Chapter 20

24 2 0
                                    

XANTIEL

“Ang yaman na natin nito!” natatawang saad ni Gino habang nagbibilang ng kabuuang kita ng booth namin.

Kaninang alas tres kami nagsara para naman makapagpahinga kami kahit papaano.

Pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi na bumalik dito si Trisha. Ang sabi ni Sir, suspended daw. Pinapirma rin sila sa guidance ng kasunduan something. Next academic year pa sila makakabalik ulit.

Grabeng summer naman ‘to. Hindi nga boring, napahamak naman ako!

“Woah!” gulat na saad ni Gino habang nakatingin sa mga perang nakalapag ngayon sa harap niya.

Mangha siyang tumingin sa amin bago bumalik ulit sa mga pera.

“12, 485 pesos lahat!” gulat nitong ani kaya tuwang-tuwa naman kami.

Worth it ang pagod, hirap, at lahat ng ginawa namin!

“6, 000 lang ang ibigay natin sa admin. Atin dapat ang mas marami.” natatawang sambit ni Rio saka umupo sa tabi ni Sam.

Nakasimangot namang lumapit sa amin si Mayo na hanggang ngayon ay nagpupunas pa rin ng pawis. “Dapat nga ay may talent fee ako para doon sa mascot!”

Tinawanan naman siya ng mga kaklase namin ng dahil doon.

Tumingin ako kay Kio na patagong kumakain ng fries. Akala niya talaga hindi siya makikita.

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay inirapan ko siya. Nginitian ako nito saka inalok pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Kanina pa kumakain pero ngayon lang nag-alok!

Hindi ako tumanggi sa offer niya at agad na kumuha ng fries. Gutom na rin kasi ako!

“Sungit mo.” pang-aasar sa‘kin ni Kio pero binaliwala ko lang ‘yon at sumubo uli.

“Hoy! Tirahan mo naman ako. Ako kumuha niyan!” reklamo niya nang mapansing kaunti na lang ang naiwan.

“Daldal ka kasi nang daldal. Kumain ka kaya.” walang pakialam na sagot ko kaya inagaw niya ang lalagyan ng fries.

Para kaming tanga na nag-aagawan sa fries ngayon kaya pinagtitinginan na kami ng mga kasamahan namin.

“Busy kami rito tapos kayong dalawa nag-aagawan dyan?” hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kaya itinuro ko si Kio.

“Hindi namimigay!” pagsumbong ko rito kaya inilingan kami ni Isabelle.

“Marami pang fries dito. Para kayong mga bata dyan na nag-aagawan!” natatawang aniya kaya nagkatinginan naman kami ni Kio bago nagpaunahan papunta kay Isa.

Hah! Ako ang nauna!

Binelatan ko si Kio saka nagpalagay kay Isabelle ng maraming fries. Kahit naman gaano kadamo ‘yan, kaya ko pa ring ubusin!

“So ano na? Tapos na yung fair. Pupunta pa ba ulit tayo bukas hanggang Friday?” tanong ni Rio na nakapangalumbaba.

“Ang sabi ni Sir Kester, kapag daw nabigay na natin yung share ng admin, kahit huwag na raw tayong bumalik. Kahit siya nga run ay tinatamad din na pumunta rito e.” umiiling na sagot ni Sam saka parang tangang ngumiti.

“Finally, mag-e-enjoy na ako this summer!” tuwang-tuwa na aniya kaya umirap ako.

Salamat dito sa summer class, medyo nakalimutan ko na ayaw ko sa summer. Patapos na kaso ‘to. Pero okay lang. May plano na rin naman ako e. Maghahanap ako ng summer job para hindi ma-bored sa apartment.

Kinain ko na lang ang fries na dala ko habang nakaupo sa tabi ni Kio. Anytime ay pwede na kaming umuwi dahil si Yvette na lang daw ang magbibigay ng pera kay Sir Kester.

Okay, kunyare wala kaming alam.

Tahimik lang ako na sumusubo ng fries nang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ito and to my surprise, si Papa tumatawag. Himala!

