XANTIEL
It‘s already eight in the evening at tapos na kaming mag-dinner. Sabay-sabay kaming kumain kanina. I should be sleeping right now dahil marami raw ang activity namin bukas pero hindi ako makatulog. Naninibago pa siguro ako sa lugar.
I decided to go outside at maglibot-libot muna. Secured naman daw ang resort dahil marami ang nakabantay na mga bodyguards at hindi basta-bastang makakapasok ang kung sino dahil mahigpit ang security. Hindi rin madilim dahil sa mga ilaw na nakakabit sa kung saan-saan at mga lamp post sa paligid. Aesthetic siya for me dahil may fairy lights lol.
Tulog na kaya sila Mama? Hindi ko sila kasama sa cabin e. Sila Ate Vixen, after ng dinner ay nagpaalam muna na gagala kasama sila Mira. I decided na magpaiwan dahil sigurado akong mag-b-bonding lang naman sila kasama ang iba pa naming pinsan. It‘s not that I‘m not close with them. Hindi lang talaga kami magkakapareho ng vibe at humor. Off ang humor nila minsan e. Yung tipong sila-sila lang ang nagkakaintindihan kaya nakaka-OP.
Hindi ko kasundo ang ibang relatives namin dahil ayaw ko sa ugali nila. I don‘t care. Mga wala naman silang ambag sa buhay ko e. Magagaling lang ang iba kapag may kailangan sayo tapos kung okay na, edi hindi ka na kilala. Yung iba naman, palong-palong umutang ng pera tapos kapag sisingilin na, bigla na lang maglalaho na parang bula. Daig pa ang magician sa galing mag-magic e!
Hindi ko namalayan na sa paglalakad ko ay mararating ko na ang beach. The ambiance is so calming while the moon is shining brightly. Ang sarap tumambay rito.
I saw a fire sa hindi kalayuan. Camp fire iyon panigurado dahil may mga nakapaligid doon na mga tao. I'm 98% sure na relatives namin sila dahil kagaya ng sinabi kanina nila Mama, this resort is owned by our grandmother. Ibig sabihin noon, kami-kami lang ang nandito.
Maingay sila. Mukhang nagkakatuwaan kaya I can‘t help but to wonder. Paano nila nagagawang hindi awkward ang scene when hindi naman nila madalas nakikita ang ibang mga pinsan namin? Grabe naman ang social life ng mga pinsan ko.
Mukhang napansin ako ni Zion kaya sumenyas ito sa akin. Wala akong nagawa kun'di lumapit sa kanila dahil baka isipin ng iba na kill joy ako. Makikisama na lang muna ako ngayon. Huwag lang talagang may mag-joke ng below the belt o tungkol sa personal na buhay ko dahil baka makasampal ako ng hindi oras.
“Hi Xantiel!” bati sa akin ng isang pinsan namin. Nginitian ko lang ito saka tumabi kela Ate Vixen.
They were all holding a can. Hindi ko lang alam kung beer ba ‘yong iniinom nila o may softdrinks din. Some of us kasi are still minors although wala namang below 16 sa amin. Allowed na silang uminom ng alak simula noong nag 16 sila pero ako, noong nag-legal age lang talaga tumikim ng alak. Masiyado akong mabait e.
“Akala ko tulog ka na?” takang tanong ni Mira so I shrugged.
“Hindi ako makatulog.”
I was confused nang abutan ako ni Ate Vixen ng isang can na flavored beer. They were holding the same can kaya inabot ko na lang ‘yon at binuksan. Gusto ko rin namang uminom ngayon.
“So balik na tayo sa usapan! Sino na ulit may mga jowa rito?” tanong ni Kuya Gab, second oldest sa amin. Kaniya-kaniyang turo naman sila sa mga kilala nilang in a relationship na. Si Zion at Mira talaga ang tinuro ko dahil alam kong may jowa sila lol.
I was confused nang makitang tatlo lang kaming hindi in a relationship. Like what? Out of 19 human beings na nandito, tatlo lang kaming walang jowa? Is this for real?
“Woah, ang dami pala!” manghang saad ni Kuya Gab saka biglang nagtanong ulit.
“Sa tatlong hindi itinuro kanina, bakit mga wala pa kayong jowa?” I stopped myself from rolling my eyes dahil sa tanong niya. Kailangan pa bang sagutin ‘yon? And instead of saying na ‘walang jowa,’ he could've just said na ‘single.’ Saka ano naman? Siguro nga flex na in a relationship ka pero it‘s a no no naman if you‘re dating a red flag.
Inis kong tinungga ang inuming hawak ko dahil doon. Nang maubos ko ‘yon ay humingi pa ako ng bago kay Ate Vixen. Hindi ko alam kung naka-ilang lata ako ng flavored beer. Ang alam ko lang, lasing na ang karamihan sa amin at kung anu-ano na ang pinag-s-share. Kahit yung private life nila ay go na go sa pagkwento!
***
Nakangiwi akong bumangon sa kama nang naalimpungatan ako. I turned to face the bedside table kung nasaan nakapatong ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon at tiningnan ang oras. It‘s only six in the morning. Mamaya pa naman na eight magsisimula ang program.
Tumayo na ako saka naghanap ng masusuot doon sa dalang bags ni Ate Vixen. Nasa backpack daw an susuotin namin ngayong umaga. Huwag ko raw munang buksan ang duffle bag. K lang.
Hindi na ako nag-abalang maghilamos o kung ano pa man. After gargling ay naligo na kaagad ako para mabilis na matuyo ang buhok ko.
Paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin si Ate Vixen na humihikab pa at si Mira na magulo ang buhok. Sa hula ko, tulog pa si Zion.
Mukhang nagulat naman sila nang makitang tapos na akong maligo so I shrugged. Ayaw kong makipag-unahan sa kanilasa CR. Matagal din kasi akong maligo kaya mabuti nang nauna ako.
“Ang aga mo naman. Parang walang ginawa kagabi ha.” natatawang saad ni Ate Vixen habang nagsusuklay ng buhok. “Hindi man lang halata na puyat ka!”
“So true. Akala mo talaga hindi siya nag-rant dahil sa lalaki.” gatong pa ni Mira na kakabalik lang galing maghilamos.
“Grabe, confession ba yung ginawa mo kagabi?” dagdag pa nito kaya taka ko silang tiningnan habang nagsusuklay. Hindi ko matandaan lahat ng ginawa ko.
Alam kong hindi lang flavored beer ang ininom ko kagabi dahil may nagbigay pa sa akin ng shot glass kagabi na may lamang hindi ko alam kong GSM ba ‘yon o soju. Ubos na raw kasi ang flavored beer. Makailang ulit din akong nag-shot kaya paniguradong grabe ang tama ko kagabi. Loko talagaaa!
Pilit kong inaalala kung may ginawa ba akong kalokohan kagabi habang sila naman ay nag-gagayak na rin. Natapos na lang ako sa pag-ayos ng buhok ko pero wala pa ring pumapasok sa utak ko.
I went to the mini kitchen para magtimpla ng kape. I forgot to drink kasi kanina. Habang iniinom ko ang tinimpla ko ay nakatulala lang ako nang may biglang pumasok sa isip ko.
Wait... WHAT THE FUDGE?
Agad na nanlaki ang mga mata ko at halos maibuga ko ang iniinom kong kape ngayon nang maalala ko na ang katangahan ko kagabi.
“He caught my attention nung una kaming nag-meet sa café at hindi ko naman alam na magiging classmate ko pa pala. Ending, heto, hulog na hulog. Ang lakas pang magbigay ng mixed signals e alam niya namang delusional ako!”
“Sino ba ‘yan?” tanong sa akin ni Zion pero suminghot-singhot lang ako na parang bata habang pinupunasan ang luhang kumawala sa mata ko.
“Iyan ba yung poging naghatid sayo?” pang-uusisa ni Ate Vixen kaya tumango ako.
“Pogi yun ha! Bet ko!”Our cousins were quietly listening sa mga pinagsasabi ko.
“E sa may girlfriend nga siya! May pasabi-sabi pa siya na wala raw siyang interes sa babae pero may girlfriend naman pala! He‘s so hard to understand! Mas mahirap pa siyang intindihin kaysa sa Chemistry namin. Tapos ang sabi pa bago ako umalis, liligawan niya raw ako. May balak ba siya na gawin akong side chick? The heck?”
“What‘s his name again?” tanong ni Ate Vixen so I paused before talking.
“Si Kio.”
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Fiksi RemajaXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...