Chapter 24-Stalker

1.1K 17 0
                                    


Di na naipagpatuloy pa ni Stacie yung sasabihin niya sainyo kasi tinakpan ko na ang madaldal niyang bibig pero eto na at ipapagpatuloy ko na... Enjoy Reading!

~~~~~~~~~~~~~

Chapter 24

ANICA'S POV

Well, andito ako ngayon sa park. Langya kasi itiniwalag na ko ng bestfriend ko abaa namannn.

Gusto ko mag-drawing, sabi ko nga, dito lang ako nakaka-drawing ng maayos, saka kung ano man yung magandang view dito, yun yung dino-drawing ko.

>>fast forward<<

Andito ako ngayon sa convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Pumupunta lang ako dito pag may extra time ako at pag weekends. Meron din naman kasing pumapalit sakin pag wala ako eh.

Hays today is Friday, and I don't think makakabayad pa ako sa utang ni papa     (︶︹︺) it has been 3 years already huhuhu I started paying it when I was 18 years old, yun din yung panahon na nagsimula ako magpart-time tch. Wala na talagang pakialam sakin ang mga magulang ko, tanging si nanay na lang talaga ang nasa tabi ko.

Di ko rin alam kung mababayaran ko to sa tamang panahon, at yun ay sa Linggo. Dami kong problema...

Biglang tumunog yung bell na nakasabit sa may pinto.

"Oh ate She, kamusta na po?" sabi ko nang nakangiti sabay tanggal ng cap ko.

"Oh ikaw pala ang nagpapart time ngayon?" sabi ni ate She, natatandaan niyo pa ba kung sino si ate She? Siya yung may-ari ng convenience store na to "Wala ba yung nagpapalit sayo? Tig-half day lang kayo ha?"

"Ahh wala pa nga po eh, hinihintay lang po kita kasi po wala pa po yung kapalit ko" sabi ko naman. Hindi ko kasi kilala yung kapalit ko, yung sunod na magpapart-time dito. Di ko pa nga nakikitang nagsimula na sa trabaho eh.

"Ahh sige, mauna ka na tuloy, ako na maghihintay sakanya" sabi niya habang nilalapag yung mga karton at plastic bags sa sahig. Tinulungan ko naman siya mag-ayos ng mga iyon, mga bagong pinamili ata to para sa store. Minsan kasi may nagdedeliver dito, pero wala ata ngayon kaya si ate She na ang bumili.

"Uhm sige po, mauna na po tuloy ako" sabi ko nang matapos kaming mag-ayos ng mga pinamili.

"Sige, ako nang bahala dito" sabi niya pa.

Tumunog ulit ang bell sa pinto at bumungad ang isang babae na maikli ang buhok at nagsusuot ng cap at inaayos ang uniform katulad ng uniform na suot ko ngayon ng convenience store na ito.

Ilang saglit pa at tumingin siya samin....

STACIE'S POV

Sa kasalukuyan ay nandidito ako ngayon sa labas ng gate nila Justin. Why? Tsk di naman ako pupunta dito kung wala akong nagawa sakanya. Pero meron nga kasi...

Pinapapunta daw ako ng mommy niya huhuhu baka may anooo?! Baka nalaman nga yung about dun sa ginawa ko kay Justin so panget ಠ_ಠ

Waahh lupa, lamunin mo na ko pleasee     (=`~´=)

JUSTIN'S POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong magandang gawin ngayong araw since walang pasok ngayon.

Nakahiga ako sa kama ko at nagsosoundtrip. Walang magawa eh.

Napatingin ako sa labas ng bahay mula sa bintana dito sa kwarto ko. At laking gulat ko ng makita ko si Stacie na sumisilip-silip sa loob ng bahay na parang stalker.

"Hmm, ikaw ata ang stalker, hindi ako" bulong ko sa sarili ko at hininaan ang music box na nasa side table ng kama. Naki-usyoso na rin ako at pinagmasdan ng mabuti kung anong gagawin niya dito.

Bigla kong naalala yung kahapon.

"Pft oo nga pala haha akala niya nagka-amnesia talaga ako at nakalimutan ko kung sino siya" sabi ko na lang na natatawa-tawa.

"Sinong tinitingnan mo bro?"

"Siya oh" turo ko kay Sta~ What? Sino tong epal na to? Tumingin ako sa katabi ko na nakikitingin na rin sa labas. Agad ko namang sinara yung sliding na kurtina sa bintana.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kapatid ko.

"Eh san ba ang bahay ko?" sabi niya.

"Diba pinatapon ka na sa Batangas?" eh pano nandun na to kay daddy, dun din to nag-aaral, bat nandito tong batang to?

"Grabe ka naman tol! Tsaka sino yung babae sa labas? Kanina mo pa tinitingnan eh, crush mo?" sunod sunod niyang tanong. Yuck.

"Di" sabi ko at tinutulak tulak na siya palabas ng kwarto ko.

"Eh sino nga? Kanina pa yan diyan sa labas eh.... Or baka..... Girlfriend mo noh?" bwiset tong kumag na to.

"Yuck, di ko siya type"

"Di mo type? Akin na lang hahaha" sabi niya with matching evil laugh at naglakad na palabas ng kwarto ko.

"Edi sayo na!" sigaw ko sakanya.

Binuksan ko ulit yung kurtina ng bintana. At mas ikinagulat ko pa ng nakita ko si mommy na may kasamang babae at pinapasok ito sa loob...

STACIE'S POV

Paalis na sana ako ng may tumawag sakin.

"Stacie!" tawag ng pamilyar na boses sakin. Agad naman akong lumingon at nakita ko si Audrey, yung pinsan ko at may kasamang magandang babae na medyo may edad na pero mukhang bata pa rin.

"A-Ahh...Uhm hello po" sabi ko ng pagbuksan nila ako ng gate.

....................

"Since nandito ka na lang rin Stacie, isasali ka na namin sa usapan kasi ikaw naman yung maid of honor ko" sabi ni Audrey at ngumiti sakin.

"A-Ahh sige" sabi ko, wala kasi dapat ako dito eh huhu ayy teka ayan pala yung mommy ni Justin. Jusko baka idemanda na niya ako huhuhu.

"Oh andiyan ka na pala anak" nagsitinginan naman sila sa likuran nung kasamang babae kanina ni Audrey "Kilala mo ba si Stacie? Stacie Hernandez? Maid of honor ni Audrey?"

Kumamot kamot ito sa ulo niya. Tsk mukhang ewan, baka bagong gising yucks di pa ata yan naliligo, gulo gulo pa yung buhok eh.

"Di po" halos lumuwa yung mata ko sa sagot nito sa mommy niya. So ibig sabihin di niya talaga ako matandaan? (◎0◎)

--------------

A/N: Ehem yung gwapong lalake na kausap kanina ni Justin ay si Jesver Denrick, kakambal niya. Hahaha pinatapon na daw kasi yun sa Batangas, ewan lang kung bat biglang sumulpot sa bahay nila sa Manila.

Abangan kung anong role ni Jesver sa mga susunod na chapters hehehe..

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon