Chapter 14-Miss...

1.7K 32 0
                                    


Chapter 14

STACIE'S POV

Oyy namiss niyo ba ako?? Sino nakamiss sakin, taas paa daliii hahaha de joke lang, pero namiss ko kayo, antagal nang di ako nakapag-pov.

So ayun nga, magsisimula na ang klase pero wala pa rin si Anica, galing no, second day of classes, bagong taon tas ayun di pa rin nagbabagong buhay.

"Good morning class!" bati ni Mrs. Tapias, ganda ng name noh? Parang gusto kong tapiasin eh uyy peace tayo hahahaha

Walang bumati, haha ganda pag-tripan eh.

"So how was your christmas and new year vacation? Antagal ng bakasyon niyo ah"

"Bitin Maam!!" sigaw nung isa kong kaklase na lalaki.

"Oo nga Maam, parang kailan lang nag-dota pa ako tapos eto, pasukan na naman" sabi naman nung katabi niyang lalaki.

Nag-aggree naman yung iba kong kaklase, ako tahimik lang dito sa may likod.

"Hindi ko naman pwedeng i-move yung classes niyo, wala kayong magagawa kaya get your books...uhm by the way, sinong absent ngayon?" tanong ni Maam.

Tumingin yung mga kaklase ko sa mga katabi nila, ako naman tiningnan ko yung katabi ko, potek nasira lang araw ko, tiningnan ko yung nasa left ko, wala, sa likod ko, wala rin -.-

"Si Mr. Velasco at Ms. Gonzales po Maam" sigaw ni Justin.

"Okay" sabi ni maam at binuksan yung class record niya sabay taas ng kilay...

Biglang bumukas yung pinto na siyang nag-agaw ng atensyon ng buong klase.

"Sorry, I'm late" sabi niya habang hingal na hingal. tsk tsk tsk

"Ms. Gonzales, why are you late?" tanong ni maam kay Anica.

"Traffic po kasi maam" pft eh pano mag-tatraffic eh ang lapit lang naman ng bahay nila hahahaha galing talaga magsinungaling ng kaibigan ko, mana sakin hahaha.

"Sige na, maupo ka na" sabi ni Maam sabay tuon ulit sa class record niya. Kumunot na naman yung noo ni Maam, ano ba kasing tinitingnan diyan ni maam?

"Oyy anong tinitingnan mo diyan?" sabi ni Anica sabay tapik sa balikat ko gamit ang bag niya.

"Aray ko bes" sabi ko ng pabulong. Kumunot naman noo niya ng hindi ko man lang siya tiningnan, nakita ko lang sa peripheral vision ko.

Dumiretso na lang siya sa upuan niya sa likod ko.

ANICA'S POV

Buti na lang talaga nakaabot ako kasi kung hindi, minarkahan na ata akong absent, well ayos lang naman sakin kasi makakapagpahinga ako sa bahay pero ayoko magka-absent, ewan ko rin kung bakit eh.

Pero ano bang nangyari sa mga tao ngayon, parang may hinihintay sila...

"By the way class~" hindi na natapos ni Maam yung sinasabi niya dahil biglang bumukas ng napakalakas yung pinto.

May pumasok na lalaki at naka-shades na black at yung bag niya hawak niya lang sa isang kamay niya. May dala siyang upuan na ginuguyod niya lang.

"Woah" yan yung sabi ng mga kaklase ko, yung ibang babae naman kinikilig aba instant peymus si kuya, yung iba naman namamangha, at yung iba parang kilala siya.

"Diba siya yung blah blah blah" bulong ng mga girls pero di ko naman maintindihan yung iba nilang sinabi, bulong nga diba.

"Okay class, stop murmuring" sabi ni Mrs. Tapias "We have a new transferee" sabi niya at di pa rin tumitigil sa pagbubulungan ang mga kaklase ko "Please introduce yourself mister" sabi ni maam dun sa lalaki.

"Terrence" walang gana niyang sabi, inalis niya yung shades niya at tiningnan ako. Ako lang naman yung nasa likod kaya sure ako na ako yung tinitignan.

"WAAAH SABI NA EH, SI TERRENCE LOPEZ YAN!!" biglang sigaw nung isang babae.

"WAAHH TERRENCE!!" ayan nagsigawan na rin yung ibang girls, di pala sigawan, tilian na. Nakiusyoso na rin yung mga taga-ibang section.

Tumingin ako ng nakataas ang kilay dun sa Terrence, psh bat ba ganyan yan makatingin sakin, pero parang familiar siya. Iniwas ko na lang tingin ko sakanya.

TERRENCE'S POV

Sabi na ehh, kung di ako nagkakamali, siya yung babaeng nabanggaan ko nung Saturday at yung natanggal sa trabaho, ang galing talaga ng manager ko.

Well, sabi ko mag-aaral muna ako habang hindi pa ako nag-dedebut, alam kong dagdag lang to sa problema ko kasi bukod sa pagod na ako sa mga practice ko, lalo pa ako maii-stress sa school pero ayos lang, gusto ko rin naman ma-experience maging 4th year ehh. Pumayag din naman ang management pati ang manager ko kaya agad silang naghanap ng magandang university para sakin.

At sakto namang dito rin nag-aaral yung nakabangga ko dati sa park at yung natanggal sa trabaho ng dahil sakin. Actually, andami ko nang atraso sa babaeng yan, di ko nga alam kung galit na galit na ata yan sakin or what, pero andito ako para mag-sorry sakanya.

Hindi pa rin sila tumitigil sa kakatili, well sanay na rin naman ako eh, sabi ng manager ko mas dadami pa daw yan pag nag-debut na ako at sumikat ako, kaya eto sanay na sa tili nila.

Pero isa lang napansin ko, hindi man lang nakikitili yung babae, hindi niya ba ako kilala?? Haist kainis naman ohh.

Tinanggal ko na yung shades ko at dumiretso sa likod, ginuyod ko na rin yung upuan na dala ko kasi sabi ng dean sakto lang daw yung mga upuan dito kaya pinagkunan pa ako ng upuan sa storage room.

Dumiretso ako dun sa likod, sa tabi nung babae. Hindi niya man lang ako pinapansin at seryosong nakikinig sa prof.

"Miss, anong pangalan mo?" tanong ko saka lumapit sakanya ng kaunti. Tiningnan niya lang ako at inirapan sabay binalik ang tingin sa blackboard.

Aba ang sungit, siya na nga yung nilalapitan siya pa yung masungit, sa gwapo kong to, iisnobin niya lang ako, di ako papayag.

---------------

A/N: Second update for today, waaah inaantok na akoooo pero eto nag-uupdate pa rin, para sainyo eh hahaha.

Magsilabas naman kayo ohh, magparamdam naman kayo, buti pa ang multo nagpaparamdam.

Mag-comment na lang ng gusto magpa-dedicate okay?? Anytime, anywhere pfft iwantv lang hahaha pero abangan niyo next update ko, kasi medyo matatagalan na naman ata bago ako maka-update eh.

Mahal ko kayo!!!

Nagmamahal,

Author <3

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon