XANTIEL
Naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko. Mukhang may tumatawag kaya nakapikit ko naman itong inabot saka sinagot.
“Kio, baby? Can you pick me up here sa airport?”
“...” Hindi muna ako sumagot dahil baka may sasabihin pa ito. Pero agad naman akong natigilan nang may ma-realize.
Kaagad akong napamulat at napabalikwas sa kama saka tumingin sa hawak kong cellphone. Tulog na si Sachi. Sino ang babaeng ‘to?
“Baby? Are you still there?” tanong ng babae kaya nag-aalangan ko naman itong sinagot.
“Ah... Hi?”
Sandaling natahimik ang kabilang linya bago sumigaw kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.
“O..M..G!”
Pagkatapos niyang sumigaw ay pinatay niya ang tawag kaya taka kong tiningnan ang screen ng cellphone.
Hindi akin ‘to ah? Agad ko itong binaliktad para matingnan ang itsura ng case.
Cellphone ‘to ni Kio!
Pagkatapos ng insedenteng iyon ay hindi na ako nakatulog. Hindi ko alam kung paano napunta sa‘kin ang cellphone ni Kio.
Alas dos na ng madaling araw pero nakatitig pa rin ako sa kisame habang iniisip yung tumawag kanina.
Babae...
Iyon ba ang dahilan niya kaya wala siyang interes sa mga babae? Kasi may girlfriend na siya?
Biglang nawala ang kalasingan ko nang dahil doon. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi rito sa apartment pero ang importante, safe ako.
Ang natatandaan ko lang ay alas dies ng gabi na ako umuwi rito. Bago ako tuluyang nakatulog ay sinermonan muna ako ni Sachi saka ako inasikaso. Muntik ko pa nga siyang masukahan e.
Napatingin ako sa kaharap kong kama kung saan natutulog si Sachi ng mahimbing. I smiled while staring at her.
‘Salamat sa pag-asikaso.’
Bumalik ulit ako sa pagtitig sa kawalan dahil hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Grabe naman ang epekto nun. Tanggal pati kalasingan ko. Pati yung antok, nahiya na rin akong bisitahin.
I turned to look at the side table kung saan nakapatong ang cellphone ko. This time, totoong sa akin na talaga ‘yon.
Agad ko itong inabot saka binuksan. Bumungad sa‘kin ang 23 missed calls at 54 texts. Most of it ay galing kay Sachi at ang iba naman ay galing sa kay Mama.
Isa-isa kong binasa ang mga text message at puro ‘yon hinahanap ako. Yung kay Mama lang naiiba. Huwag na raw akong umuwi kasi nandoon na sila sa bahay nila Tita. Kararating lang.
In-open ko ang social media accounts ko para naman maaliw ako sa gantong oras. Naisipan ko namang i-stalk si Kio.
Ni-minsan ay hindi ko pa nabibisita ang profile niya. Baka nakalagay naman talaga doon na may girlfriend siya tapos hindi ko lang alam.
‘Nicholo Zaccheus Vergara’
Nag-scroll ako sa timeline niya at wala akong makitang ni-isang post na galing sa kaniya. Puro iyon galing sa ibang tao at naka-tag lamang siya.
Titigil na sana ako sa pag-stalk dahil ang tagal mag-loading pero bigla akong napatigil sa nakita ko.
Post ‘yon ng isang babae na naka-tag siya. Picture ‘yon kasama si Kio. May caption pa na ‘My forever baby💖’. Mukhang ang sweet pa nga nila sa isa‘t isa e!
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...