XANTIEL
“ZIOOOON!”
I irritatedly looked at him saka ito hinabol para batukan. Pano ba naman, habang kumakain kami ng breakfast kanina, ang daldal niya. Kung anu-ano ang pinag-k-kwento hanggang sa naging topic na si Kio. Gusto tuloy makilala nila Mama kung sino raw ‘yon!
“Pwede na bang mag-boyfriend si Xanti Tita?” tanong ni Zion kay Mama kaya pasimple kong sinipa ang paa niya sa ilalim nitong lamesa. Ipapahamak niya yata ako e!
Hindi ako nito pinansin saka ibinaling ang tingin kay Papa. “Tito, anong masasabi mo?” tanong nito kaya tumingin sa akin si Papa.
“Bakit? May boyfriend na ba si Xantiel?” pang-uusisa ni Papa kaya mabilis akong umiling para itanggi ang mga paratang nila.
Mamaya ka sa‘kin Zion!
Zion shrugged while looking at me. Halatang gusto niya akong asarin so I rolled my eyes. “Wala po. Wala pa naman...”
“Pero may manliligaw po yata.”
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya nang sabihin niya iyon sa harap nila Mama. Malalagot na talaga ako, nararamdaman ko na. Bwiset ka Zion!
Sumenyas si Mama para iabot ang kanin sa kaniya saka nagsalita. “Oh, edi mabuti !Kung mayroong manliligaw, ipakilala agad sa amin.”
Seryoso akong tiningnan ni Papa saka tinanong. “May nanliligaw na ba sayo ngayon?”
Gagawin ko sana ang ginawa ko kanina. Iiling sana ulit ako para itanggi pero dahan-dahan akong tumango to confirm it. Kahit na ayaw kong usisain ako nila Mama, um-'oo' ako dahil alam ko ang pakiramdam ng dine-deny. Dadalawin lang ako ng konsensya ko kung itatanggi ko si Kio. Masakit kaya ‘yon.
“Manliligaw mo ba yung poging kausap mo before tayo umalis?” singit ni Tita Mommy kaya tumango ulit ako.
“Kio ang pangalan ng batang ‘yon hindi ba?” I nodded again.
Puro tango lang ang ginawa ko doon.
“Nako, Xandra! Mabait ang batang ‘yon. Hinatid niya si Xantiel sa bahay nung may family dinner tayo. Guwapo rin! Mas lalong gaganda ang lahi niyo kapag ‘yon ang makatuluyan ni Xantiel!” pagbibiro pa ni Tita kaya parang gusto ko nang lamunin ng lupa. Ayaw ko na talaga. Malilintikan ka talaga sa akin Zion.
“Huy!” Napabalik ako sa huwisyo dahil sa ginawa ni Zion.
Agad kong hinila ang buhok niya saka siya kinurot sa tagiliran. Pasalamat siya at bagong putol ang mga kuko ko. Hindi masiyadong matulis kaya hindi gaanong masakit ang kurot.
Napadaing ito dahil sa ginawa ko kaya binitawan ko na siya saka hinampas sa balikat. Aba, lintik lang ang walang ganti ano!
“Ipakilala mo na kasi sa amin ‘yang Kio mo!” nang-aasar na saad nito habang naglalakad kami papunta sa pool kung nasaan sila Ate Vixen.
“E kung ipakilala kita sa kamao niya?” nakangiting tanong ko rito kaya umirap siya at hindi na nagsalita.
When we reached the pool ay nagulat ako nang may nagsaboy sa akin ng tubig kaya basang-basa kaagad ako. Bago ko pa makita kung sino ang may gawa noon ay may tumulak na sa akin papunta sa tubig. Ending, para akong tanga rito na naka joggers pa pero nag-s-swimming na. Mga linteeek!
Lumangoy ako papunta sa may hagdan saka umupo doon. Nakita kong nagtatawanan sila Zion kasama sila Mira habang nakatingin sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin. Mga bwiset! Alam kong isa sa kanila ang nagsaboy sa akin ng tubig at si Zion naman ang tumulak sa akin. Syempre, kaming dalawa lang ang nasa side ng pool kanina e.
Thank God at marunong akong lumangoy dahil kung hindi, paniguradong kanina pa ako nalunod doon.
Kaya pala pinagsuot na ako ni Ate Vixen kanina ng one piece na swimsuit sa ilalim ng damit ko dahil ito pala ang plano nila. Pano ko ba sila naging pinsan?
“Lapit ka rito!” sigaw ni Mira saka sumenyas kaya tumango ako saka nagpaalam muna na huhubarin ang suot kong t-shirt at jogger. Mukha akong tanga kung ito ang isusuot ko doon.
Pagkabalik ko sa pool ay kaagad akong pumunta sa pwesto nila at doon na tumalon. No need mag hagdan.
“Nagustuhan mo yung surprise?” natatawang tanong ni Ate Vixen kaya sumimangot ako saka winisikan ng tubig si Zion.
“Okay lang naman. Hindi ko lang talaga tanggap ang kadaldalan ni Zion kanina.” mataray kong tugon saka inirapan si Zion.
Tumawa lang naman sila saka nagsalita si Mira. “Ipakilala mo na kasi, kahit sa amin lang muna. Like what Zion and I did ba.”
“Sa inyo lang.” usal ni Ate Vixen saka ngumisi. “Kilala ko na yung Kio e. Pogi!” dagdag pa nito kaya inasar na naman nila ako. Ayan na naman sila.
Puro kalokohan lang ang ginawa namin habang sa pool. We swam sa beach at pool buong araw. Feeling ko nga ay mangingitim ako dahil sa sobrang pagbabad ko sa araw e! Walang mga pabida at plastic na relatives kaya na-enjoy ko talaga siya. Ang dami ring pagkain at alak kaya sobrang saya.
***
“Wow. Pasalubong ko?”
Iyan agad ang bungad sa akin ni Sachi nang makabalik ako sa apartment namin. They dropped me off here dahil delikado raw ang mag-commute saka van naman ang dala nila. Sabagay, malayo yung resort galing dito at hindi ko rin alam kung nasaan ang terminal sa lugar na ‘yon.
I gave Sachi the bracelet that I bought from the souvenir store sa pinuntahan namin. Pagkatapos kasi ng swimming ay may pinuntahan pa kaming lugar na owned by our family raw. Sana all rich.
“Alam na alam mo talaga kung ano ang gusto ko.” nakangiting aniya kaya nagkibit-balikat ako saka ipinikit ang mata.
Kanina pa ako nakasalampak rito sa sofa simula pa noong dumating ako. Nakakapagod kasi. Feeling ko, wala na akong lakas para kumain pa ng dinner. Kumain naman kami bago nila ako iuwi e. Gusto ko na lang talagang matulog muna.
“Pagod na pagod ‘yan?” natatawang tanong ni Sachi kaya sumimangot ako.
“Naubos yata ang social battery ko! Kapagod ang byahe tapos pumunta pa kami sa isang isla kaninang umaga para makita raw ang isa pang property nila Grandma.”
Tinawanan ako nito saka umupo sa rug. “Sus! Akala mo naman hindi nag-enjoy e!”
Okay. For once, nakalimutan ko talagang boring ang summer. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kung hindi ako nag-enjoy sa reunion namin. It was really fun! They should schedule a reunion more often.
Pero hindi ko pa rin nakakalimutan si Kio. Gusto raw siyang makilala nila Mama! Si Zion naman kasi e! Pano ko ngayon sasabihin kay Kio na gusto siyang makilala ng pamilya ko?
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...