Chapter 12-Party Popper

1.7K 33 0
                                    

Chapter 12

ANICA'S POV

"Ehh kasi birthday mo pala ngayon hindi mo man lang sinabi sakin, alam mo bang hinanap ko pa yan sa kailalimlaliman ng mundo~"

"Weh di nga? nakayanan mo yung mainit na core para lang makuha tong bracelet na to?" binatukan ako ng mahina ni Justin, aba birthday ko ngayon, bakit nambabatok siya?

"Araaay!!" sigaw ko saka minasahe yung batok ko.

"Ohh san napadpad yung common sense mo, pakihanap please" sabi niya habang ginagaya yung tono ng pakasabi ko ng pakihanap please kanina.

"Ehh kasi naman ba't alam mo na birthday ko ngayon? Luh? Baka stalker kita? Stalker kita noh?? Ikaw ha, kaya pala palagi kitang nakikita kasi~"

"Hindi ako stalker, may nakapagsabi lang sakin kanina" sabi niya, ehh wala ngang nakaalala na birthday ko ngayon siya pa kaya na nung isang araw ko lang nakilala, sino naman kaya nagsabi sakanya??

"Ohh...okay" sabi ko saka inayos yung bracelet sa kamay ko.

"Yun lang, walang thank you?? pinaghirapan ko yang hanapin ehh"

Tiningnan ko siya ng ilang segundo, sus thank you lang pala habol niya.

"Thank you" seryosong sabi ko, nagulat naman siya sa biglang pag-seryoso ko.

JUSTIN'S POV

"Thank you" sinabi niya yan ng seryoso, ewan ko ba kung bakit bigla na lang siya sumeryoso. Tumingin ako sa mata niya, seryoso nga siya, siya yung taong madaling malaman sa mata ang gusto niyang sabihin. Kaya tiningnan ko lang yung mata niya.

"Oyy! tulala ka na diyan, thank you na" bigla namang nabalik sa katotohanan yung sarili ko, bakit nawala ba ako kanina?? Feel ko ehh.

"A-Ahh umuwi ka na, malapit na mag-9:00, siguradong hinihintay ka na ng nanay mo" sabi ko.

"Ayy takte, oo nga pala, pinapauwi ako bago mag-9:00, waaahh end of the world na" sabi niya at agad-agad na kinuha yung padlock at susi, hinila na niya ako palabas at sinara na yung pinto, binaba na rin niya yung sliding na gate at pinadlock.

"Ayy sige Justin, mauna na ako, ilang minuto na lang kasi mapapagalitan na ako ni nanay" sabi niya sabay takbo.

Napangiti na lang ako sakanya, para kasi siyang bata na nagmamadali kasi late na sa school. Lumingon siya saglit at kumaway, kumaway rin ako at dumiretso na siya sa pagtakbo.

Lumingon ako paibang direksyon at may nakita akong isang suspicious na lalaki, naka-all black at nakatingin mula sa malayo.

Nakatingin siya kay Anica, sino ba siya? Bakit sinusundan niya si Anica? Nakita niya akong nakatingin sakanya, kaya naglakad na siya palayo.

"Weird" bulong ko sa sarili ko. Naglakad na rin ako papunta sa ibang direksyon, may pupuntahan pa kasi ako eh.

STACIE'S POV

Whooo antagal talaga kahit kailan nung babaeng yun, ilang oras na ako ditong naghihintay wala pa rin.

"Nay, sinabihan mo po ba yung babaeng yun?" tanong ko sa nanay ni Anica. Nanay na rin kasi tawag ko sakanya.

"Oo, parating na yun, na-traffic lang ata" sabi ni nanay Jenny.

Wow, uso pa pala sakanya ang traffic eh ang lapit lapit lang naman ng university namin at nung pinag-aaplyan niya ng trabaho. Hindi na lang ako nagsalita pa kasi may pumipihit ng doorknob.

ANICA'S POV

Binuksan ko na yung pinto at....bat ang dilim dito? Kinapakapa ko yung switch ng ilaw at binuksan ito.

"SURPRISE!" sabay /plok/

"Ayy takte!!" sigaw ko, pano ba naman nakatapat sakin yung party popper, resulta pumutok sa may mukha ko yung party popper tapos may natira pa sa mukha ko, pinagpag ko yung confetti at may nakapasok pa sa bunganga ko "Pwe pwe pwe....sinong may hawak ng party popper?!" sigaw ko.

Tinuro ni nanay si Stacie at si Stacie naman tinuro yung sarili niya.

"STACIIEEE!!!" sigaw ko ulit.

"Waaaaahh peace tayooo bes, hindi ko naman alam na mukha mo na pala yung nasa tapat ng party popper, waaaaaahh sorry na talaga Anica, sa susunod hindi na ako magdadala ng party popper sa birthday mooo.....waaahh aray aray!!!" sigaw niya nung ma-corner ko siya sa may sofa at ng ibato ko yung dalawang throw pillows sakanya.

"Hahahahahaha tama na nga yan haha oyy kayong dalawa!" sigaw ni nanay. Tawa rin kasi ng tawa si nanay.

So ayun, nagtawanan lang kami hahahaha

"Happy Birthday Anica!!" sigaw ni Stacie habang hawak yung cake sa harap ko.

"Aray naman, sakit sa tenga, nasa harap mo lang ako, di mo kailangan sumigaw" sabi ko habang tinatarayan siya haha ganyan kami magkulitan eh.

"Ohh blow mo na, nangangalay rin ako, pero mag-wish ka muna" sabi niya.

Hinipan ko na yung kandila pero syempre nag-wish ako, gusto niyo malaman?? secret........

I've been waiting for her for a long time, and now that I'm already 20 years old, I think pwede ko na siyang puntahan, makita ko man lang siya, at mayakap kahit saglit lang... Miss ko na siyaaa... Miss ko na si mama...

------------------

A/N: Second update for today, as promised haha oyy alam kong nandiyan pa rin yung nagbabasa neto, ayiiieeee silent lang yan, pero ayos lang, atleast binabasa mo, oo, ikaw nga na nagbabasa nito hahaha

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon