XANTIEL
Nakasalampak ako sa sofa habang nababagot na nakatingin kay Sachi. Kanina pa siya kwento nang kwento tungkol sa kung gaano raw ka-pogi si Zach at tungkol sa mga experience niya sa first day niya sa café.
“Saka alam mo Xantiel? Ang hot niya kapag pinagpapawisan!”
Ngumiwi naman ako nang dahil doon. Pinagpapantasyahan niya pa ‘yong lalaki ah!
“Alam mo Sachi? Wala kang chance do'n.” I bursted her bubble pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-k-kwento na animo'y walang naririnig. Wow.
Bahala siya dyan. Kapag na-broken siya, ako talaga ang unang tatawa. Hindi nakikinig e!
“Bakit malungkot ang beshy ko?” pang-aasar nito saka tumabi sa akin.
I rolled my eyes dahil sa tanong niya. Hindi naman siguro obvious yung dahilan.
“Alam mo Xantiel, huwag ka nang malungkot. Makakahanap ka rin ng taong para sayo.” parang tangang saad niya kaya I looked at her with disbelief.
“Hindi lalaki ang problema ko! At kahit kailan, hindi ko poproblemahin ang kung sino mang lalaki.” mataray kong tugon pero tiningnan niya lang ako na parang nanghahamon.
“Huwag kang magsalita ng tapos ‘te!”
“Baka mamaya, malaman ko na lang na may boyfriend ka na ha!” dagdag pa nito kaya nginiwian ko siya.
“As if!”
I will never. Sa panahon ngayon, bihira ka na lang makakita ng matinong lalaki kaya huwag na lang. Marami ang paasa, red flag, at mga mixed signal giver dyan sa tabi-tabi. Kaya kaysa naman mapunta ako sa kung sino dyan na papaiyakin at lolokohin lang ako, mananahimik na lang ako rito sa gilid. Salamat na lang kako.
“So bakit nga malungkot ka?” tanong niya na ngayo'y nanunuod na sa TV.
“Na-s-sense ko na kasi na malapit ka nang ma-broken kay Zach.” sarkastikong sagot ko sa kaniya kaya hinampas niya ako ng throw pillow. Saan naman ‘yon galing?
“Alam mo, suportahan mo na lang ang bestfriend mo. Napaka-KJ mo talaga!”
Tinawanan ko lang siya saka inagaw ang remote at inilipat ang channel ng TV. Ako naman ang manunuod. Schedule ngayon ng pinapanuod kong cartoons. Yung Where’s Wally!
***
“Good morning class!” masayang bati ni Prof Lee sa amin. Sana all masaya.
Nagtataka naman akong tumingin kay Prof nang mapansin kong nakasuot lang siya ng pangbahay. Pwede pala ‘yon?
“Walang good sa morning lalo na kung may summer class pa.” rinig kong reklamo ng isa naming kaklase saka dumukdok sa kaniyang mesa.
Palihim na lang akong suminghal at umirap dahil do'n. Kahit kailan talaga, mga walang modo ang ibang kaklase namin. Sana hindi ko na sila kasama next academic year!
“Sad to say pero hindi ako ang magtuturo sa inyo sa summer class.” umakto pa siya na parang nasasaktan ng sabihin niya ‘yon.
“Pagpapahingahin na raw muna kami at ipapaubaya sa student teachers ang trabaho.” dagdag pa nito kaya hindi mapigilang mag-ingay ng mga kaklase ko.
“Sana all Prof, pinag-r-rest!” sarkastikong sigaw ng isang kaklase namin kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Trisha.
“Rsspeto naman..” mahinhing suway nito pero tinawanan lang siya ng lalaki.
“Huwag kang bida-bida Trisha. Stop acting like an angel. You can drop the act now tutal summer class na lang naman.” pangbabara nito kaya hindi naman nakaimik ang babae.
Anong "drop the act?" May alam ba siya tungkol sa pinaggagawa ni Trisha?
“Okay okay. Kalma lang kayo. Baka mamaya biglang may bumisita sa guidance office.” biro ni Prof pero alam kong may pinapatamaan siya noon at the same time.
Mga galawan na panis na! Hayy!
“Dahil hindi nga ako ang mag-a-asikaso sa inyo, I‘ll now introduce your student teacher para makilala niyo na.”
May tinawag siyang pangalan sa labas ng room. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang lalaki na sa tingin ko'y ilang taon lang ang agwat sa amin. Mukhang bata pa e.
Pumunta ito sa gitna bago nagpakilala.
“I‘m Kester Mendez.” simpleng pagpapakilala nito.
Kester. Kester. Bakit familiar?
Pansin ko ang pasimpleng pagtingin nila Thara sa pwesto ko.. ay hindi! Sa pwesto pala ni Yvette!
Oh wait, si Yvette. Tama! Binanggit ni Kia ang pangalang Kester nung pabalik kami sa room galing sa Lab. Doon din sinabi ni Yvette na huwag daw banggitin ang pangalang ‘yon.
Ano bang meron sa kanila? Siya ba yung Kester na tinutukoy nila Kia? O baka naman coincidence lang?
Napuno ang utak ko ng mga tanong tungkol sa Kester na ‘yon. Kung itong student teacher man namin ang tinutukoy nila, in fairness, may itsura. Kung hindi, sino ba ang tinutukoy nila?
“Huy! Your spacing out!”
Napabalik ako sa huwisyo nang may sumipa ng upuan ko galing sa likuran. Inis ko namang tiningnan si Kio dahil do'n.
“Required ba talagang sipain?” masungit kong tanong pero ginaya niya ang sinabi ko.
“Required ba talagang sipain?”
Yuck! Ipit pa ang boses! Hindi bagay!
“Tigilan mo ‘yan, hindi bagay sayo.” umiiling kong suway dito pero pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya kaya nakaisip naman ako ng kalokohan.
Tingnan ko lang kung hindi ka pa tumigil nito.
“Ang ganda ko.” natatawang saad ko kaya ngumisi naman siya.
“Ang gwapo ko.”
Hah! Humangin bigla kahit naka-off naman ang aircon.
“Stop that Kio.”
“Stop that Kio.” panggagaya niya pa rin kaya lihim akong napatawa. Oras na siguro para gawin ang kalokohan ko.
“I love you Kio.” nakangiting saad ko kaya ginaya niya ulit ito pero kaagad naman siyang napatigil ng may na-realize.
“I love you Ki— Teka, ano?” gulat nitong tanong kaya tinawanan ko naman siya.
Titigil ka rin naman pala e!
“Kung nakita mo lang ang reaksyon mo kanina!” tumatawang ani ko habang siya naman ay nakasimangot na ngayon.
“Edi wow.” masungit niyang saad habang nag-m-make face kaya mas lalo ko siyang tinawanan.
“Wow, nagtatampo ka?”
“Tampo ‘yan? Pwes, humanap ka ng susuyo sayo!” pang-aasar ko rito kaya mas lalo lang siyang sumimangot saka kinalabit si Yvette.
“Inaaway ako ng kaibigan mo oh!” pagsusumbong nito pero inilingan lang siya nito.
“Para kang bata.” masungit na tugon nito kaya nagkatinginan naman kami ni Kio.
Luh!
“Hala ka.” pananakot ko rito kaya pinandilatan niya naman ako ng mata.
“Wala akong kasalanan!” depensa niya.
“Baka ikaw.” dagdag pa nito kaya inirapan ko siya. Heh!Pero nakapagtataka. Hindi naman moody si Yvette. Nakangiti pa siya kanina pero bigla na lang nag-seryoso. May problema kaya?
—
TBC
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Teen FictionXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...