisyon na ‘to! Ikaw pa rin naman ang sinusunod namin..” aligagang tugon ni Gino.
“Saka, promise. Hindi ko plano iyong pag-hang out. Sila Trisha ang may gusto no'n para raw makapag-unwind naman tayo.” dagdag pa nito kaya napahilot na lang si Yvette sa kaniyang sintido.
Kahit ako rin naman ay ganoon ang gagawin kung sakali. Ang gulo kasi nila!
Pansin ko naman ang pag-make face nila Thara sa kabilang bahagi nitong room. Lumapit sila sa puwesto namin nila Yvette nang mapansin nilang nakatingin ako.
“Pahamak talaga ang babaeng ‘yan!” inis na saad Thara nang makalapit sila.
Sumang-ayon naman sa kaniya si Kia. “Si Gino na nananahimik, nadamay pa tuloy.”
Ako ang nahihiya sa ginagawa nila ngayon. Baka nakakalimutan nilang nasa likod ko lang si Kio nakaupo! Rinig na rinig niya ang pag-r-rant nila.
Minsan, hindi rin maganda na vacant. Nagkakagulo e.
“Ang taas ng dugo niyo kay Trisha..” biglang saad ni Kio kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya. “Napansin ko lang noong nasa Science Lab pa tayo.” pag-amin nito kaya umirap ‘yong dalawa.
“Deserve niya naman ‘yon Kio.” walang ganang tugon ni Thara.
Pasalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa habang si Kia ay nakamasid lang
“Insecure?” tanong ng lalaki. Magsasalita na sana si Thara nang may sumingit sa usapan namin.
“Alam mo pinsan, tama si Kio. Insecure ka lang talaga kay Trisha. Kayong dalawa ni Kia! Aminin mo na kasi.” saad ni Rio habang nagtataas-baba pa ang kilay.
Nag-middle finger sign naman si Thara kaya napatampal ako sa noo ko. Kababaeng tao jusko!
Naging malapit kami sa isa‘t isa dahil do'n sa perfume project. Simula no'n, puro bardagulan na ang ganap sa‘ming magkakagrupo saka isama mo na rin sila Thara at ang iba pa naming kaklase.
“Ba't naman ako ma-e-insecure sa kaniya?” mataray na tanong ng babae kaya umayos ng upo si Rio.
“Maganda siya. Matalino saka... may kurba ang katawan. Dream ng bawat lalaki!” pag-d-describe nito saka tumingin kay Kio. “ ‘Di ba Kio? Pangarap ng mga lalaki ‘yong gano'n?”
Marahan namang umiling ang lalaki bilang tugon.
“That‘s not true. Not at all.” matatag na sagot nito.
Nang dahil sa sagot ni Kio ay tinawanan nila Thara at Kia ang pinsan nila.
“Alam mo Rio? Ang exaggerated naman ng pagka-describe mo kay Trisha! You even sounded like a manyak!” pang-aasar ni Kia sa pinsan niya. “Kahit anong gawin mo, hindi ka no'n magugustuhan!” dagdag pa nito na ikinasimangot ni Rio.
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Fiksi RemajaXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...