Chapter 09

20 2 0
                                    

XANTIEL

“Ni-review namin ‘yong CCTV footage nung gabing nasa bar tayo..”  panimula ni Yvette.

“Salamat sa tulong ni Kio.” proud na saad ni Kia na tinanguan lang ng lalaki.

“Iyong namilit sayo, hindi natin kasama ‘yon.”

“Kasama ‘yon ni Trisha.”

Parang sirang plaka ang usapan namin kahapon nila Yvette na nagpapabalik-balik sa utak ko. Naka-replay ata.

Kaya pala familiar ‘yong lalaki. Siya yung naghatid at kausap ni Trisha noong umaga na gagawa kami ng perfume.

Anong koneksiyon nila ni Trisha?

Saka iyong lalaking tumulong sa‘kin..

Sino ba talaga siya?

Hindi rin kita sa CCTV footage yung mukha niya. Mukhang aware siya na may CCTV cameras sa lugar.

Nevermind. Kung sino man siya, salamat pa rin.

I shoved that thought away nang may kumalabit sa‘kin.

It was Kio. Obviously it‘s Kio.

”Okay ka lang ba?” tanong nito.

Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay alam kong nag-aalala ito.

“Huwag mo nang isipin yung nangyari sa bar.” dagdag pa nito kaya a small smile escaped from my lips.

I turned to face him saka nagsalita.

“Hindi naman ‘yon ang iniisip ko.” I lied. “I was thinking about the result ng perfume natin.” I lied again.

Mukhang napaniwala ko naman siya dahil mabilis na nag-iba ang ekspresyon niya.

“Mas lalong huwag mo nang alalahanin ‘yon.” natatawang saad niya. “Wala ka bang tiwala sa‘kin?” pabirong dagdag pa nito kaya sabay kaming natawa.

Dumating sila Yvette dala ang mga bote ng perfume namin. Masama naman ang timpla ni Kia kaya taka kaming tumingin sa kaniya.

“Ba't di maipinta ang mukha ng isang ‘yan?”

“Bakit malungkot ang beshy ko?”

Sabay naming tanong ni Kio kaya nagkatinginan naman kami bago mahinang natawa.

“Sana makatawa pa kayo kapag nalaman niyo yung rason.” nakasimangot na tugon ni Kia habang si Rio naman ay problemadong nakatitig sa kawalan.

Inilapag ni Yvette ang hawak niyang lalagyan ng mga bote saka umupo sa tabi ni Kio.

“Mamayang hapon na ang deadline.” problemadong aniya kaya taka ko siyang tiningnan.

“What happened?”

Sandali siyang natahimik bago inis na sinagot ang tanong ko.

“Yung magaling mong kaibigan, tinapunan ng suka yung paper natin!”

“ANO?” sabay naming sigaw ni Kio kaya bumuntong-hininga si Yvette.

“Yung papel natin. Yung introduction. Dalawang copy no'n ang natapunan..” nag-aalangang sagot ni Kia saka inilapag sa mesa ko ang prinint kong papel namin.

Naiiyak na ako sa kaloob-looban ko habang nakatitig doon. Pinagpuyatan ko pa naman ang pag-encode saka ang pag-print no'n! Sayang yung bond paper at ink ng printer!

Amoy suka na siya ngayon!

“Mabuti na lang, yung ibang copies natin ay hawak ko kanina kasi binabasa ko.”

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon