XANTIEL
“OMG! Dapat talaga, sumama ako sayo kanina!” parang batang saad ni Sachi. Kanina pa siya ganiyan.
Pagkatapos nung nangyari sa café kanina ay umuwi na ako. Dito ko na lang sa apartment itutuloy ang pag-r-review.
Pagpasok ko pa lang sa apartment kanina ay mukha ni Sachi ang bumungad sa‘kin. In-interview ako tungkol sa experience ko doon sa café kaya kinuwento ko sa kaniya ang nangyari. Pagkatapos no'n, ‘eto parang baliw na.
“Yung kaibigan, pogi ba talaga?” pangungulit nito kaya tumango ako.
She asked that question for the nth time! Hindi ba siya nagsasawa?
“Sakto! Tag-isa tayo!” makulit na aniya kaya napairap ako. Kahit kailan talaga!
Lumakad ako papunta sa kama ko bago itinapon ang sarili doon.
“Alam mo Sachi, i-review mo na lang ‘yang oras mo instead of doing irrelevant stuffs.” I lazily said habang siya naman ay umupo sa kama niya na kaharap ko lang.
Kumuha siya ng unan saka ito niyakap. “Kaya ko namang mag-exam nang hindi nag-r-review Xantiel!”
“Pero hindi mo naman sigurado kung papasa ka.” pang-r-realtalk ko sa kaniya kaya napasimangot ito.
“Kailangan pa ba ‘yon?” parang batang tanong niya so I shrugged.
“Kung ayaw mong umulit ng isang taon, malamang magsisipag ka talaga sa pag-aaral mo.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay pareho kaming natahimik. Parang may dumaang anghel.
Nakahilata lang ako ngayon habang nakatitig sa kisame. Nakakapagod ang araw na ‘to! Napagod ang utak ko sa kaka-review.
Mamaya pa naman kami mag-d-dinner ni Sachi. Alas syete pa kaya matutulog na lang muna ako.
***
“Mabuti't gising ka na.”
I yawned while staring at Sachi na nanunuod ngayon ng K-drama sa laptop niya.
Dumiretso ako sa CR para maghilamos. Paglabas ko ay pumunta naman ako sa lababo para magmumog. Huli kong pinuntahan ang hapag-kainan.
“May pagkain na dyan sa mesa. Kumain ka na lang. Nauna na kasi ako.” saad ni Sachi habang tutok na tutok pa rin sa pinapanuod.
Mukhang wala talaga siyang balak na mag-review. Kapag nasimulan niya kasi ang isang series ay tuloy-tuloy na talaga hanggang sa matapos. Good luck na lang sa exam niya.
“Sachi..” tawag ko rito.
Tanging “hmm?” lang ang tugon niyo. Naka-focus lang kasi ang mata niya sa laptop. Hindi man lang ako nagawang lingunin. Ouch.
“Bakit ka pala napatawag kanina?” tanong ko rito habang nagsasandok ng kanin.
Masarap ang ulam na niluto niya. Parang chop suey. Hindi ko alam ang tawag, ginisang gulay lang ‘to sa‘min eh!
“Oh, about that.”
Saglit siyang tumahimik, mukhang nag-iisip ng sasabihin habang papalapit sa akin. Dala niya ang laptop niya na naka-off na ngayon.
“Tatanungin sana kita kung anong plan mo this summer.”
Bahagya akong natigilan nang dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, patapos na ang pasukan. Great.
“Kailangan ba talaga na may summer every year?” nakangiwing tanong ko rito kaya I irapan niya ako.
“Umayos ka Xantiel. Last year ay nagkulong ka lang daw sa bahay niyo buong summer. Mag-enjoy ka naman!” sermon nito but I didn't mind at all.
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Fiksi RemajaXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...