Hindi niya kasi ugaling mag-phone calls. Si Mama talaga ang madalas na gumagawa no'n.

Ano kayang kailangan nila ngayon?

I answered the call habang may fries pa sa bunganga.

“Hello father dear?” bungad ko rito kaya rinig ko ang pagsinghal nito. Edi wow.

“[Nababaliw na naman ang anak mo Jeana!]” reklamo nito kay Mama kaya sumimangot ako.

Alam kong pinagtatawanan nila ako ngayon. Parang hindi anak ha!

“[Huwag ka nang umuwi sa bahay pagkatapos ng summer class niyo. Nandito na kami sa bahay ng Tita Mommy mo.]” litanya nito kaya agad namang napalaki ang mga mata ko. Luh!

“Weh? Joketime ba ‘to Pa?” hindi makapaniwalang tanong ko kaya sinermonan naman ako nito.

“[Kung hindi nalang kaya kita pauwiin sa bahay habang buhay?]” sarkastikong tugon nito kaya napangiwi ako.

Kung anu-anong sermon pa ang ginawa niya bago in-end ang tawag. Dumiretso raw ako mamaya kela Tita Mommy kasi doon daw kami mag-d-dinner. E ang layo pa no'n dito!

“Hindi maipinta ang mukha mo Miss sungit!” pang-aasar sa akin ni Kio kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Manahimik ka dyan boss Kio na chismoso.” I fired back at him kaya tinawanan niya ako.

“Bakit nga masama ang timpla mo?” tanong nito kaya huminga ako ng malalim.

“Doon daw ako sa bahay ng Tita ko mag-d-dinner mamaya. E ang layo nun!” reklamo ko kaya tumango naman siya.

“Saan ba?” pang-uusisa nito kaya inalala ko muna ang address nila.

“Sa Villa Estella block 2.”

***

I ended up riding with Kio papunta sa bahay nila Tita Mommy. Turns out na taga dito rin sila sa subdivision na ‘to.

Hinatid niya muna ako bago dumiretso sa kanila. I thanked him bago ito umalis.

Ang pinsan ko pa ang nagbukas ng gate tapos yung tingin, halatang nang-aasar. Umiling na lang ako saka sumama sa kaniya papasok. Ma-issue siya!

Nagmano ako kela Mama nang makita ko sila sa sala kasama si Tita. Kaunting kwentuhan muna kasama sila bago ako hinila ni Ate Vixen papunta sa kwarto niya. Mag-k-kwento raw ako.

“Sino yung poging naghatid sayo?” pang-uusisa nito kaya pagak akong natawa bago umupo sa couch rito sa kwarto niya.

“Kaklase ko lang ‘yon Ate! Huwag kang ma-issue.” natatawang sagot ko rito kaya tinaasan niya ako ng kilay.

“Sure ka na kaklase mo lang? Pogi pa naman siya!” pang-iintriga nito kaya natawa na lang ako.

Oo, pogi nga kasi chismoso. Daig pa ako kung magtaray. Mayaman din, out of my league. At higit sa lahat, walang interes sa babae. Kahit naman magustuhan ko siya ay wala rin namang pag-asa.

“Mag-boyfriend ka na Xantiel. Hindi ka na bumabata.” umiiling na saad ni Ate Vixen kaya tinawanan ko siya.

“18 pa lang ako ‘te! Huwag mo akong itulad sayo na 24 na.” pang-aasar ko rito kaya binato niya ako ng unan na nailagan ko naman.

“Pasmado bunganga mo ha!” nakasimangot niyang tugon saka humilata sa kama niya.

“Pero sa totoo lang, wala ka ba talagang balak mag-boyfriend?” tanong niya so I shrugged. “Sa inyong tatlo nila Mira at Zion, ikaw lang ang walang jowa!” dagdag pa nito kaya napaisip ako.

May balak naman akong mag-boyfriend e. Ang kaso lang, wala naman akong pag-asa sa taong gusto ko ngayon.


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon