Chapter 1-Eraser

6.2K 83 5
                                    

Chapter 1

ANICA'S POV

Haay salamat! Day-off ko ngayon sa hotel, makakapaglakad-lakad ako. Ayy oo nga pala, ako si Anica Celine Gonzales, 19 years old at working student. Nagtatrabaho ako sa isang hotel bilang isang server, nakalimutan ko yung pangalan basta hotel siya. Nandito ako sa bahay at kakagising ko lang pero trabaho agad ang nasa isip. Erase! Erase! Day-off ngayon dapat magpakasaya ka Anica hindi yung kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Tumayo na ako kasi naka-upo ako, malamang hehe. Pumunta agad ako sa kusina pagkatapos ko mag-ayos. Gutom na kaya ako.

/after 30 mins./

Tagal no? Bagal kasi kumain.

"Waaahh, busog na ako" sigaw ko habang hinihimas-himas yung tiyan ko.

"Hoy, wag ka ngang sumigaw diyan, mamaya niyan sinugod tayo ng mga kapit-bahay natin sa sobrang lakas ng sigaw mo. Nga pala, wala kang trabaho ngayon? Diba Sabado ngayon" tanong ni Nanay Jenny, siya ang kasambahay namin na kinalakihan ko, siya na ang tumatayong magulang ko. Anyways, every weekends kasi ang trabaho ko.

"Ah day-off ko po ngayon" sabi ko habang hawak ang baso ng tubig at nagtu-toothbrush "Ayy Nay, pwede po bang maglakad-lakad ako ngayon?" saka naglimugmog.

"Sige, basta wag kang gumawa ng kalokohan dahil malilintikan ka sakin" kinuha ko na yung bag ko at naglakad papunta sa labas "Hoy inumin mo tong vitamins mo" sigaw ni nanay, tumakbo na ako palabas, kasi naman ang laki ko na pinapa-inum pa ako ng ceelin.

"Alis na po ako" sigaw ko habang tumatakbo palabas at winawagayway ang kamay ko.

Saan ako unang papasyal sa zoo o sa park? Sa park na lang, marami kasing HAYOP sa zoo, hoy animals yun ha baka kasi iba ang iniisip niyo. Nasa park na ako, malapit lang naman kasi tong park na to sa bahay namin kaya ang bilis kong makapunta dito. Maraming tao, yung iba couples na nag-HHWW, yung iba naman buong pamilya na nagtatawanan, habang ako ALONE.

Pumunta ako dun sa isang bench na walang naka-upo. Umupo na ako, nilabas yung notebook at pencil ko sa bag na dala ko. Dito lang kasi sa park na to ako nakaka-drawing ng maayos

"Mali...Nasaan ba yung eraser ko?" sabi ko habang hinahanap yung eraser sa bag ko.

Bigla namang may umupo sa tabi ko na dahilan para matigil ako sa paghahanap ng eraser sa bag ko. Tiningnan ko siya, potek ang gwapo. Sino ba tong gwapong nilalang na to? Okay, kalma lang, gwapo lang naman yan eh. May kung ano siyang kinakalikot sa phone niya. Nag-tetext ata, hinanap ko na lang ulit yung eraser ko.

"Nasaan na kasi yun, kung kailan hinahanap saka nawawala" bulong ko sa sarili ko. Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng may isang kamay na may hawak na eraser ang bumungad sa harap ko. Tiningnan ko kung kaninong kamay yun, y-yung gwapong katabi ko na ngayon ay nakatingin sakin.

"Kailangan mo ng eraser diba?" sabi niya at ngumiti. Waaa that radiant smile. Sheett

"Ah t-thank you" bakit ako nauutal? kinuha ko na yung eraser at inerase yung mali ko. Narinig kong biglang nag-ring yung phone niya.

"Hello....opo....sige po, papunta na ako diyan" hindi ako nag-eavesdrop ha, katabi ko lang kaya siya kaya kahit ayokong makinig, maririnig at maririnig ko pa rin siya. Pagkatapos niyang i-end yung call ay tumakbo na siya palayo. Aish! hindi ko man lang natanong yung pangalan. Hmmp maka-alis na nga.

Niligpit ko na yung mga gamit ko at naglakad na palabas ng park. Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate may nakita akong maraming tao na nagkukumpulan, karamihan babae. Titingnan ko sana kung anong pinagkakaguluhan nila kaya lang nakakatamad makipag-siksikan sakanila. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa ibang direksyon.

"Waaahh pa-autograph blah...blah...blah" hindi ko naintindihan yung huling sinabi, gay linggoo taena

"Marry me fafa Terrence"

"Please be mine"

Yan ang mga naririnig kong sigaw nila. Naglalakad pa rin ako pabalik sa bahay, parang masyado atang lumalakas yung tilian nila, di ba dapat habang palayo ka ng palayo sa area kung saan galing yung tunog, humihina rin yung tunog. Bakit parang mas lalong lumalakas? O baka naman... Lumingon ako sa likod ko pero bago pa man ako makalingon.....

"Tabi!" sigaw nung lalaki sabay tulak sakin, ako naman napaharap sa pader at sa sobrang lakas tumama pa yung noo ko.

Aray naman, sino ba yung lokong yun? mukhang magnanakaw dahil sa suot niyang black leather jacket, black cap at pants. Teka... kinapa-kapa ko yung bag ko, whoo wala namang nawala. Inayos ko na yung sarili ko at lumingon sa pinanggalingan nung lalaking yun, hala, waaa help!

------------

A/N: First story update ng "My Celebrity Boyfie" I'm so happy.

Sorry po sa typos and grammatical errors, sisikapin ko pong wag nang magkamali.

Thank you rin po sa mga nagbabasa nito, salamat po talaga.

Yung gusto po magpa-dedicate, mag-comment lang po kayo. And please mag-comment naman po kayo, para nalalaman ko yung mga saloobin niyo at mag-vote na rin po kayo para masaya.

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon