Chapter 36

13 1 0
                                    

XANTIEL

Kio really pursued me. Nililigawan niya ako at walang araw na hindi niya kami hinahatid-sundo ni Sachi. Noong isang araw nga ay napagkamalan na siyang driver namin noong landlady namin!

Kapag tapos na ang shift namin ay madalas kaming dumiretso rito sa food park para kumain. As usual, siya ang magbabayad dahil ayaw niya raw na gumagastos ako. Kaunti na lang nga ay iisipin ko kung soon to be boyfriend ko ba siya o soon to be sugar daddy e.

“Manong, dalawang tig sampu nga na fishball. Parehong maanghang po ang sawsawan.” nakangiting saad ko kay Manong na palagi kong binibilhan ng fishball dito.

Tumingin naman ito sa akin saka sa kasama ko na seryoso lang ang mukha. Siguro iniisip niya pa rin yung past niya kay Manong.

“Uy! Si iho na sumawsaw sa babaran ng sandok pala ‘tong kasama mo e!” Hindi ko alam kung inaasar ba ni Manong si Kio pero I gotta admit na it‘s funny. Si Kio naman ay sumimangot dahil doon.

“It‘s your fault po! Walang label ang sawsawan niyo!” nakabusangot na sagot nitong kasama ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Manners ha!” Para naman itong maamong tuta pagkatapos kong sabihin ‘yon. Si Manong naman ay nagpapalipat-lipat sa aming dalawa ang tingin habang inaasikaso ang binili namin.

“Teka nga, magkarelasyon na ba kayo iha?” takang tanong ni Manong kaya tumingin muna ako kay Kio bago nagkibit-balikat.

“Depende po.” nakangising tugon ko kaya parang batang inagawan naman ng lollipop si Kio habang nakatingin sa akin.

“Kinakabahan naman ako sa sagot mo Xantiel! Anong ‘depende?’ Grabe ka! Dapat ‘yes!’ ang sagot mo!” parang batang makatol nito kaya ngumiwi si Manong.

“Hala, tama nga na ‘depende’ ang sagot mo iha. Baka imbes na magkaroon ka ng boyfriend, magkaroon ka pa ng batang aalagaan.” nakangiwing aniya kaya mas lalong sumimangot si Kio habang ako naman ay natawa na lang bago sinakyan ang trip ni Manong.

“So true nga po. Daig pa niyan ang bata kung umasta. Grabe pa magpa-baby!” gatong ko pa kaya daig pa ni Kio ang batang nag-t-tantrums.

“But I am your baby!”

Nandidiring tiningnan siya ni Manong dahil doon bago iniabot ang binili namin.

“Eww ka iho.”

Doon na mismo namin kinain ang binili naming fishball habang nakikipag-asaran si Kio kay Manong. May mangilan-ngilang costumer din si Manong na babae na pasimpleng kinukuhanan ng litrato si Kio but I don‘t mind. Alam ko naman kasing sa akin pa rin ang bagsak niya.

Umiling na lang ako saka nagpasalamat ulit kay Manong nang maubos na namin ang binili bago kami naglakad pabalik sa kotse niya. Hindi pa man kami nakakalayo ay narinig ko pa ang sigaw sa akin ni Manong.

“Sabi ko naman sayo, magkaka-nobyo ka na!”

Natawa na lang ako dahil doon bago kami tumuloy na ni Kio. Ang lakas ng trip ni Manong. Palong-palo nang-aasar at si Kio naman, ayun asar-talo. Kagaya ko rin naman.

Nang makapasok kami sa sasakyan ng lalaki ay kaagad kong ibinigay kay Sachi ang pinabili niyang isaw saka tumingin sa harapan.

“Salamat dito ‘te. Ang sarap talaga!” nakangiting aniya kaya umirap ako.

“Syempre. Masarap talaga kapag libre.” umiiling kong saad kaya nginitian lang ako nito saka kumagat sa isaw na hawak niya.

Naaalala ko sa kaniya si Kia dahil sa ugali niya. Kumusta na kaya siya? I heard na nakalabas na ito ng ospital nitong nakaraan lang pero hindi ko pa nakakausap dahil busy.

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon