XANTIEL
Kanina pa ako hindi makatulog at parang tanga na nakatitig lang sa screen ng cellphone ko. Nagdadalawang-isip kung kakausapin ko ba si Kio o hindi. But in the end, I still chatted him. Nakokonsensya kasi ako. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na nagtataka siya kung bakit ako umiiwas kanina.
Xantiel Alcazar:
Hi, good evening!Seen. Just now.
Hala siya, ang bilis mag seen. Online pala siya? Hindi ko napansin.Nicholo Zaccheus Vergara:
Hello Xanxan! Good evening
too. ☺️Nicholo Zaccheus Vergara:
Why are you still awake? Late
na ah? Matulog ka na.Seen. Just now.
Tiklop na tiklop na naman ako sa pogi typings ni boss Kio. Pogi na nga, pogi pa ang typings!
Xantiel Alcazar:
Sorry sa inasta ko kanina.
You know, umiiwas.Xantiel Alcazar:
I saw how your emotions changed
kanina nung umiwas ako sayo
during lunch time. Sorry.Delivered.
Mag-o-offline na sana ako kasi delivered na lang ang messages ko nang biglang bumulaga sa screen ko ang mukha niya. He‘s calling!
Agad ko namang in-accept ang call at bumungad sa akin si Kio na magulo ang buhok habang nakaupo sa swivel chair. He‘s wearing a plain gray shirt pero halatang mabilis ‘yon dahil bakat ang muscles at abs niya! Gagi, daming pandesal!
“[Cutie naman Miss Sungit.]” natatawang aniya saka inilapit ang mukha niya sa camera.
“[Na-miss mo ako ‘no?]” usal pa niya kaya hindi ko mapigilang tumawa.
‘Pano kung sabihin kong oo?’
I badly want to say that pero may kailangan pa akong kumpirmahin.
“Sorry... Sorry sa ginawa ko kanina.” I apologized kaya tumawa ito.
“[Okay lang nga, ano ka ba! Sorry ‘to ng sorry, akala mo naman kung ano yung kasalanan.]” natatawang tugon nito kaya I can‘t help my self but to smile.
“[Uy uy uy! Ngumingiti si Miss Sungit!]” pahabol pa nito kaya pabiro ko siyang inirapan.
“Pero seryoso nga Kio.” I tried averting the topic. “Liligawan mo talaga ako?” I asked him kaya bumuntong-hininga siya bago sumeryoso ang mukha.
“[Bawal ba?]” tanong nito kaya mabilis akong umiling.
“Hindi naman sa ganoon... Ang alam ko kasi ay may girlfriend ka.” nag-aalinlangan kong sagot kaya pansin ko ang pagkunot ng noo niya.
“[Saan mo naman ‘yan napulot?]” takang tanong nito kaya inalala ko na naman ‘yong post.
“Yung post kung saan ka naka-tag. Yung may caption na ‘My forever baby’ tapos may heart pang kasama. Mukhang ang sweet niyo pa nga doon e!” paliwanag ko rito kaya mukhang naintindihan niya naman at kalauna‘y natawa ito.
I asked him kung anong nakakatawa kaya natigilan ako nang sagutin niya ito.
“[A, ‘Yon ba ang bumabagabag sa isip mo? Hahaha, Ate ko ‘yon. She‘s Ate Nichole.]” sagot nito kaya pasimple kong kinagat ang pang-ibabang labi ko.
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...