Chapter 01

89 6 0
                                    

XANTIEL

“One iced caramel macchiato and blueberry cheesecake for Xantiel!”

I put my laptop on sleep mode bago tumayo at dumiretso sa pick-up area. Pangalan ko ang tinawag kaya ibig sabihin, ready na ang order ko.

Nandito ako sa isang café malapit sa apartment namin para mag-review. Malapit na rin kasi ang final exams namin.

Hindi naman ako makapag-review sa apartment dahil ang ingay ni Sachi; my roommate. I can't keep my focus. Mabuti na lang talaga at mayroong malapit na café.

“Thank you!”

I picked up my order at bumalik na sa puwesto ko.

Kailangan kong tapusin ang infographics ko ngayon. Deadline na kasi nito bukas. May deduction na sa points kapag na-behind sa submission date e kaya kailangan talagang ihabol.

Bukod sa pag-r-review ay dito ko na rin napagdesisyonang tapusin ang mga pending activities ko. Kaysa naman hayaan kong dumami pa ang mga activities, why not start doing it one by one para matapos na kaagad? Para hindi na tumambak.

Binuksan ko na ulit ang laptop ko at bumalik na sa trabaho. Alas tres pa lang naman, mag-a-alas quatro ng hapon pero gusto kong matapos na kaagad ito para maka-move on na sa iba pang mga activities.

This place is perfect for those people na mahilig sa aesthetic. It's ambiance is cool and the foods that they offer ay affordable. Pet-friendly din. Their staffs are also approachable kaya hindi ka talaga magsisi.

Sa pagkakaalam ko, ilang taon lang daw ang tanda sa‘kin nung owner nito. Bata pa siya. Sana all successful!

Sumimsim ako sa kape ko bago nag-slice ng cheesecake at ‘sinubo ito.

Masarap. Hindi tinipid sa ingredients.

Ito raw ang best seller ng shop nila last month sabi nung cashier.

I snapped out of my thoughts nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Sunod-sunod pa!

Agad ko itong binuksan para tingnan kung anong ganap.

Tinatadtad ako ni Sachi ng messages!

Halos mapatampal na ako sa noo dahil sa ginawa niya. She could‘ve just called me kung may importante man siyang sasabihin! Hindi yung nagpapakahirap pa siyang mag-type.

[Mikhaela Sachi Lim]
XANTIEL!

[Mikhaela Sachi Lim]
RAINEEE!

[Mikhaela Sachi Lim]
XANTIEL RAINEEE!

[Mikhaela Sachi Lim]
ulaaan!!

[Mikhaela Sachi Lim]
bebe naman!
mag-reply ka ASAP😭😭

Seen. 1 minute ago.

Napailing na lang ako bago siya nireplyan.

[Xantiel  Alcazar]
Anong kailangan mo? I'm
busy Sach.

[Xantiel  Alcazar]
Tawag ka na lang.
Busy kasi talaga.

Delivered.

Wala pang isang minuto ay nag-ring agad ang cellphone ko. It‘s her.

Binuksan ko muna ang earpods ko and connected it to my phone bago sinagot ang tawag ni Sachi.

Inilapag ko ang cellphone sa tabi ng laptop bago pinakinggan ang babae.

“[Girl! Nasaan ka ngayon?]”

Agad kong hininaan ang volume ng cellphone ko.

“Naka-earpods ako Sach. Hinaan mo lang ang boses mo.” malumanay kong tugon dito.

“And to answer your question, nandito ako sa café. Malapit lang ‘to sa apartment.”

Saglit na tumahimik ang kabilang linya bago ito nagsalita ulit.

“[Nasa Castle’s Haven ka?]” tanong nito kaya tumango ako kahit hindi niya makikita.

“[Uy seryoso nga?]” paninigurado niya kaya bumuntong-hininga ako.

“Oo nga.. Kulit mo ha.”

Rinig ko ang pagsinghal niya bago magsalita kaya napailing ako.

“[Hoy ‘te! Balita ko, pogi raw ang may-ari ng café na ‘yan!]” excited nitong ani.

“Wala akong balak maghanap ng asukal de papa Sachi. Sayo na lang kung gusto mo..” tugon ko rito kaya binulyawan ako ng babae.

I don't really mind. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon namin ni Sachi. Nagpatuloy na lang ako sa pag-ayos ng infographics ko.

“[Hoy Xantiel Raine, anong sugar daddy?! Ilang taon lang kaya ang agwat niya sa‘tin! Imagine, bata pa pero ang successful na!]” litanya nito kaya um-oo na lang ako.

Puro ‘oo’ lang ang tugon ko sa mga sinasabi niya. Hinayaan ko lang siyang dumaldal dahil mas importante talaga ang mga ginagawa ko ngayon kaysa mga chismis niya.

Sigurado akong nakahilata na naman siya ngayon sa sofa doon sa sala. Iyon naman ang palagi niyang ginagawa bukod sa manggulo e.

“[Xantiel nakikinig ka ba? Bahala ka na nga! Basta yung brownies ko ha, huwag mong kalimutan! Mag-take out ka para sa‘kin!]”

Saglit akong tumingin sa phone ko nung tumahimik ang kabilang linya. I opened it para makumpirma kung tama ba ang hinala ko. At sa wakas, in-end din ang tawag!

Kanina pa ako pinagtitinginan ng ibang costumer dito. Siguro, inaakala nila na baliw ako kasi nagsasalitang mag-isa. Medyo nakatago kasi ang earpods ko sa makapal kong buhok kaya aakalain mo talagang wala akong suot na ganoon.

Binaliwala ko na lamang sila at isinubo ang huling slice ng cheesecake.

Yung cheesecake ubos na pero yung drink, kalahati pa.

Nang matapos ko ang infographics ay napagdesisyonan kong um-order ulit. Isa para sa‘kin at iyong brownies din ni Sachi. Baka hindi ako papasukin sa apartment kung wala akong dala!

In-off ko na ang laptop ko dahil tapos na ako sa infographics. Magbabasa na lang ako ng notes ko sa Environmental Science at English and Literacy.

Inilabas ko na ang binder kung nasaan ang notes ko at ipinatong doon ang case ng earpods bago tumayo para magtungo sa counter. Bibili talaga ako.

As soon as I reached the counter ay may isang lalaki doon.

He was talking to the cashier. Ilang saglit pa ay umalis ito sa kaniyang pwesto at pumasok sa kusina. Paglabas nito ay may kasama na siyang isa pang lalaki na mukhang manager nila.

“Long time, no see Zach..” rinig kong tawag nitong nasa unahan ko doon sa lalaki.

“Siya po yung owner nitong café, Sir.” nakangiting ani ng cashier habang nakaturo sa lalaking kasama nitong lumabas galing sa kusina.

In fairness, totoo nga ang sinabi ni Sachi tungkol sa may-ari nitong establishment. Pogi nga!

“I know him Dyreen. He's a friend of mine.” nakangiting saad nung Zach saka lumabas para akbayan ang lalaking nasa unahan ko.

Tumikhim naman ako ng mahina para mapansin nila. Oorder lang naman ako eh!

Lumingon silang dalawa sa‘kin at ang masasabi ko lang? They got the looks! Gosh, parehong pogi!

Seryoso ang mukha ng lalaking nasa harapan ko pero gwapo pa rin naman.

Mukhang nagulat naman ang owner kaya agad niyang sinenyasan iyong cashier nila.

“Asikasuhin mo na muna ang costumer natin Dy.” anas nito.

“Pasensiya na sa istorbo Miss.” pagpapaumanhin nito bago inakay ang lalaking nasa unahan ko kanina papunta sa isang table.

“Bigyan mo ng isang free dessert si Miss Ganda Dyreen! Pambawi sa istorbo.” pahabol nito sa kanilang cashier.

Okay lang maistorbo lalo na kung ganoon naman ka-pogi!


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon