Chapter 42

12 1 0
                                    

XANTIEL

It‘s been a week pagkatapos ng nangyari doon sa outing namin. Payapa na ang buhay namin. Si Trisha? May problema raw ‘yon sa pag-iisip. Hindi ko alam kung sa kulungan ba talaga ang bagsak niya o sa mental hospital. Wala naman akong pakialam e. Sila Mama na ang umaasikaso noon at tumutulong din ang pamilya ni Kio. Even my friends’ parents are helping din.

Napag-alaman kasing si Trisha rin ang nang-hit and run kay Kia. Idagdag pa yung tangkang pagpatay niya sa akin kaya patong-patong ang kaso niya. Sheesh, swerte niya naman.

“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ni Zach habang naglalakad kaming lima.

Holiday kasi ngayon kaya sinarado niya muna ang café. Oras na raw kasi para kami naman ang mag-enjoy.

Hindi siya nagdala ng kotse. Kahit si Kio ay iniwan din ang sasakyan niya kaya naglalakad kami ngayon. Utos ko naman ‘yon kasi para mag-nature walk naman kami. Nakakaumay na kasi yung nakasakay palagi e.

“Ano na? Saan tayo?” pag-uulit ni Kio kaya nagkibit-balikat ako.

“Sumusunod lang ako sa inyo.” tugon ko kaya napatigil sila sa paglalakad.

Hulaan ko, hindi nila alam kung saan kami pupunta. Para kaming mga tanga sa ginagawa namin.

We ended up sa municipal park na kakatapos lang ma-renovate. We sat down sa isang bench na malapit sa playground at pinagmasdan ang mga batang naglalaro doon.

Hindi na siguro nakatiis ‘tong mga kasama ko at nagpaunahan papunta sa slide. Nagtutulakan pa sila sa hagdan gosh! Baka mahulog sila.

I took my phone saka sila pinicturan. I‘ll post this later. Healing their inner child siguro ang ginagawa nila.

“Uupo ka na lang dyan?” sigaw ni Sachi sa akin saka tinaasan ng kilay kaya tumawa ako saka in-off ang cellphone. Inilagay ko ‘yon sa sling bag ko at iniwan kasama ang mga gamit nila.

Doon ako sa swing pumunta dahil ito talaga  ang paborito ko. Bagay para sa mga gustong mag-senti!

Ako ang naaawa sa slide ngayon. May apat na damulag na nagtutulakan.

Yung mga bata na naglalaro kanina, pinagtatawanan sila lalo pa noong tinulak nila si Zach sa slide. Kawawang Zach.

Sumunod naman sa kaniya si Kio na excited pa. Nang makarating siya sa baba ay agad itong lumapit sa akin saka ako hinila papunta sa seesaw.

“Dito naman! Nakakapagod makipagsiksikan sa kanila!” nakasimangot niyang saad saka pumunta sa kabilang dulo nitong seesaw.

He sat down there habang nakatingin sa akin. As if he was waiting for me to do the same.

Wala akong nagawa kun'di ang daluhan siya doon. It‘s been a long time naman na since I last tried the seesaw. I can clearly remember what happened that time. Nalaglag lang naman ako. Yeah, great.

Para kaming mga bata na ngayon lang pinayagang lumabas at maglaro ng mga magulang namin. We enjoyed every minute habang nadito kami sa park.

We get to talk with kids and play with them too. Mababait sila, unlike some kids from our province na nambabato pa. Pero okay lang, I know that they‘re good kids naman. Napapabayaan lang talaga.

Alas onse na nang mapagdesisyonan naming maghanap ng makakainan. Hindi ako gaanong pamilyar sa lugar na ‘to dahil minsan lang nga akong gumala kaya wala akong alam na makakainan namin. Clueless kaming lima kung saan kakain.

Not until Zach pointed the other side of the street. May maliit na kainan doon at alam kong karinderya ‘yon. Hindi naman ako anak-mayaman kaya I know some stuffs like this.

“Doon kaya? I want to try it out.” suhestiyon ni Zach. Mukhang okay lang naman sa kanila kaya sumang-ayon na lang din ako. Based on my experience, masarap naman ang mga pagkain doon tapos affordable pa.

Sabay-sabay kaming tumawid ng kalsada at dire-diretsong pumasok doon sa karinderya.

Medyo maraming tao ang nandoon. Sabagay, it‘s lunch time.

I woman in her mid 40‘s I guess greeted us. Katabi niya ang isang malaking glass na estante kung saan nakapatong ang iba't ibang putahe na hindi ko alam ang tawag sa iba. Unfamiliar.

I instructed them to find a table for us na kaagad naman nilang sinunod. Ang naiwan na lang ngayon dito ay kaming tatlo nila Kio.

“Hello po! Anong tawag po dito?” tanong ni Zach doon sa babae at may itinurong pagkain. I know that one!

“Bicol express ‘yan.” sabat ko sa kanila saka I apologetically smiled at Ate.

Maanghang ang pagkain na ‘yon. Well, it‘s not called ‘Bicol Express’ for nothing.

Kung anu-ano pa ang tinanong nila kay Ate bago sila nag-isip kung ano ba talaga ang bibilhin nila. Iniisa-isa na yata nila ang lahat ng pagkain na nakalagay doon e.

Nagpaalam ako sa kanila na doon na lang sa mesa maghihintay. I immediately sat beside Sachi.

Wala naman akong problema sa kung anong o-orderin nila. Hindi naman ako maarte sa pagkain. Not unless I‘m allergic to it.

“Mahal ba rito?” tanong ni Sachi habang nililibot ang paningin sa loob ng kainan.

Her gazed stopped doon sa may pinto papuntang dirty kitchen siguro. May babae doon pero hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. Nearsighted things.

“KKB na lang kung mahal.” sabat ni Dyreen kaya sumang-ayon na lang ako. Hindi ko rin alam kung mahal ba rito o hindi dahil magkakaiba naman ang presyo ng mga pagkain sa mga karinderya.

“Sino ba ‘yang tinitingnan mo Sachi?” tanong ko sa kaniya kaya kaagad naman siyang tumingin sa akin saka umiling.

“Wala. Akala ko kasi, may nakita akong kakilala ko.” sagot nito kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating ang mga lalaki na may kasamang dalawang babae at may bitbit na tray. Kasabay nang paglapag nila ng tray ang pag-upo nila Kio at Zach sa harap namin. We thanked the two girls bago ito umalis.

“We ordered caldereta, bulalo, bicol express, bopis, and sisig. I bet masarap sila.” excited na sambit ni Zach habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harap namin. Ang dami! Mauubos na talaga namin ang lahat ng ‘to?

“Binigyan din kami ni Ate ng libreng chicken broth.” proud na saad ni Kio kaya ngumiti na lang ako.

Chicken broth-chicken broth pa, e sabaw lang sa‘min ‘yan!

We prayed first bago nilantakan ang mga binili nila. I wanted to try the bopis dahil mukhang masarap ‘yon pero caldereta ang napunta sa akin. Nilagyan ako ni Zach sa plato e kasi it tastes good daw. Kio agreed dahil kumain din naman daw siya noon kaya sinubukan ko na lang din.

Hindi ko pa man nalulunok ang pangalawang kutsara ko ay may nalasahan akong kakaiba kaya kaagad ko itong iniluwa sa plato ko. Taka naman nila akong tiningnan dahil doon.

“Hindi ba masarap?” nagtatakang tanong ni Zach but I ignored it saka sila tinanong.

“May peanuts ba ‘to?” Nagkibit-balikat naman sila habang nagsisimula na akong mamantal at mangyari. Lintek naman oh!

“I heard someone kanina na huwag daw kakalimutang lagyan ng peanut butter ang caldereta. Mas masarap daw kasi kapag ganoon.” sabat ni Kio.

“Huy ‘te, okay ka lang?” tanong sa akin ni Sachi nang mapansin ang pasimpleng pagkamot ko sa leeg. Sigurado akong namamantal na doon.

I immediately shook my head saka sumagot. “I‘m allergic to peanuts for Pete's sake!”

And the next thing I knew, I fainted.


TBC

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon