Chapter 3-Deluxe Hotel

3.1K 46 1
                                    

Chapter 3

STACIE'S POV

Ahhh, sino ba tong lalaking to? Bakit alam niya ang pangalan ko?

"Hoy stalker ba kita? Sino ka? Bakit alam mo ang pangalan ko?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hoy ka rin, stalker? Eh ngayon nga lang kita nakita, tsaka nalaman ko yang pangalan mo dahil sa pendant ng necklace mo" napatingin naman ako sa necklace ko. Oo nga no, tinanggal ko yung necklace ko at nilagay sa bag ko.

"A-Ah, bawal, hindi pwedeng i-laundry to, d-dapat handwash" sabi ko at tumalikod na sakanya, well, kapag hiyang-hiya ka na, dapat mag-change ka na ng topic. Naglakad-takbo ako para lang maka-iwas sa kahihiyan.

Yung teddy bear ko, kanino ko ito ipapalaba, wala sila yaya, siguro kailangan ko nang gamitin ang mga kamay ko. Hala, gabi na uuwi na ako.

ANICA'S POV

"Hmm, sarap ng tulog ko" sabi ko habang nag-iistretch, tumingin ako sa orasan ko sa side table ng bed ko. Ayy potek, 8:06 pm na, sobrang haba naman ng tulog ko. Ni hindi man lang ako ginising ni nanay.

Bumaba ako papunta sa kusina at naghanap ng makakain, wala bang niluto si nanay? hmph, wag na nga lang. Kumuha ako ng isang cup at mainit na tubig sa thermos, magtitimpla na lang ako ng kape. Nang natapos na akong mag-timpla, kumuha ako sa ref ng biscuit at pumunta na sa kwarto.

Nilagay ko sa side table yung bitbit kong kape at biscuit, sinara ko na yung pinto. Ano kayang gagawin ko? Ayy alam ko na, kinuha ko yung cellphone ko at nag-type ng message. Habang nagta-type, iniinom ko yung kape at kinakain yung biscuit.

To: Mama

Ma, kamusta ka na po? sana masaya ka po diyan kahit ikaw lang mag-isa, miss na po kita, sana bumisita ka man lang dito sa bahay.

sending....

sending....

message sent.

Ahh sa mga nagtatanong kung bakit wala dito si mama, bata pa lang ako hindi na nakatira dito si mama, simula ng pinanganak ako ang nagtayong ina para sakin ay si nanay Jenny. Hindi ko pa nakikita ng personal si mama pero meron akong picture niya sa wallet ko, hindi ko alam kung bakit hindi siya dito nakatira, siguro nag-away sila ni papa, si papa ay may iba nang pamilya, hindi na siya dumadalaw dito simula nung 10 years old ako, kung kailan nalaman ko din yung contact number ni mama. Basta ang alam ko si mama ang nagpapadala ng pera dito samin.

Gets niyo po ba? Hindi po pala nag-rereply sakin si mama, simula pa noong nagsimula akong mag-text sakanya, pero ang mahalaga nababasa niya ang mga text messages ko. Nilagay ko na yung phone ko sa ilalim ng unan ko, bukas ko na lang ibababa tong mga kalat ko, pinatay ko na yung ilaw. May trabaho pala ako bukas, makatulog na nga.

/the next day/

"Nay, alis na po ako late na ako eh" sigaw ko habang tumatakbo palabas.

"Teka, hindi ka kakain?" rinig kong sigaw ni nanay.

"Hindi na po dun na lang ako kakain" sigaw ko habang tumatakbo palabas.

Sinara ko na yung gate at nag-para agad ng taxi. Aish! Bilis na, late na ako. After 3 minutes, may huminto nang taxi. Haay salamat naman, binuksan ko agad yung pinto at pumasok sa taxi

"Manong, sa Deluxe Hotel po, pwede pong pakibilisan?" sabi ko, hindi naman sumagot si manong at nag-maneho lang.

Hinanap ko sa bag ko yung stockings ko at sinuot na yun, kinuha ko rin yung sapatos ko at sinuot na rin. Hinanap ko yung hairpin ko at inayos yung buhok ko, naghanap ako ng salamin, napatingin naman si manong na parang naiinis sakin, ngumiti na lang ako. Kumuha ako ng pulbo at humarap sa salamin sa unahan, naglagay ng pulbo at last na lang lip balm. Ayoko ng lip gloss eh.

"Hoy nandito na" sabi nung mamang driver.

"Teka lang po, matatapos na ako" sabi ko, ayan, tapos na, sinara ko na yung lip balm ko at inayos yung mga gamit ko.

"Salamat po, sa susunod po ulit" sabi ko.

"Iha, naubos halos kalahati ng gasolina ko sa kakahintay sayo, kaya kung meron mang susunod wag na lang" sungit ni manong, nginitian ko na lang siya at binigay yung bayad ko. Tumakbo na ako papasok sa hotel.

------------

A/N: Short update. Yehey! naka-update ako, since walang pasok ngayon, napag-desisyunan kong mag-update, at since independence day ngayon, malaya akong mag-surf ng net.

Happy Independence Day po, malaya na ang Pilipinas.

At dahil po independece day ngayon, please mag-comment po kayo, o kahit mga silent readers lang, mag-vote naman po kayo, mas okay po kung pareho kayong mag-cocomment and vote.

Justin in the multimedia.

Sorry for the typos and grammatical errors.

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon