XANTIEL
“Dalawang iced americano!”
“Lasagna, tatlo.”
“Fries po, barkada size.”
“Caramel macchiato po tatlo.”
Daig pa namin ang robot pero parang octopus na may walong galamay habang nagmamadali sa pag-prepare ng orders nila. Ang daming costumer na dumadating nitong mga nakaraang araw!
Nang maubos ang tao rito sa counter ay kaagad kong tiningnan ang notepad ko and I checked it twice bago ibigay kay Dyreen.
Silang tatlo nila Sachi ang naghahanda ng orders habang si Kio naman ang taga linis ng mga mesa everytime na aalis na ang costumers.
Nakakapagod ngayon!
“Isasara ko talaga ang café nang wala sa oras.” nakasimangot na usal ni Zach pagkatapos niyang ilapag ang tray na may lamang paper bag. Siguradong ror take out ang order na ‘to.
“Hindi naman ngayon release sa 4Ps ah? Hindi rin ngayon ang release ng sweldo sa mga government officials. Bakit ba ang daming costumer?” reklamo ni Dyreen saka pumasok na sa kusina.
Mabuti na rin naman na maraming costumer para marami ring benta. Sayang naman kasi ‘di ba? I mean, what‘s the point of opening a business kung hindi mo naman kayang i-handle at puro ka lang reklamo? Siguradong walang patutunguhan ang negosyo na itinayo mo if magpapatuloy ka lang sa pagiging reklamador mk instead of managing your business well.
I snapped out of my thoughts nang may narinig akong boses ng bata. I bowed my head para makita ang isang batang babae. She looks scared? Pero ang cute!
Lord, ilayo niyo ho ako sa temptation. Mahal ang gatas sa panahon ngayon kaya pass po muna.
“Hi baby girl..” malambing kong tawag dito kaya inosente naman siyang tumingin sa akin. “How can I help you?” tanong ko pa kaya ngumuso ito saka pinaglaruan ang mga daliri niya. Ang cute talaga!
Nang mapansin kong halos wala itong balak magsalita ay lumabas ako rito sa counter at pinuntahan siya. I kneeled in front of her para magkapantay kami.
“Huwag kang matakot... I‘m a good person.” nakangiting sambit ko rito kaya kumurap-kurap naman ang mga mata nito na parang mata ng manika.
“I-I‘m shy po..”
Ang inosente ng boses! Lord, ilayo mo ako sa tukso!
Sa tingin ko ay around five years old na ang edad ng batang ‘to. Wala ba siyang kasama? Imposible namang pumunta lang na mag-isa ang cute na batang ‘to dito sa café. Masiyadong delikado para sa kaniya ang mag-solo!
“Don‘t be shy baby.” pag-aalo ko rito saka tinanong ang pangalan niya.
“I‘m Olivia po.” nakangiting tugon nito sa akin kaya tumango naman ako saka siya tinanong ulit. Daig niya pa ngayon ang mag-a-apply ng trabaho kasi ang dami kong tanong sa kaniya.
“Delikadong gumala mag-isa lalo na sa mga ganitong lugar Olivia. Nasaan ang parents mo?”
Luminga-linga ito na animo'y may hinahanap at dumako ang mata niya sa isang lalaking nakatalikod sa pwesto namin. Agad siyang tumakbo palapit doon at pagbalik niya rito ay hila-hila niya na ang lalaki.
I was shocked nang makita ko ang mukha niya. After almost two weeks ay ngayon ko na lang ulit siya nakita. May band aid sa gilid ng noo niya pero you still can‘t deny na may itsura ang lalaking ‘to.
“Oliver...”
***
Kio immediately pulled me away at itinago ako sa likod niya nang makita niyang nandito si Oliver. Iyong lalaking kasabwat ni Trisha sa kalokohan niya noong hindi pa siya suspended.
Mukhang natakot naman si Olivia sa nangyayari kaya I genuinely smiled at her and mouthed na okay lang. Mukhang matalino ang batang ‘yon at naintindihan niya naman kaagad ang sinabi ko. She went back to their table kaya naiwan kaming tatlo rito sa may counter.
“Huwag kang manggugulo rito Oliver. Not here.” pagbabanta ni Kio kaya mapaklang ngumiti ang lalaki bago itinaas ang dalawa niyang kamay na animo'y sumusuko.
“Chill. Wala akong balak na manggulo Zaccheus.” pagpapakalma nito saka tumingin sa akin.
“Oorder lang ako. Salamat pala, hindi ka nagalit sa kapatid ko sa pagkonsumo niya ng oras mo.”
Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay kaagad ding bumalik kay Kio ang paningin niya.
“Gusto kitang makausap tungkol kay Trisha. Kayong dalawa.” saad nito saka ako tiningnan ulit kaya nagsalubong ang kilay ko.
Hindi niya ba nakikita na busy kami?
“Kausapin niyo na. Mukhang importante.” biglang usal nang kung sino sa likod ko kaya I turned to face whoever that is. Si Zach pala.
Umiling naman ako rito. “May trabaho pa tayo ngayon. Halata naman siguro kung gaano tayo ka-busy ano?”
Inirapan lang ako ng lalaki saka tumingin kay Kio at Oliver.
“Mag-usap na kayo. Nandito naman kami nila Sachi at Dyreen. Naghahanda na lang naman kami ng foods. Hindi na muna tayo mag-a-accomodate ng costumers para makapagpahinga naman tayo. Last batch na muna ‘tong mga nasa loob na ng café.” mahabang paliwanag nito kaya wala kaming nagawa ni Kio kun'di ang makipag-usap kay Oliver.
Nang makaupo kami sa mesa ay ngumiti lang sa akin si Olivia saka nagpatuloy sa ginagawa niya sa cellphone. She‘s playing something.
Tumikhim naman ng mahina si Oliver kaya napatingin kami sa kaniya.
“Gusto ko pa ring humingi ng tawad sa ginawa ko sa inyo, Xantiel at Kio.” panimula nito saka sumimsim sa kape niya. “But trust me, napag-utusan lang talaga ako ni Trisha.”
“Ngayong nagkahulihan na, mas lalong sumama ang loob niya. Instead of surrendering, wala raw sa bokabularyo niya ang salitang 'sumuko.' Umabot na nga sa punto na pinagbantaan niya ang buhay ko para lang tulungan ko raw siya ulit but I refused. Heto ang naging resulta.” mahabang paliwanag nito saka itinuro ang noo niyang may band aid.
Pinaliwanag niya kung ano ang ginawa sa kaniya ni Trisha kaya hindi ko maiwasang magalit sa babae. All along, I thought she was a good person. Mabuti na lang talaga at hindi ako lubusang nagtiwala sa kaniya. Siguro mga 0.1% lang. Kidding.
“She‘s obsessed with you Kio kaya mag-ingat ka.” nakangiwing aniya saka tumingin sa akin. “Pati rin ikaw Xantiel. Mag-ingat kayong lahat dahil siguradong babalikan kayo ng babaeng ‘yon at gagantihan.” seryosong dagdag pa nito saka tumawa ng mapakla.
“Please stay alert dahil baka hindi natin alam, nasa tabi-tabi lang siya habang pinagmamasdan tayo. Don‘t let your guards down dahil delikado kayo ngayon. Lahat ng kaaway niya.”
Umiling pa ito bago sumimsim ulit sa coffee niya at tumingin sa kawalan saka ngumiwi.
“Nakakatakot palang ma-inlove. Nakakabaliw.”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Novela JuvenilXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...