Chapter 27

12 1 0
                                    

XANTIEL

Sabog. Ganiyan ko mailalarawan sila Zach, Kio, at Sachi. Kami lang ata ni Dyreen ang mga nasa matinong kalagayan ngayon e. Ayan kasi, inom pa. Lalakas ng loob kagabi, hindi pa nakuntento sa dalawang GSM kaya bumili pa ng tatlong soju. Mga weak pala sila e!

May umiyak pa kagabi. Ang sarap ngang videohan kaso masiyado pa akong mabait kagabi kaya hindi ko na ginawa.

“Miss? Nasa'n yung cashier dito? Iyong pogi na lalaki?” nagtatakang tanong nitong babae sa harap ko kaya ngumiti naman ako bago sumagot.

“Ah, pasensya na po pero ako yung naka-duty rito ngayon.”

Tinaasan naman ako nito ng kilay nang marinig niya ang sagot ko. Wow, sungit si Ate.

“Oh, sige. Saka na lang ako bibili kung siya na ulit ang cashier.” mataray nitong tugon saka tumalikod na. Ngi!

Nagulat naman ako nang biglang may bumubulong na sa likod ko. Si Dyreen pala. Parang kabute lang na biglang sumusulpot.

“Edi huwag na siyang bumili.” nakasimangot na saad nito kaya tinawanan ko na lang siya saka bumalik na sa trabaho.

Hindi talaga maitatanggi na malaki ang ambag ng mukha ni Kio rito sa café ng kaibigan niya. Iyong babae kanina ang patunay. Tinarayan pa ako ha!

Patuloy lang ako sa pagkuha ng orders ng mga costumer na dumadating nang biglang lumabas si Kio galing sa kusina at mukhang nagmamadali kaya taka ko siyang tiningnan nang dahil doon.

Huminga muna ito ng malalim at pinapakalma ang sarili bago nagsalita.

“Hindi raw tuloy ang outing mamaya..” panimula nito kaya tumango ako. ‘Yon lang ba? Bakit naman siya nagmamadali?

“Hindi tuloy dahil nasa ospital si Kia... She was hit by a car daw tapos iniwan lang. Hit and run. Nasa ospital sila Yvette ngayon para puntahan si Kia.” kinakabahang dagdag pa nito kaya agad na nanlaki ang mata ko. ANO?

“WHAT? Jinojoke time mo ata ako Kio e. Baka hangover lang ‘yan.” hindi ko makapaniwalang usal sa kaniya. “Ka-chat ko pa lang nga si Kia kaninang umaga...”

I was hoping na sasabihin niyang prank lang ‘yon pero seconds passed at wala pa rin kaya kinabahan na ako.

“Seryoso ka ba talaga?” tanong ko rito na tinanguan niya naman sabay pakita ng message ni Yvette kaya hindi na ako nag-sayang pa ng oras at agad ko na siyang hinila palabas at iniwan si Dyreen doon sa counter. I even heard her shouting my name pero binaliwala ko iyon.

Siya na muna ang bahala do'n. Mas importante si Kia ngayon. Kaya na nila ang café ng wala kami ni Kio.

Dali-dali niyang binuksan ang kotse niya at nang makapasok kami ay kaagad niya itong pinaharurot papunta sa ospital. Medyo traffic pa kaya natagalan kami bago makarating doon.

“Where is the emergency room?” agarang tanong ko sa isang nurse na nakasalubong namin nang makapasok kami sa ospital na sinabi ni Yvette.

Tinuro naman nito kung nasaan kaya pinasalamatan ko siya saka kami tumakbo ni Kio papunta doon. Sinalubong kami nila Yvette at Thara kasama ang parents ni Kia na halatang galing sa pag-iyak dahil namamaga na ang mga mata kagaya nila Thara.

“A-Anong nangyari?” nag-aalala kong tanong sa kanila habang hinihingal pa dahil kagagaling lang sa pagtakbo.

Nakayuko lamang si Thara habang si Yvette naman ay inaayos ang pagkatali ng buhok niya na nagulo siguro kanina nung umiiyak sila.

“Pauwi na sana kami nila Kia kanina galing sa mall. Tatawid kami noon and nasa pedestrian naman kami. Naka-signal naman ang traffic light na puwedeng tumawid and the other vehicles stopped din kaya we went on pero hindi pa man kami nakakarating sa dulo, yung sasakyang nasa gilid namin ay biglang humarurot tapos nabundol si Kia at hindi man lang tumigil. Hindi pa nga nag-g-green ang traffic light e kaya bawal pa dapat silang umandar.” mahabang paliwanag ni Thara saka tumingin sa amin ni Kio.

“Sorry... Hindi talaga sana namin ipapaalam sa inyo kasi iyon ang hiling ni Kia... Ayaw niya raw na maistorbo kayo kasi may trabaho nga.” nag-aalangang usal ni Yvette kaya kunot-noo ko silang tiningnan.

“Hayaan niyo na yung trabaho ko. Kaya naman no'n maghintay. Mas importante ang buhay ni Kia.” pagsisiguro ko sa kanila saka umupo sa tabi ni Thara. Nanatiling nakatayo lang si Kio habang may kausap sa cellphone. Siguro sila Zach iyon.

Bahala na muna siyang magpaliwanag sa kaibigan niya. Saka na lang ako babawi dahil mas importante talaga ang buhay ni Kia. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng kaibigan tapos manganganib pa ang isa? Bawal!

“Thara iha, ikaw muna ang sumalubong sa mga doktor mamaya. May aasikasuhin lang kami ng Tito mo.” pagpapaalam ng nanay ni Kia na tinanguan naman nitong katabi ko.

Halatang galing ito sa pag-iyak kasi mugto ang mga mata niya. Yung tatay naman ni Kia ay seryoso ang mukha pero mahahalata mo pa rin ang labis na pag-aalala at galit. Medyo nakakatakot pero okay lang dahil valid naman ang nararamdaman nila.

I looked at Yvette na nakatingin ngayon sa kawalan. Mukhang napansin naman ako nito kaya tumingin ito sa akin saka bumuntong-hininga.

“Sa susunod na lang tayo mag-outing...” malungkot na aniya so I nodded.

“Stop thinking about the outing Yvette. Si Kia muna ngayon.” tugon ko rito saka tumingin sa pinto ng ER.

“Nakita niyo ba ang plate number ng sasakyan?” tanong ko sa kanila kaya dahan-dahan naman silang umiling.

“Masiyadong mabilis ang pangyayari.. basta ang natandaan ko lang ay kulay itim ‘yon at.. at parang ang weird ng driver. Nakasuot pa kasi ng cap at naka-mask. Hindi tinted ang salamin kaya kita ko sa labas kahit papaano.” mahabang sagot ni Yvette kaya napaisip naman ako.

Sinong tanga ang sasakay sa kotse tapos naka-sumbrero pa at mask? Unless he or she is an artist. Pero karamihan sa mga artista ay may driver o hindi kaya'y tinted ang mga sasakyan.

I looked at Kio nang tumayo ito sa harap ko saka nagsalita. “Hey, I already told Zach kung anong nangyari kaya bigla tayong nawala. Okay lang naman daw dahil hindi naman ganoon karami ang costumer ngayon. Kaya na nilang i-manage nang wala tayo.” tinanguan ko lang ang litanya niya saka inilabas ang cellphone.

Nagtaka pa nga ako ng may makitang message doon. Galing iyon sa isang unregistered number sa phone ko.

I opened it due to curiosity and I was startled nang mabasa ko ito.

‘Nagustuhan mo ba ang surprise ko? Kulang pa ‘yan. Suggest ka nga kung sino ang isusunod ko.’

Who on earth is this? Threat ba ‘to?

Agad namang pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin nila Oliver noong nakaraan. Is it possible?

Posible kayang si Trisha ang may gawa nito?


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon