Chapter 44

16 2 0
                                    

XANTIEL

Kinuwento ko kay Kio ang mga napag-usapan nila at ang loko naman, tinawanan lang ako. Ganoon daw talaga ang grandparents niya. Mahilig kasi sa mga bata.

Nandito kami ngayon sa amusement park dahil nagyaya siyang gumala. Ang akala ko nga, doon lang kami sa park pero hindi niya naman sinabi na sa amusement park pala.

“Tatayo na lang ba tayo dito?” sarkastikong tanong niya saka ako hinila papunta sa kung saan.

Pinaupo niya muna ako dito sa bench saka siya pumunta doon sa isang booth. Pagbalik niya ay may dala na siyang mga ticket.

“Para saan ‘yan?” tanong ko kaya nagkibit-balikat siya.

“Para sa atin? Unlimited rides ‘to kaya hindi ka talaga magsasawa. Uubusin natin ang energy mo ngayon.” natatawang sagot niya kaya nginiwian ko lang siya.

Hinila na naman niya ako kaya hindi na ako umangal at nagpatianod na lang. Bahala na kung saan kami mapunta.

Our first stop was at the bumper cars. Pang-isahan lang ang bumper cars nila doon kaya magkahiwalay kami ni Kio. Para siyang tanga. Everytime na mabubunggo ko siya ay gagantihan niya ako saka tatawa pero kapag ibang tao na ang nakakabungo sa kaniya, sinasamaan niya ng tingin saka gagantihan ng mas doble pa sa lakas ng pagkabangga sa kaniya. Mabuti na lang talaga at hindi sineseryoso ng mga taong nandito dahil kung ibang tao ‘yon, baka nasapak na siya kanina pa.

Sunod naming pinuntahan ang mini viking na minsan nang sumira sa buhay ko the last time that I tried it. Letseng ride na ‘yan! Halos humiwalay ang kaluluwa ko noon sa katawang-lupa ko!

Magkatabi kami ngayon ni Kio at hinihintay na lang na umandar ang ride.

“Ngi, ganito lang? Walang thrill!” reklamo ni Kio kaya suminghal ako. Ganiyan din ako noong una. Reklamo now, regret later.

Noong una kasi ay mabagal pa lang ang andar pero kalaunan ay bumibilis na ito tapos hihinto kapag nasa taas na kaya todo sigaw na ‘tong katabi ko. Nakakarindi.

“MAMI MAHAL KO KAYO, I DON'T WANT TO DIE YET!”

I find it funny. Sabi ko naman e, reklamo now, regret later.

Nang makababa kami ay kaagad ko siyang dinaluhan doon sa may poste. I gave him a bottle of water nang bigla siyang sumuka. Mabuti na lang talaga at sanay na ako sa viking.

“Pasaan naman tayo?” tanong niya nang maka-recover siya at umupo muna sa bench na malapit.

“Hindi ka pa ba napapagod?” I asked him kaya umiling naman siya. Ako kasi, gutom na. Baka naman.

“Mamaya na tayo kumain. Libot muna tayo!” pag-aaya niya saka tumayo.

God, wala ba siyang kapaguran?

The next thing I knew ay nasa horror house na kami. Excited pa siya noong pumasok kami. Kahit ako rin naman ay excited. May trauma ako sa madidilim at masisikip na lugar pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako natatakot ngayon. I feel safe with Kio.

“Tingnan mo yung babae doon, parang hindi nagsusuklay.” panglalait ni Kio sa white lady na malapit sa amin. Napangiwi na lang ako saka siya mahinang hinampas sa balikat.

Nang makalapit kami doon sa white lady ay sinubukan niya kaming takutin pero walang effect. Sinumbong ko na lang si Kio sa kaniya kaya sumimangot siya.

“Ate, alam mo ba na parang hindi ka raw nagsusuklay sabi nitong kasama ko?”sambit ko rito kaya inirapan niya si Kio.

“Alam mo Kuya? Pogi ka sana pero laitero ka.” pang-r-realtalk ng white lady kaya pasimple akong natawa.

Hindi yata natinag si Kio saka nagsalita ulit. “Totoo naman talaga na parang hindi ka nagsusuklay. Wala ba kayong suklay sa inyo? Bibigyan na lang kita. Sasamahan ko na rin ng shampoo at conditioner para maging maganda ‘yang mahabang buhok mo.”

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon