Chapter 16

15 2 0
                                    

XANTIEL

“Isang large fries nga with extra cheese.”

Nginitian ko ang costumer namin saka nagpaalam nang makuha ko ang lahat ng order niya.

“Large fries with extra cheese sa table number 7, dalawang burger with drinks sa table 3, at barbeque raw sampung piraso sa table 5.” pagbibigay-alam ko sa kanila saka idinikit sa maliit na board ang mga sticky note kung saan nakasulat ang mga order.  Baka kasi makalimutan nila.

“Hindi ko naman inaasahan na magiging ganito pala ka-busy sa booth natin!” manghang sabi ni Sir Kester na kararating lang.

“Syempre Sir, ang gaganda ba naman ng servers niyo rito kaya dadayuhin talaga.” singit ng isa naming costumer kaya nginitian ito ni Sir saka lumapit sa amin.

“Okay lang ba kayo?” pangungumusta nito kaya nagsitanguan naman kami. “Pahinga muna kayo after ma-servan lahat ng nandito.” dagdag pa nito bago nagpaalam na aalis na.

Ang kalahati ng kikitain namin dito, mapupunta sa school. Dagdag daw sa pagpapaayos ng bubong ng gym kasi butas-butas na ang ibang parte no'n. Okay lang naman sa amin basta may share kami.

“Sarap hampasin no'ng mag-jowa dun sa may bench!” reklamo ni Mayo saka tinanggal ang suot niyang parang test tube.

‘Yon ang pinasuot sa kaniya para raw alam ng mga tao kung saang department galing. Since chemistry department naman kami, test tube na lang daw. Kawawang Mayo, grabe ang kahihiyan.

“Naka ilang costumer na ba tayo buong maghapon?” tanong ni Yvette na kararating lang kasama si Sam at dala-dala ang isa pang foldable table.

Bale sampu na ang mesa para sa costumers. Kaninang umaga kasi, nagkulang kami sa table.

Karamihan sa pumupunta rito sa booth namin ay mga babae. Hula ko nga ay si Kio ang ipinunta ng mga ‘yon.

“Hindi ko na mabilang! Mamaya na, bibilangin ko kung ilang sticky notes na ‘tong nandito.” tugon ni Gino habang nagpupunas ng pawis.

Kakatapos niya lang yatang magprito. Si Isabelle na ang bahalang mag timpla ng niluto niya.

“Grabe, ang hot niyang pagpawisan.” rinig kong bulong ng isang babae habang nakatitig kay Kio na nag-iihaw.

Pawisan na nga siya pero hindi alintana ‘yon ng mga fan girls niya. Hindi man lang na-turn off. Pinagpantasyahan pa!

“Ibang klase rin ‘yang si Kio. Ang sipag!” puri ni Sam. Napansin niya yata na nakatingin ako kay Kio.

“Balita ko, anak mayaman daw ‘yan. Judge yung ama.” singit ni Mayo kaya namangha naman ako pero hindi ko ‘yon pinahalata.

“CEO raw ang nanay niyan sa isang perfume company. Sikat yung kompanya hindi lang dito sa Pilipinas. Worldwide raw.” dagdag pa ni Isabelle kaya nagulat ako.

Kaya pala marunong siyang gumawa ng perfume. CEO pala ang mama niya.

“Balik trabaho na muna. Mamaya na chismis. Dumadami na naman ang costumers.” umiiling na singit ni Yvette sa usapan habang nakatingin sa mga mesa na puno na naman.

Nakakapagod ang araw na ‘to!

Nagpatuloy lang ako sa pag-s-serve at pagkuha ng mga order ng costumers hanggang sa matapos ang trabaho namin.

Habang nagpapahinga ako ay lumapit sa‘kin si Trisha. May kailangan ‘to panigurado.

“Ah Xantiel?” tawag nito sa pangalan ko kaya taka ko siyang tiningnan.

“Papasuyo sana ako.. Kung pwede, ikaw na lang yung kumuha ng mga tela sa storage room? May pupuntahan pa kasi ako e, emergency.” mahabang saad nito kaya tumango na lang ako. Wala naman na akong gagawin.

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon