Chapter 10

21 2 0
                                    

XANTIEL

“I would like to commend all of you for a job well done.” nakangiting sabi ni Prof Lee.

“I like the smell of your perfumes. Hindi siya masakit sa ilong.” pagpuri pa nito kaya nagpalakpakan kami.

“Lahat naman kayo ay nakakuha ng mataas na marka..” masayang saad nito kaya mas lalo pang lumakas ang palakpakan.

Great! Walang babagsak!

“...Pero ang grupo nila Kio ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Hindi lang kasi sa perfume nila ginalingan. Pati rin sa documents. Congratulations!” pagpuri nito kaya nagkatinginan naman kaming magkakagrupo.

Yehey! Worth it ang pagod at pag-cram!

Pagkatapos mag-anunsyo ni Prof ay nagpaalam na itong aalis. Early dismissal daw ngayon kaya marami ang nagbunyi. Syempre, pati na rin kami.

“Ey, congrats sa‘tin!” masayang sambit ko kaya ngumiti naman sila.

”This calls for a celebration mga boss! Yung perfume ni bohxsz Kio, successful!”

Napasimangot naman si Kio nang marinig niya na naman ang pangalan ng perfume.

Noong ginagawa ko ang papel namin ay nagdedebate pa sila tungkol sa pangalan. Gusto kasing palitan ni Kio dahil ang jeje raw saka bakit sa kaniya pa nakapangalan. Wala rin naman siyang choice dahil majority win at lahat kami (hindi siya kasama obviously), ay sumang-ayon na iyon na lang ang pangalan. Ending, Perfume ni bohxsz Kio ang pangalan na ipinasa namin.

“Gala! Gala!” pag-aaya ni Kia kaya tumanggi naman ako.

Uuwi ako ngayon ng maaga. Magpapahinga muna.

“Mauna na muna ako sa inyo. Gusto ko munang magpahinga ngayon.”  pagpapaalam ko pero pinigilan ako ni Yvette.

“Hindi ka sasama?” tanong nito so I shrugged. Depende naman ang sagot ko e.

“Uuwi na muna ako, Yve.” pagkumbinsi ko rito.

Agad naman nilang inayos ang mga gamit nila saka isinukbit ang kanilang backpack.

“Edi tara!”

Taka ko naman silang tiningnan nang mauna nang maglakad. Saan naman ang punta nila?

“Tara na.” pag-aaya ni Kio saka sumunod kela Yvette.

Kahit nagtataka ay sumunod na lang din ako sa kanila.

Yung magpinsan, medyo okay na sila. Kami ni Trisha? Ewan. Iniiwasan ko muna siya hanggang ngayon.

Nagdadaldalan sila habang naglalakad at kung anu-ano ang topic. Mukhang may balak pa silang mag-inuman.

“Lalakad ka lang pauwi?” tanong nila sa‘kin kaya tumango ako bilang sagot.

“Ihahatid ka namin.” desisyong sambit ni Yvette kaya napangiwi ako. Wala naman akong choice e.

Kapag hindi ako pumayag, siguradong pipilitin lang nila ako.

Nang makarating kami sa gate ay hindi sila humiwalay sa‘kin. Kahit si Kio. Mukhang desidido talaga silang ihatid ako pauwi.

“Malayo ba sa university ang bahay niyo, Xantiel?” tanong ni Kia kaya tumango ako.

“Yung mismong bahay namin ay talagang malayo sa university. Yung apartment naman na tinutuluyan ko, ‘yon yung malapit lang. Walking distance.” paliwanag ko sa kanila kaya napa-‘ah’ na lang sila.

Ilang minuto pa kaming naglakad bago nakarating sa apartment. Panay tanong sila tungkol sa buhay ko hanggang sa napunta kay Kia, Yvette, at sa lahat. Ang iingay nila sa daan!

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon