Chapter 22-I need you pt.2

1.2K 21 2
                                    


Tantananan~ chapter 22 delivery ahihihihi nagpahabol ako kasi magkadugtong yung scene sa 21 at 22 eh, baka malito kayo kaya eto ipapagpatuloy ko na... So yeah dakilang epal ako dito sa unahan hahaha so eto na... Enjoy reading!

~~~~~~~~~~~~~

Chapter 22

ANICA'S POV

[I need you...]

"Hello? Helloo?! Hoy choppy choppy! Pasuspense ka pa eh, sabihin mo na lang kasi ng deretso!"

*insert cricket sound*

"Hello? Helloo? Helo helo helo helo haw du yu du?" futek napapakanta ako ng nursery song dahil sa asungot na to!

/toot-toot toot-toot toot-toot/

And that states the end... End call ahahaha
Ayy hala puchangina asan yung lokong yun? Pagkagabi gabi na at nakagawa na naman ng kalokohan.

"I need you I need you pang nalalaman, I need you-hin ko mukha niya eh, ano ako? Yaya niya? Bata siya? Yaks tanda tanda na eh Celine Celine pa tse, bahala siya!" sabi ko, di ko namamalayan na naisasabi ko na pala yung iniisip ko kaya eto, nagsasalita ako at para akong baliw na wala naman talagang kausap.

"Hoy! Para kang baliw, sino kausap mo diyan?"

"Ay palaka!" syet aatakihin ako sa puso sa pagsusulpot bigla ng nanay ko eh "Ayy nay! Hehehehe" sabi ko habang napapakamot na lamang sa ulo ko.

Tiningnan ko lang si nanay habang nagliligpit ng mga damit na nagkalat sa kwarto ko, uhm medyo madumi kasi kwarto ko ngayon, medyo lang naman ahehehe

"Nay, ano pong ginagawa niyo? Bat kayo nandito dis-oras ng gabi?" tanong ko, oho obvious naman kung ano yung ginagawa niya, nagpupulot ng mga nagkalat na damit at kung ano ano pang papel papel.

"Ahh eto? Maglalaba ako bukas eh" sabi niya at di ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sakin at...

"Nay...may pupuntan lang ako" sabi ko habang nakatingin sa kamay ko na nakakalabit sa damit ni nanay.

"Uhm..m-madali lang naman ako nay, pramis" sabi ko sabay tapik sa dibdib ko at iginuhit ang cross doon "Cross my heart" at sinuntok ng mahina ang dibdib, "Hope to die!" at sabay taas ng kamay at turo sa taas, sa kisame dT_Tb

"Baliw anak! San ka naman pupunta ng oras na to aber?" sabi niya na nakapamaywang.

"Uhm...ahh...ano kasi nay eh" shet ano bang irarason ko "Ahh basta, madali lang ako nay, may bibilhin lang madali diyan sa malapit" sabi ko, malapit nga ba? Futek asan nga pala yun? Aba baliw dapat sinabi niya kung nasan siya ngayon huhuhu.

TERRENCE'S POV

Ilang minuto na rin ang nakalipas pero wala pa rin si Celine...

"Terrence kyaaaaahhh"

"Pogi mo Terrence waaaahhh"

"Shet wafu mo Terrence!"

"Akin ka naaaa!!!"

Ilan sa mga tili ng mga kababaihan dito. Bakit? Tumakas lang naman ako sa dorm namin, wala eh, ang boring dun hahaha. Andito ako ngayon sa mall kung san...

/FLASHBACK/

"Uhm miss, magkano yang ice cream?" tanong ko dun sa babaeng cashier ng snowpy. Kanina pa siya tingin ng tingin sakin kaya mas tinago ko ang aking mukha sa kulay itim na face mask at shades with matching cap and leather jacket. Parang kidnapper haha.

"Ahh sir, eto na po yung~"

"Sabi na eh! Si Terrence Lopez yan!!" sigaw ng babae. Sh*t! Tinanggal ng isang babae rin na kanina pa ko tinitignan ang mask at cap ko.

Fvck what am I gonna doooo??? Sht sht sht.

Agad ding dumami ang tao sa paligid ko. Sht kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng pants ko at nagcall. Di ko na tiningnan kung sino ang na-call kong number. Pero dahil sa curiousity, tiningnan ko kung sino yung natawagan ko habang nagriring.

"Celine!" sabi ko. At di ko masyadong marinig kung anong pinagsasabi sa kabilang linya kasi madaming nagtitilian at nagsisigawan, naiipit na nga ako eh. Pero rinig na rinig ko yung pag-ubo niya, sunod sunod pa hahahaha.

"Uhm Celine? Are you okay?!" sabi ko. Aba naman nagawa ko pa magtanong kung okay siya, eh sinugod na nga ako ng mga fangirls ko na patay na patay sakin /sabay wink; Tae! Hahaha.

[Aba bwiset tong lalakeng to! Sa tingin mo *ubo ubo* okay lang ako?!] bulyaw niya sakin. Tumatakbo ako habang kausap ko siya sa call, alangan naman maging tuod ako dito na parang poste at hihintayin na masugod ng mga babae dito, syempre ayokong madungisan ang gwapo kong mukha.

[Oh? Bakit ba? Anong kailangan mo?!] sabi niya, tumingin ako sa likod ko. Sht andami nang humahabol sakin. Gwapo ko talagaaa!

(Author: Ang hangin potek! d-_-b)

"Uhm Celine?" sabi ko. Tae author pinapahirapan mo ba ko?! Andami nang babae ang humahabol sakin. Hindi ko na rin makausap ng maayos si Celine, kasi tumatakbo ako. Fvck!

[Hmm?] 

"I need you~" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi natabig ng isang babae yung phone ko at nakatalsik sa kung saan.

Malapit na kami sa isang eskinita ng mall, sa may parking lot, nakaabot na pala ako dito. Langya yan! Aba badtrip nandito lang naman kasi ako para gumala eh. Tsaka may gusto lang naman akong makita, bat pinagkakait pa sakin ni tadhana haist

Biglang may humila sa kamay ko sa kung saan, di ko na alam kung anong gagawin ko sa mga panahon na ganito, di pa naman ako nakikinig nung mga panahon na nagtuturo si manager ng self-defense. Black-belter lang naman si manager sa karate yaaaahhh

(Author: Nag-trivia pa, gaguuu!! Hahaha)

ANICA'S POV

Yeah right tss tumawag ako sa manager ni Terrence, ewan kung bat meron ako ng number niya. Ahh baka nung naabutan kami ng manager niya na naglalakad lakad at nililibot ang school, saka niya binigay number niya sakin, ayy basta di ko matandaan.

Andito ako ngayon sa mall habang kausap ko manager niya, kanina pa nga nagtatatalak at nahighblood kaka-worry kung nasan na ba yung Terrence na yun. Nagkakagulo na nga daw sa dorm nila eh, halos lahat hinahanap siya. Pano? Masyadong dora lakwatsera.

Nakakita ako ng maraming mga babaeng nagkakagulo at nagkukumpulan dun sa exit ng mall, pano nga ba ako napunta dito? Ayy ewan ko sa paa ko leche asan na ba kasi yun?

Nag-ikot ikot ako sa mall at nadaanan ko na naman yung mga babaeng nagkumpulan tss ano meron diyan? Artista? Gwapo? Tsk.

Loading...

Loading.....

Ayy shet bat di ko yun naisip? Kanina pa ko lakad ng lakad dito, ngayon ko lang naisip. Papunta na ko dun sa nagkukumpulan na mga babae ng may makita ako sa sahig na phone at naka-on pa ito. Kinuha ko iyon at bumungad agad yung mukha ni Terrence sa lock screen. Potek! Tumakbo na ako dun sa mga nagkakagulo at nakita kong may lalakeng tumatakbo palayo, madami na ring mga taong kumukuha ng picture at video. Binaba ko yung mga phone na nag-flash here flash there at sinabihan ko ng "Ayy sorry!" sabi ko at ngumisi at kinuha yung cap na nasa sahig na I think kay Terrence nga.

"Hoy!" sigaw ko kay gago.

"Hoooyyy!!!" sigaw ko, potek dumaan ako sa parang shortcut at ayun naabutan ko ang loko, hinablot ko yung kamay niya at parang umaastang nirerape siya na nilagay ang kamay sa may dibdib at may payuko yuko pa habang nagsasabi ng "Sorry po, sorry po, ayoko pong marape, masisira career ko~" di ko na pinatapos yung sinasabi niya at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. Mahirap na baka makita pa kami ng fangirls niya...

----------------

A/N: Tadaaaaa! Leche kasi, wala ako sa mood magtype ahahahaha wala sa mood pero ang haba ng update, ayy abaa ang galeng galenggg.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon